CHAPTER 1 (06.06.15)

149 9 2
                                    

Sigurado naman akong alam niyo ang mga sikat na grupong lalaki. Makakalimutan ba natin ang Backstreet Boys? Sikat na sikat kaya sila hanggang ngayon.

May F4 diyan, yung grupo sa Meteor Garden. Itanong mo pa sa mga magulang mo o sa mga nakakatanda sayo. Patok na patok iyan sa kanila. Sa kagwapuhan ba naman nila Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Xi Men at Mei Zuo. Mahihimatay ang mga babae sa mga nakakatunaw na tingin.

Merong ding Lucky 13. Si Timothy Top Odelle at Jared Red Dela Cruz. Ang mga lalaking iyan? Saan ba tayo makakahanap niyan? Kung pwede lang sila bumagsak galing langit. Makakalimutan pa ba natin ang iba pang miyembro na sila Jacques, Seven, Six, Dos, Philip, Kyohei, Jun, Romeo, Alvince, Mond at Raine? Hinding hindi pwede iyan.

Magpapatalo ba ang KPOP? Na kinahihiligan ng mga kababaihan at kalalakihan sa mundo. Ang mga magaganda at maporma nilang itsura? Sino ba ang hindi mapupusuan ang mga nilalang na iyan? Nandyan ang EXO. Ang Super Junior. Ang CNBlue. Ang Big Bang. Ang Beast. Ang TVXQ. Ang Infinite at marami pang iba.

Ang gwa-gwapo at sobrang sikat nila noh? Para silang mga bituin na nag-niningning sa isang madilim na langit. They're so close yet so far. Para rin silang ulap na kay sarap tingnan. Pero kahit kailan, hindi mo mahahawakan at maabot.

Saklap noh?

Pero bakit ko nga ba sinasabi ang mga iyan? Simple lang naman. Sa aming paaralan, may isang grupo ng mga lalaki.

Gwapo? Check.

Matalino? Check.

Tahimik? Malaking Check.

Masungit? Pinakamalaking Check.

Friendly? X

Matulungin? X

Sociable? X

Hindi sila ordinaryong grupo. Isa silang sobrang nakakainis, nakakasuklam, horrifying at higit sa lahat snob na nilalang sa buong mundo!

Hindi sila yung tipong mapapa-wow ka sobrang kilig na kulang na lang mamatay ang kaibigan mo sa kakahampas mo o kilala bilang mga playboy at flirt sa school. Isang malaking katatawanan iyan para sa kanila. Bakit nga ba talaga sila naiiba?

Anong isasagot nila kung kinausap mo sila? Weh.

Kung may tanong ka sa kanila? Weh.

Kung may ipapaalala ka sa kanila? Weh.

Kung may ipapaabot ka? Weh.

Puro

Weh.

Weh.

Weh.

Magsasalita lang iyan kung kinakailangan pero hindi nakakatuwa. Dahil ang mga salita na ibabato nila sayo ay masasakit.

Wala na silang maganda at maayos na sinabi kundi Weh! Kung hindi ka man masasabihan niyan, paniguradong wala ka sa paningin nila. Nakakainis noh?

Kung pagkain lang ang Weh. Malamang, matagal ko ng isinuksok para mabulunan ang mga lalaking iyon.

Ako nga pala si Aria Torres. Isang simpleng estudyante na nagaaral sa St. Andrew Academy. With short hair and fair complexion. Isa akong Grade 9 Student or Third Year in High School.

Papasok na ako sa gate ng Academy ng biglang sumalubong sa akin Nela Flores, isa sa mga kaibigan ko. Babaeng sobrang taas ng IQ. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako kaibigan pero okay lang. May pagka-hyper din kasi ito.

" Good Morning Aria~! " bati sa akin ni Nela na ngayon ay nakangiti at nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok.

Ngumiti ako " Walang maganda sa umaga, Nela. " sagot ko.

WEH BOYS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now