Chapter 32 - Preparation

Magsimula sa umpisa
                                    

Aiah: "You look tired and parang naka-inom ng isang drum ng kape." She said. "Are you okay?" She softly added.

Mikha: "Yeah, I'm fine. Just slept late last night." Sambit nito. Ito rin ang dahilan kung bakit bad mood ito.

Aiah: "It looks like you're not fine to me. Do you want to sleep sa clinic?"

Mikha: "Don't worry about me. Tara na, hatid na kita sa class mo." Sambit nito at hindi na hinintay na magsalita ang isa at nauna na.

Halos walang nagsasalita sa dalawa. Si Mikha ay nasa harap lang ni Aiah, pinagmamasdan ang isa habang naglalakad.

Mikha: "Late ko na kasing napirmahan yung list ng group eh." Pabulong na sambit nito habang hinahawakan ang sintido nito dahil kulang ito sa tulog.

Aiah: "You're saying something?" Sambit nito at umiling ang isa ng hindi nililingon si Aiah.

Wala na ulit nagtangkang magsalita sa dalawa. Gulat rin si Aiah nang ihatid siya ni Mikha dahil sa kabila pa ang building ng isa.

Mikha: "We're here." Hindi namalayan ni Aiah na napatigil sila kaya nabangga ito sa likod ni Mikha.

Aiah: "Awww." Sambit nito. Hindi naman ito nasaktan masyado, hindi rin nakatakas sa kanya ang napakabangong perfume ni Mikha. Ganitong-ganito ang amoy niya noong niyakap ko siya because of nightmare. Sa isip nito

Mikha: "Tss. Hindi kasi tumitingin eh. Mauna na ko." Mabilis na sambit nito at hindi na nakapagpaalam si Aiah dahil sa pagmamadali ng isa.






Mikha's POV:

I planned to not attend my next class dahil sobrang sakit ng ulo ko. I wanna sleep.

Pagbalik namin galing Vigan, sunod-sunod agad ang papeles na kailangan kong asikasuhin at isa na rito ang iapprove ang set ng groups para sa dadating na event ng JUF.

Sinabihan ko na ang secretary ko na sabihan lahat ng professor ko na hindi ako papasok.

Simula kaninang umaga pa masama ang pakiramdam ko kaya wala rin ako sa mood makipag-usap sa mga kaibigan ko o kay Aiah.

Naisipan ko naman pumunta sa field at humiga sa ilalim ng puno.

Mararamdaman mo ang napakasariwang simoy ng hangin. Mapayapang lugar. Walang taong makikita kung hindi ako lang.

Ganito ang gusto kong mundo, tahimik. Walang gulo, walang napapahamak na tao.

Ngunit mapaglaro ang buhay ko, kahit anong hiling ko ng pagkapayapa, lalong nagiging masama.

Sa sobrang dami ng iniisip at pagod, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.






Aiah's POV:

It's our last subject and nagtataka ako kung bakit hindi pumasok si Mikha.

Today's class is just watching the vlogs na ginawa ng bawat pair. We're going to watch all of the adventures we have.

Our class starts and Mikha didn't really show up sa class. Hindi na rin ako nakapagfocus sa panonood dahil nag-aalala na talaga ako.

Sa sobrang pag-aalala ko, tumingin ako sa bintana. Ngayon ko lang napansin na umuulan pala ng sobrang lakas.

Bigla naman akong kinabahan. Hayyy asan ka na ba Mikha Lim.

Prof: "Wow! What a magnificent vlog by Jimenea and Arceta! The vlog was well executed, the dedication of knowing and sharing the information, and pumili talaga kayo ng magandang lugar." Sambit nito habang pumapalakpak pa. Nginitian ko nalang ito dahil sa sinabi nito ngunit hindi pa rin maalis ang atensyon ko kay Mikha.

The President's Daughter (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon