Isang oras ang biyahe doon at sa daan kanina ay nakita ko ang pinakamataas na bundok at baka doon nga ang tungo namin.

Sabi ni Felix ay titigil kami sa parkingan nitong Rawa. May iilang sasakyan na doon na nakapark. Tinitigan ko ang matatayog na puno. Ang daming ibon na maiingay.

"Gawd! Parang ito yung sa wrong turn na movie!" si Margo.

Tinitigan lang siya ni Nathan habang nagbabayad ang mga boys ng pang entrance namin.

"Nathan, they don't accept cards here?" Tanong ko. Humalakhak ang kapatid ko.

"Princess, iba ang pamumuhay ng mga tao dito kaysa Amerika. Palibhasa kasi pa balik balik ka ng Amerika  kahit noong mga bata pa tayo."

I pouted and ignore him. He paid for me.

Si Jack naman ay nilibre si Emerald, Margo at Ruby.

"I'll pay you later-"

Natigil si Ruby ng sikuhin siya ni Emerald. "Huwag na. Hindi niya naman iyan tatanggapin."

"Oh!" tumango tango si Ruby.

Si Felix naman ay  binayaran ang entrance nilang dalawa ni Amy.

"Thank you ha!" maangas na sinabi ni Amy. Tinagilid ni Felix ang ulo at tinitigan si Amy. Napakurap kurap naman si Amy at umiwas.

I cleared my throat. Nasaan na kaya si Raphael now?  I'm sure wala pa siya sa Maynila.

Lahat kami ay may dalang bag pack. Tinahak namin ang daan papuntang itaas. Tas may hagdan rin.

"Grabe parang hiking to ah!" si Margo.

"Bibili na tayo doon mamaya ng iilang kailangan. May tindahan doon. Mamaya kasi sa itaas ay wala na. Iyon na ang pinakatuktok."

Tumango kami at pinag usapan ang plano namin doon mamaya. Sabi ni Felix maraming nakikitang ahas doon  kaya mag iingat kami. Masukal nga kasi kaya marami talagang titira na hayop dito.

May nadadaanan rin kaming mga unggoy.

"Take them pictures Margo! Quick!" utos ni Ruby sa kapatid na sinunod naman ni Ruby.

Pawis na pawis na kami ng malapit na kami sa tuktok. Nakabili na rin kami kanina ng pagkain.

Habang naglalakad ay kumakain kami at nagpipicture sa malalaking puno.

May malaking bato kaming nakita.
"Dito na pinakatuktok. Cliff na iyan diyan at mapanganib diyan. Dito na tayo. Mag picture na kayo hanggang wala pang ulan." si Felix na tinititigan ang langit.

"Princess , huwag kayong lumayo." I just nodded to Nathan.

Umupo si Amy at tinabihan siya ni Felix. Si Nathan naman ay naninigarilyo kasama si Jack na tahimik.

Si Emerald naman ay pinicturan si Ruby.

Nagkalayo layo kami ng pinsan ko habang hinila ako ni Margo.

"Saphy, picturan mo ako doon sa cliff! Come on!"

"Margo No! Delikado naman diyan. Mahahawain ako." Ramdam ko ang unti unting pagpatak ng ulan.

"Damn it!" mura ko.

Margo pouted. "Aw! Come on. Magpopose lang ako doon tsaka' one click lang oks na agad. Please."

Inirapan ko siya at pinagbigyan. Malayo ang cliff at tago sa malaking bato kaya hindi kami nakikita ng mga kasama namin.

"Wow! Ang ganda dito!" sabi ni Margo habang naiirita na ako sa mumunting ulan.

"Pose kana Margo." utos ko.

She nodded at...."Fuck!!! A snake!! May ahas!" nagulat ako sa tili niya!

Tinignan ko ang ahas at nasa likod ko iyon! Maliit lang iyon pero alam kong mamamatay ako kapag kakagatin ako!

"Ahhh! S-Saph!"

Nang lingunin ko si Margo ay hindi ako makapaniwala. Nahulog siya sa cliff pero nakakapit sa bato. Nanlamig ako lalo na ng makita ang pagpudpod ng batong kinapitan niya kaya agad akong lumuhod para hawakan ang kamay niya.

"O-Oh my god! God!" halos iyon ang nasabi ko.

Marahil ay nakaatras siya kanina ng magulat siya!!

I close my eyes. Wishing that it was a dream! But no!

"Help! Nathan!! Ruby! Help!" sigaw ko. Narinig ko ang boses nila sa malayo.

"M-Marge, huwag kang bibitaw!" dalawang kamay na ang gamit ko sa paghawak sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Mabagsik ang hangin at umiiyak si Margo.

"Oh God..M-Margo."

"S-Saphy, nadudulas na ang k-kamay ko. Mommy...Daddy!"

Napapikit ako dahil maging siya ay takot na. Hindi lang iyon dahil nakita ko na ang ahas kanina ay nasa kamay ko na at handa na akong kagatin.

"M-Marge, don't move!"

But Margo wriggled!  "Nadudulas na ang kamay ko!" iyak niya.

"Fuck!!" narinig ko ang sigaw ni Nathan at boses ni Ruby sa likod ko. Alam kong malayo pa at hindi ko na kaya. Halos kalahati ng katawan ko ay mahuhulog narin!

"S-Saph, bumitaw kana! A-Ang ahas!"

Malapit na ang ahas at natatakot rin ako.

Umiling ako ay Margo but in my horror... Margo pulled her hands kaya hindi ako nakagat ng ahas. She fell.

Nahulog siya sa napakalawak na dagat at halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw habang unti unti siyang nahuhulog.

Nabibingi ako. Nathan tried to pulled her hand just second when she pulled me. Pero hindi umabot.

"Margo!!! Diyos ko!!" malakas na sigaw ni Ruby!

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon