Kabanata 9

5.1K 172 7
                                    

Panahon naba para saktan na si Lazaro? Panahon naba para maiyak siya? Panahon naba para ipadama na nagkamali siya ng kinalaban...charottt

LUNA


Mabilis kong hinila ang mga anak ko palayo sa restaurant dahil alam kong susundan talaga kami ni lazaro.

Ng nasa parking lot na kami ay hindi nga ako nag kamali napalingon ako sa likuran ng makita ko si Lazaro tumatakbo patungo sa amin. Napatingin sa akin si leo pero sininyasan ko nalang siyang ipasok ang mga anak ko sa kotse ko.

Inabangan ko si lazaro hanggang sa makarating siya sa harap ko. Bakas sa mukha niya na galing siya sa pag iyak.

Huminto siya sa harap ko at tumingin sa akin bago tumingin sa sasakyan ko kong saan nakasakay ang mga anak ko.

"Anong kaylangan mo?"malamig kong sabi.

Bigla nanamang tumulo ang mga luha niya at tinakpan ang mukha. Narinig ko ang sunod sunod niyang pag hikbi na para bang isang bata.

"Wag mukong iyakan!"inis kong sabi. Dahil sa pag iyak niya ay parang piniga at namanhid ang katawan ko.

"I-I'm s-s-sorry"usal niya habang nahihirapan sa pag sasalita.

Kunot ang noo ko habang nakatingin sakaniya."Ano ba Lazaro! Kong pumunta ka lang dito sa harap ko para—"natigil ang pagsasalita ko ng makita ko si Veronica na lumabas."—Para umiyak!"tuloy ko.

Tumingin si lazaro sa akin habang umiiyak at rinig na rinig ang pag singhot niya. Ngayon ko pa siya nakitang umiyak.

"Totoo, b-bang....a-anak ko s-sila?"mahina niyang sabi pero dinig ko.

Napabuntunghininga ako at umatras ng bigla niyang hawakan ang kamay ko."Sinabi kuna diba, bakit uulitin ko pa?"malamig kong sabi.

"Please, answer me ulitin mo Ivy, anak ko ba talaga sila?"pilit niyang hindi humikbi habang nag sasalita.

Tumingin muna ako sa likuran niya kong saan si Veronica."Oo, sinabi kuna sayo...sa inyo, bakit ba gusto mo pang—"natigilan ako.

"Galit ba sila sakin?"napalingon ako sakaniya. Parang nanikip ulit ang dibdib ko dahil sa nakita kong sunod sunod na pag tulog ng luha niya.

"Oo."sabi ko.

Umiyak nanaman siya na parang bata sa harap ko. Napatingin ako kay Veronica na parang hindi maka paniwalang umiyak siya Lazaro.

Napabuntunghininga ako at tumingin kay Lazaro."wala kana bang sasabihin kasi gusto kunang umalis!"

"Wag---wag muna kayong aalis"usal niya.

"Kaylangan kong umuwi! Naming umuwi kaya kong ako sayo puntahan muna ang fiance mo!"sabi ko at tumalikod.

Bigla niyang pinigilan ang kamay ko at niyakap ako patalikod."please, gusto kong makausap ang mga anak ko.."sabi niya habang umiiyak.

Napabuntunghininga ulit ako."Sige, kong gusto mo siyang makausap dapat maayos ka at hindi ka umiiyak! Siguro bukas....o sa makalawa"

"Bukas, bukas ko sila gusto makausap."sabi niya.

"Sige, kaya bitawan muko baka masapak kita!"agad niya akong binitawan at tumingin sa sasakyan ko.

Kitang kita pala sa loob na nakatingin ang mga anak ko sa akin habang si leo naman ay nasa backseat.

Sininyasan ko si leo na umalis na sa backseat dahil uuwi na kami. May dala naman siyang sasakyan kaya doon siya sasakay.

Tumingin muna ako sakanila bago pumasok sa kotse.

"Mommy,"napalingon agad ako kay katana ng mag salita ito.

"Yes baby?"taka kong sabi.

"Daddy po ba talaga namin siya?"turo niya kay lazaro na nakatingin parin sa amin.

Kumuha muna ako ng hangin dahil ito na eh sinimulan kuna ito kaya dapat kunang sabihin."yes anak,"

"Pero bakit hindi niya tayo kasama?"

"Katana bukas nalang tayo mag usap n'yan okay, magpahinga na muna kayo"mabilis naman siyang tumango at sumandal si Daemon naman ay nakatingin lang sa daan na parang may sariling mundo.

Alam kong galit talaga siya sa tunay niyang ama dahil sa pagpapabaya nito sa amin at wala sa piling namin.

Pero kasalan ko rin naman yun dahil hindi ako bumalik kay lazaro nong nalaman kong buhay ako.

Ng makarating kami sa bahay ay agad na nagsitunguhan ang mga anak ko sa kanilang kwarto. Narinig ko rin ang kotse ni leo pero hindi ko gustong makausap siya ngayon. Kaya pumasok ako sa kwarto ko at nag lock ng pinto.

Tumingin ako sa kisame habang inaalala ako pag iyak ni lazaro sa garap ko. Akala ko ay isa siyang heartless mafia boss? eh bakit napaka duwag niya!

Tumagilid ako at ipinikit ang mga mata ko. Dapat ko nga sigurong paghandaan ang sarili ko para bukas.

I N K S J M

The Ex Wife's Revenge (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu