Pinatay ko na ang mga ilaw at air conditioner sa loob ng kwarto ko pero bago ako lumabas sa silid ay  sinigurado ko munang nakasarado lahat ng bintana at tinabunan ito ng kurtina.

Ni-lock ng maigi ang pintuan ng silid bago bumaba para makaalis na.

Ni-lock ko rin ng maigi ang main door at inilagay ang susi nito sa ilalim ng paso sa gilid at ang isang susi ay inilagay ko sa bag ko, nagpaduplicate kasi ako. Incase na may mangyari.

“para po!” pagpara ko sa mamang nagmamaneho ng tricycle.

“oh, magandang umaga ash. Papasok kana?” tanong ni manong berting, siya pala ang nagmananeho nitong tricycle.

“ahh, hahaha ikaw pala 'yan mang berting. Hindi po kita nakilala” natatawang ani ko, “opo, papasok na po ako.” dagdag ko.

“oh siya, sige neng pasok kana at ihahatid na kita” malumanay na sambit nito kaya kaagad akong pumasok sa loob ng tricycle.

Sa loob ng halos limang taon akong nakatira dito ay halos kilala ko na ang mga nakatira dito at nakakahalubilo ko rin sila at tinutulangan ako kapag mayroon akong problema, mapa pera mo o kahit ano. At higit sa lahat ay itinuring nila akong pamilya.

At isa na si mang berting roon, si mang berting ang naging silbing tagapaghatid ko papunta sa paaralan at kung uuwi naman ako ay hindi na niya ako responsable dahil kailangan niya rin naman kumayod.

“narito na tayo sa harap ng paaralan mo neng” pag-agaw nito sa aking pansin. Ang tagal ko palang nag-iisip? Di ko alintana.

Akmang i-aabot ko na ang aking pambayad pero agad naman itong tinanggihan ni mang berting at ibinalik sa'kin, “huwag na ash. Oh siya, aalis na ako. Mag-ingat ka neng” sambit nito at pinaharurut na ang kanyang tricycle.

Napangiti na lamang ako sa kawalan at nag-umpisa ng maglakad papasok sa loob ng paaralan.

Itinaas ko ang suot kong I.D nang nasa gate na ako.

“magandang umaga, neng” bati ni manong guard kaya tinanguan ko siya na may malawak na ngiting nakaguhit sa mga labi ko.

“ang laki ng ngiti mo ah?” tanong ni manong guard. “oo nga po e, hindi ko naman po alam kung bakit” sambit ko at sinuklian niya lamang ako ng matamis na ngiti kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagtapak ko sa silid aralan namin ay maririnig mo kaagad ang ingay na likha ng aking mga kaklase.

“hoy, ashley mahal ko. Yanigin mo naman ang aking mundo!” bungad na bati ni roger, kaklase kong panot. Hindi naman sa sinasaway  ko si roger pero totoo naman kasi.

Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo na lamang sa upuan ko.

Ang ingay ng mga kaklase ko para bang hindi mga college students.

I am now in my 2nd year being a college student, hindi ko inaasahan na makakatung-tung ako ng college. Akala ko hanggang senior lang ako pero tignan tingnan natin ngayon, magti-3rd year na ako. Ang bilis ng panahon.

I am already 20 years old while hedy is 17. She's also studying, sa probinsiya nga lang. Senior high school pa lang si hedy at mag c-college na next year kaya triple na ang gastos ko dahil ako rin kasi ang nagbibigay ng pang-grocery at pangbayad ng kahit anong bayarin kina lola.

Haysst, ang hirap ng buhay. Pero okay lang kaya pa naman e.

Tring* tring* tring*

Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ang tunog ng kampana.

Napangiwi ako dahil hindi ko inakalang ganoon ako katagal na nagdidileryo. Wala man lang akong natutunan sa morning class.

Bawi nalang siguro ako sa hapon.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now