Kinagat niya ang labi at umiling. "I think we need to go out. To fresh our minds."

Pinilit ako nila Amy na lumabas o di kaya ay kumain raw sa labas. Pinagpaalam ako nila kay mommy at pumayag si mommy. Halos kasi ng mangyari iyon ay nawalan ako ng gana na lumabas . Alam ko rin na marami ang nakakaalam sa nangyari. Kalat iyon sa social media. 

Mas pinili namin ang kumain sa isang restaurant.  

"Wala ba kayong pasok?" I asked them while we were eating. 

"Absent ako ngayon. Binisita ko lang talaga kayo ni Ruby. Pero wala siya sa condo niya kaya ikaw nalang pinuntahan ko."


"Ako rin. Pero hindi naman major subject ngayong araw kaya okay lang."

"Don't worry about me . Mahirap lang kapag atakihin ako ng anxiety pero... Kaya ko naman. Malalagpasan ko ito."

"Yeah, pero Saphy...Kasi hindi ka raw nagrereply kay Raphael kaya..."

Hinabol ko ng tingin ang kanyang tinitigan sa likod ko. Nagulat ako dahil andoon si Raphael.


Ngumisi si Amy sakin at nag peace sign. INnirapan ko siya at piniling lumipat sa mesa ni Raphael. Kumalabog ang dibdib ko ng makita siya. Nakaputing t-shirt at pantalon siya. Saktong sakto ang kanyang damit sa kanya kaya kitang kita ko ang namimintog niyang braso.

Huminga ako ng malalim ng dumantay ang tingin niya sa katawan ko. 

"Why are you here?" Hindi ako tumingin sa kanya dahil ang titig ko ay nasa pinsan ko sa aming harapan. They set me up!

"I am worried Saph.  Hindi rin ako makapasok sa inyo. Ayaw ng daddy mo."


Nanlaki ang mga mata ko. "Pumunta ka sa bahay?" Hindi ako makapaniwala!

He nodded. I closed my eyes tight.

Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa gilid ko. 

"Nawala kana noon. Hindi ko na aaksayahin ang pagkakataon ngayon na bumalik ka . "


"How's the investigation?" pilit kong binalewla ang sinasabi niya at ang mga nagkukumahog sa dibdib ko. His big hand cupped my hand. He intertwined our fingers. Hinayaan ko siya. 

Napapatingin sa amin ang mga iilag kumakain. Nakita ko rin ang pag iwas agad ng dalawa akong pinsan ng titigan ko sila. 

"My team handle the case. May nakita raw na katawan sa Mindoro. May tao ako doon para mag imbestiga. Nag aabang rin ang tito mo kung sakaling bigyan siya namin g go signal kung si Margo nga iyon."


Bumabara ang lalamunan ko. 


"Iyong n-nakita ba sa Mindoro ay b-buhay?"

"Yes."

Napapikit ako ng mariin .Sana si Margo na iyon. 

"I will do everything . D-don't blame yourself please. Kung hindi lang sana ako umalis-"

"Kung hindi ka umalis bakit? Mababago mo ba ang mangyayari? No Raph. "

I saw hs adams apple moved. Nanubig ang mga mata ko. Dahil kasi na imbes na masiyaha ako.... pero hindi.

"Are you still doing this because of Ruby's favor? Huh?"

Nangungusap ang mga mata niya ng tignan ko siya. 

"Dahil obsessed ako saiyo noon. Ayaw ni Ruby na masaktan ako kaya tinutulak ka niya sakin!" I tried so hard to firm my voice. To not break down. 

"What are you talking about?" he asked coldly to me. 

"Wala akong gusto sa pinsan mo Saphire."

Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Tinaliman ko siya ng tingin.

"What ever your plan for me, stop it. Stop it , dahil ayoko na munang makausap o makita ka."

Napalunok ako. Gusto kong umiyak dahil ang totoo ay alam ko sa sarili ko na hindi puppy love or crush ang nararamdaman ko sa kanya. It's something deep . 

Umigting ang panga niya at umayos ng upo. 

"Sa mga panahong  na ito w-wala akong oras sa mga ganito. Maraming problema. Maraming mas importante-"

"Is that it?" putol niya sakin. "Dahil sa pinsan mo ay babalewalain mo ako? Have you forgot that I am obsessed with you even when you were young? Bakit hindi mo ako hayaang mag explain? Give me time-"

"What time? Na Maintindihan  ko ang lahat? Kung bakit noong wala ako ay kayo ang magkasama? Let's stop this-" hirap na hirap kong sinabi.

"Don't dictate me what to do miss Montemayor. If I say you are mine.. You are mine." padarag siyang tumayo at nilingon ako." I'll give you damn space pero akin ka parin. " aniya at umalis habang nakaawang ang labi ko. Tinitigan ko siya na lumabas ng resturant habang halos sambahin siya ng mga babaeng madadaanan niya. Dahil nga salamin ang ding ding ng restaurant ay nakita ko siyang sumakay sa big bike nya at mabilis na pinaharurot iyon palayo na tila ba sa kanya ang daan.


"Damn  Mafia..." bulong ko at napahilamos nlng ng mukha. 










































































Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon