"Ang sexy mo pa," Manang said, making me laugh. "Model ka ba?"


"Salamat po," I smiled at her after she pulled away. "At oho, model po ako."


"Kaya naman pala," she was looking at me with admiring eyes. Tumingin siya kay Ansel. "Nakabingwit ka na namang bata ka. Huwag mo nang pakawalan itong si Iana. Ikaw lugi!"


Manang ano ba! Maghihiwalay rin kami. This marriage is not real.


Ansel didn't comment but he glanced at me before pursing his lips, reading again. I mentally raised a finger at him.


"Where do you want to ride? On a plane or a jet?" Prenteng tanong ni Ansel sa akin nang pumasok ako sa kuwarto niya.


Hinayaan niya ako sa guest room na matulog pero utos niyang dito sa master's bedroom maiiwan ang mga gamit at damit ko. Desisyon kasi siya.


I frowned at him. Huminga ako ng malalim. Bakit ba ako nagugulat sa ganyang klaseng mga tanong? He is a wealthy man. Their family is known to own the largest chains of hotels, bars and many other business.


"Sa public plane tayo. 'Yung hindi pang VIP," I demanded with no emotion.


Tumaas ang kilay niya. Sa akala ko ay aayaw siya, napakurap ako nang tumango lang siya. "Okay. If that's what you want."


Ramdam ko ang paninitig niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. He pursed his lips. "The ride via jet would be shorter than the plane. Still want the plane?" Ansel gave me a questioning look.


Tumikhim ako. "I want the public plane. But if you're in a hurry, we can go for the jet then." I'm not that inconsiderate to be so selfish. As he said, he will attend a business meeting. Kung totoo man ang sinasabi niya, ayoko namang makaabala 'no!


Pinanood ko kung papaano niya kunin ang phone niya at may tinawagan. "John, book two tickets to France."


Napaawang ang labi ko sa narinig. I was about to comment but I stopped myself. Baka hindi ganun kaimportante ang business meeting? Or baka he's giving time for his woman to plan so I wouldn't catch them in any way?


I started packing my clothes. Lumayo siya at naupo sa may sofa. He placed the document he's holding in the mini table. Iniwas ko sa kanya ang atensyon ko. I went inside the closet and took the clothes that I'll need. Nilapag ko ang mga 'yon sa kama.


Kinuha ko ang maleta ko at sinimulang ayusin ang mga dinampot kong damit. Tinaas ko ang isang maroon na swimsuit.


"Iana, you're not wearing that," alma ni Ansel.


Napangisi ako sa narinig. His disagreement just gave me an idea. I ignored him. Tinupi ko ang inayawan niyang swimsuit at nilagay iyon sa maleta.


I heard a small curse from him. "Hindi mo kailangan ang swimsuit. Malamig dun ngayon."


"Sasama lang ako sa'yo para gumala sa France. What if I suddenly think about going for a swim? I might need a swimsuit," you cannot order me around, Mr. Monterro. Hindi dahil ayaw mo ng damit na iyon ay susundin na kita.


Ansel did not answer.


Upon entering the plane, I smiled at the flight attendant na babae and the guy who immediately beamed at me the moment I stepped inside.


"Hi, Sir," bati agad nung babae na staff nang makita si Ansel sa likuran ko. I even saw how her eyes widened a little and how her jaw dropped.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon