Mabilis ang pagtayo ko. Ni hindi ko na naisip na naroon si Wayt. I want to see her.

Tanghali kami bumisita. Nandoon lahat ang kanyang pinsan noong pumasok kami sa bahay nila. The boys are on the couch. Ang mga girls ay hindi umaalis sa tabi ni Nana.

Kita ko kung sino ang pinaka seryoso sa mga lalakeng Delafuente. Halos manginig ako sa galit na nakita sa mga mata ni Wayt kahit tahimik lamang itong nakahalukipkip sa tabi ni Ken na malungkot din.

Umakyat kami sa kuwarto ni Nana. She's leaving. Parang pinipiga ang puso ko. Lalo na noong bumukas ang pinto at ang namumugto niyang mga mata agad ang sumalubong sa amin.

"C-Cassey..." she smiled with her swollen eyes.

Lumapit agad ako at yumakap nang mahigpit sa kanya. She buried her face on my shoulder and sobbed softly.

"Sshh. Wala kang kasalanan..."

Tumango tango siya habang humihigpit ang yakap niya sa akin.

"A-Aalis na ako. Sabi ni Mommy, sa Canada ko nalang daw ipagpapatuloy ang pag-aaral ko..." sumbong niya.

I shut my eyes and cried.

"I know. Ituloy mo doon ang pangarap mo ha. Prove them wrong. Alam kong kaya mo. Magpatuloy ka roon, Nana," namamaos kong sabi.

She nodded again while crying softly.

"I-Ikaw rin... At... pakisabi kay Franca na tuparin niya rin ang pangarap niyang Clinic... Pati sa'yo, Cass..."

Tumango tango ako at humikbi. This is the pain I hate the most! Ayokong nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil tripleng sakit iyon para sa akin. I hate losing a friend. Kahit alam kong magpapatuloy si Nana sa Canada, pinipiga pa rin ang puso ko dahil malalayo ako sa kanya.

Humiwalay ako at hinayaan ang iba kong pinsan na makapagpaalam din. Pinalis ko ang luha. Halos kumirot ang aking dibdib nang idinaan niya nalang sa ngiti at tawa ang nangyayari sa kanya.

Bakit nangyayari ito kay Nana? She's too pure. Masyado itong mabigat para sa kanya. Bakit kailangan niya itong maranasan? Bakit sa kanya pa na walang hinangad na masama sa nakapaligid sa kanya?

"Sabi na nasa loob talaga ang kulo ni Nana. Kunwari lang na mahiyain 'yon but look at her, she purposely went to Aries' condo unit because she's a bitch..." rinig ko sa sumunod na mga araw habang tulala ako sa hallway.

Parang nag-init ang aking tainga sa narinig. Mabilis kong hinablot ang braso ng babaeng nagsabi noon.

"Anong sabi mo?" irita kong tanong na ikinagulat niya.

"Totoo naman ah? Nagrelease ng statement si Aries. You're just defending her because you are friends with the Delafuentes. Pero tama naman talaga 'yung kumakalat na mga sabi sabi sa kanya sa internet."

Parang tumubo ng triple ang aking sungay at gustong kumawala sa banga ang galit na ilang araw ko nang kinikimkim para sa mga taong hinusgahan si Nana sa internet.

"Ah? Well let's see kung papanigan ka ng lahat kung pinagkalat ko rin sa internet na bitch ka!" hila ko sa kanyang ID at nag-amba iyong kunan ng picture gamit ang aking phone.

"Ano ba, Cassey! Stop it!" layo niya roon at nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

"Oh? Let's test kung nasa sa'yo ba ang simpatya ng mga nasa internet! Let's test kung katulad mo ba lahat ang mga naroon na madaling nagpapaniwala sa sabi sabi sa internet!"

Kita ko ang pamumula niya ngunit talagang nagpatuloy akong kunan ng picture ang kanyang ID. Nakunan ko iyon ng picture. Naging agresibo agad siya nang mapansing nagtagumpay ako roon.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now