Chapter 123: Back to Boothcamp

Start from the beginning
                                    

"Ano bang sinasabi niya?"

"Ano raw ang ambag sa society ng concept na sina-suggest ko. Wala raw dating. Like the fuck! Games are created to entertain people!" Dugtong niya pa. "Nag-effort pa ako na magsuot ng neon green, orange, yellow na damit para lang makikala niya. Mukha na akong traffic light na naglalakad tapos sasabihan niya lang na basura ang ideas ko."

Napangiti ako, mukhang nakahanap ng katapat ang well compose naming kaibigan. "Why don't you create a game that will raise awareness to a specific topic? 'Yong hindi lang basta laro, baka ganoon ang hinahanap ni Elea... El—"

"Eleanora. Maarte siya pagdating sa pag-pronounce ng pangalan niya, better say it right." He corrected my pronunciation at napangiti ako. "Paanong raise awareness?"

"Related to issues nowadays. Depression, mental health awareness, environment situation, or subtle attack on how fuck up our Government is. Baka ganoong klaseng laro ang gustong gawin ni Eleanora." Natahimik si Clyde at tila malalim na nag-isip. "Yes, gaming are supposed to be fun. Pero iba 'yong larong nakaka-enjoy tapos may message png gustong iparating."

"Mga baklaaa!" Malakas na sumigaw si Shannah at ipinatong ang Paper bag ng mcdo sa table. "Ano naman 'yang pinag-uusapan ninyo? Seryoso naman. Clyde baka agawin mo pa si Milan kay Dion, ah. Awat na friend."

Napailing lang si Clyde sa sinabi ni Shannah. "Ang tagal ninyo. Akala mo naman ang layo ng Mcdo sa BulSU." Sabi ni Trace na napatigil sa paggawa ng assignment at kumuha sa fries na dala nila Shannah.

"Lumandi pa kami." Honest na sagot ni Shannah. "Para saan pa ang pagiging malandi ko kung hindi ko ima-maximize?" She flipped her hair.

"Gumaganyan ka pa," reklamo ni Tomy. "Nasaan 'yong bayad mo sa fries?"

"Ito naman!" Reklamo ni Shannah. "Hindi ko alam kung jowa kita o Bumbay na laging naniningil." Binuksan ni Shannah ang wallet niya at iniabot kay Tomy ang bayad.

"Hindi mo nililibre si Shannah, dapat every date sagot mo dre, hina mo!" sabi ni Trace kay Tomy.

"Sino may sabing dapat ganoon?" Tanong ni Shannah. "It is my choice na laging maghati kami ni Tomy sa gastusin kapag may date. Ako sa foods, siya sa sine or vice versa. Dates should not be a burden to a man. Kung wala kang pera, 'wag kang lumandi. As simple as that, 'di naman kayo bangko."

And that's period.

Naputol ang kuwentuhan namin noong may grupo ng kalalakihan from College of Tourism ang lumapit sa amin. "Sorry, Milan, puwede bang magp-picture?" Tanong nila sa akin.

"Sure," I answered at tumayo ako.

Tuluyan ko na yatang tinanggap na hindi na ako normal na estudyante ng University namin. May mga tao na talagang nakakakilala sa akin at mula noong naging Professional Player ako ay isa na akong Public figure. Si Shannah ang kumuha ng picture sa amin.

"Inaabangan namin ang magiging laro ninyo sa Season 4 tournament." sabi noong lalaki na ang pangalan ay Steven (That's how his friends addressed him earlier). "Orient Crown ang sinusuportahan namin this season."

"Recorded 'yang sinabi mo, ah." Biro ko na ikinatawa nila. "We will not disappoint you. Sino ba pinaka-ina-idolize mong player? Try natin tawagan para ma-video greet ka." I suggested at hinawakan ang phone ko.

Napasigaw sa tuwa ang magbabarkada na ikinatawa ko. "Fan kami ni Callie!" They answered.

I tried to call Callie, luckily at hindi busy ang mokong. Of course, saksakan pa rin ng yabang pero ano ang bago? Iniabot ko kay Steven ang phone ko at hinayaan ko muna sila na makakuwentuhan si Callie ng ilang minutes.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now