M2

41 8 4
                                    

palaging nalilito
kung sayo nga ba ay lalayo
alam kuna nung umpisa,
na ang lahat ay malabo
at ako rin naman
ang magiging talo.

palaging umaasa sa
mga panalangin
na baka sakaling
maiba ang pagtingin.
palaging nagtatanong
sa salamin,
kung ikaw ba ay magiging akin.
nakikiusap sa hangin
na sana'y pagsinta ko'y
tanggapin.

kinakausap ang mga tala
na sana'y balang araw ikaw
aking maankin at mapasaya.
palaging nag-aalala sapagkat
natatakot na mapaligaya ka ng
iba ,sinta.

sa ngayon,aasa muna sa
munting hiling
aasa na sana ang lahat
ay baliktarin ng hangin.
at ikaw ang siyang pag-asa
na hindi pwede sa'kin mapasama.

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant