STUCK WITH YOU

Beginne am Anfang
                                    

Si karylle patuloy pa rin na nag momove on sa ex niya.

"Wow. Ngayon mo lang ako sinundo dito sa bahay ko. What's the matter, vicey?"

"Nakaka inis yang tawag mo sakin. Para naman akong naging aso niyan." Vice. Sabay silang natawa sa sinabi na yon ni vice. Pumasok na rin sya sa sasakyan at umupo sa shot gun seat.

"Hindi naman masyado hectic ang sched ko ngayon so I have time to fetch you here. And pupunta tayo sa bar sa tagaytay."

Kadalasan sa tuwing mag kasama sila madaldal si vice, marami rin itong kwento. Akala niya napaka seryoso nitong tao pero hindi pala. Ang vice na nakilala niya noong gabi ay napaka pormal kung makipag usap, subalit mas nakilala niya ito ay mas marami rin pala itong kalokohan.

Ngunit bakit tahimik ito ngayon?

"may problema ka ngayon no? Tahimik mo." Karylle. Tinitigan niya si vice para mapa amin niya ito.

"Karylle..."

"Yes? Nag hehesitate kang sabihin sakin. Samantalang ako, nakwento ko na halos lahat lahat sayo."

"Shit. I'm— I'm getting married."



Napatahimik naman din si karylle dahil sa sinabi ni vice. Parang nasaktan ang puso niya sa sinabi nito. Sa halos araw araw nilang magkasama, hindi naman niya ikaka ila na nagkakagusto na sya rito.

Nakita niya kay vice yung mga bagay na hindi ginawa ng ex niya. He knows how to respect her.

"Kailan?"

"Uhh you want me to get married? Hindi mo ba ako pipigilan?" nakangising tanong ni vice sa kaniya na para bang nang aasar pa.

"Why would I? Buhay mo yan, bahala ka dyan."  pag susungit niya rito at inirapan niya.

Narinig naman niya itong tumawa at bahagya syang sinundot sa tagiliran.

"Vice ano ba!"

"Sus, crush mo nga ako." pang aasar nito. Wala naman alam si vice na gusto niya nga ito.

Hindi naman sumagot si karylle at nanatili siya nakatingin sa bintana, sa labas.

"I'm getting married two months from now. Pero hindi ko naman sya gusto. You know, sa mga business na ganito mga anak ang magdudusa dahil ipapakasal sila sa taong ayaw nila." Vice.

Dumating na sila sa bar at nag order agad si vice ng kanilang iinumin. Tahimik lang naman si karylle habang nililibot ang tingin.  Pag dating ng vodka, agad naman na tinungga yun ni karylle at nilagok.

"Hindi mo man lang ba ako papansinin?"

"So you mean naka fix marriage ka?"

"Exactly." Vice.

Tinitigan niya si vice sa mata nito bago niya muli lagukin ang vodka na hawak niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko karylle. Ilang beses na ako tumanggi dyan pero ginigipit na ako ng tatay ko. Baka di ko na alam kung saan ako pulutin kung sakali na tatanggi pa ako ulit. Hindi ako marunong sa payak na buhay." Vice.

Natahimik si karylle dito bago niya ulit inumin ang vodka. Hinayaan niya si vice na magsalita lang.

"What if mag panggap ka na girlfriend ko? I'll pay you. So I have a reason para hindi matupad yung kasal?" Vice.

Tinignan syang masama ni karylle, "Nakaka insulto a."

Napayuko naman si vice at inabot ang beer bago ito lagukin.

"I'm sorry. I'm just so desperate lang na huwag ako makasal sa taong di ko mahal. Not my intention to offend you. Sorry K." Inabot niya ang kamay nito bago niya ito halikan.

ViceRylle Collectanea FandonieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt