Prologue

780 12 0
                                    

"Jewel sige na pumayag ka na, tutal talo ka naman sa bet natin kahapon, so accept the consequence girl" saad sa akin ng isa sa mga kaklase ko.

Kami lang na section ang nagcelebrate na magkakasama. Masasabi ko hindi kami mayaman o mahirap tama lang. Nandito kami sa isang bar. We're celebrating dahil finally graduate na kami ng high school at ito na rin ang huli namin na magkakasama dahil by college maghihiwalay na kami.
Iba't-ibang paaralan at kurso kukunin
namin Tanging kami lang ni Yana ang
magkapareho paaralan at kursong
kukunin.

"Go Jewel!!," pagcheer nila sa akin.

"Kaya mo 'yan Jewel," pagcheer ulit nila pare-pareho na kami may tama ng alak.Dare lang naman sumayaw ng sexy dance sa gitna ng dance floor. Kaya ko naman hindi sa pagyayabang reyna ako sa sayawan.

"Huwag mo sabihin hindi mo kaya Jewel you're the Queen of the dance floor walang inuurungan na laban." saad ng isa ko kaklase. Tama naman sila wala ako inuurungan laban mapakompetisyon man o pustuhan game ako lagi.

"Game!!!"sigaw at pagsang-ayon ko sa
kanila.

"Wait magrerequest ako ng tugtog para sa dare mo Jewel." saad ni Brianna at agad na tinungo nito ang isang staff at bumulong dito, nang lumingon ito sa amin sabay thumbs up nito hudyat na okey.

"Go Jewel!!Jewel!!Jewel Jewel!!"
pagchecheer nila sa akin. Tumayo na ako at sakto naman ang damit ko sa tugtog na sasayawin ko. Kasabay ng tugtog ang pagpunta ko sa gitna.

Sa paglakad ko pa lang alam ko naagaw ko na atensyon ng mga nasa loob.Nakatinqin sa akin lahat lalu na mga kalalakihan.

Sa bawat indayog ng katawan ko,
napapahiyaw ang mga tao kasabay ng
mga kaklase ko

"Landi move pa Jewel!." Rinig ko sigaw ni Yana my bestfriend, magaling din ito sumayaw actually, kami ang reyna na dalawa pero sabi ng iba mas magaling ako. Pero para sa akin magaling kami pareho wala kami pakialam kung sino mas
magaling sa amin. Walang nagaganap sa aming dalawa kompetisyon basta masaya kami at 'yun ang importante.

Sinunod ko naman sinabi ni Yana mas lalu ko pinainit ang gabi sa bawat galaw ko at dahil na rin sa epekto ng alak mas lalu ko ginalingan.

Sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw,
isang braso ang pumulupot sa aking
bewang. Ramdam ko ang hininga nito
bandang kanan ng aking tenga.

"Stop what you doing woman." bulong
nito sa akin, akmang haharap ako mabilis na naipulupot nito ang isang pang braso sa aking bewang,
nakayakap na ito mula sa aking likuran.

"Not now mister not until the music stop, then I will stop." saad ko alam ko rinig niya sinabi ko.

"If you will not stop, kakaladkarin kita
palabas dito." wika nito na nasa boses
ang pagbabanta.

"Sino ka para patigilin ako ginagawa ko,wala ka karapatan let me go and stay away from me." madiin ko saad
nakakainis panira sa ginagawa ko.

"Concern lang ako sa'yo miss. Look
around and see the men here kulang na lang maglaway na parang aso sa
ginagawa mo. Hihintayin mo pa ba
mabastos ka dito? Is that what you want huh?." galit na saad nito.

"No, tatapusin ko lang ang pagsayaw ko,then I will stop, what I'm doing just a dare mister kaya puwede ba LEAVE!, umalis ka na nakakaistorbo ka sa ginagawa ko."Inalis niya naman ang pagkakayap niya sa akin pero di ko inaasahan na kasabay ng paghawak sa braso ko ang paghila nito sa
akin palabas ng bar. Rinig ko pag-
singhapan naman ng mga tao na
nadadaanan namin palabas ng bar.

Hindi ko na rin narinig man lang boses ng mga kaklase ko kahit si Yana. Wala man lang tumulong sa akin hanggang makalabas ako ng bar.

"Bitiwan mo nga ako lalaki ka!!!panira ka ng gabi ko!" sigaw ko dito habang pinipilit na alisin ang kamay nito sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko maaninag mukha nito madilim sa
kinaroroonan namin.

One night to forget Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum