✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)

Começar do início
                                    

Saka niya pinakita ang ang cellphone na ang caller Id ay ang mommy ko.

"Oh, hello there, mommy? How are you?" nilalaro niya ang boses na para bang ang sweet ng boses niya.

"Mommy huwag kang maniwala diyan. Hindi si Jessica iyan!" Hindi ko na napigilan at napasigaw ako.

"Hello? Son? What did you do to my son, Jessica? You witch! Baliw!" rinig ko sa kabilang linya. Parang sinasadya niyang i-loud speaker ito upang marinig ko ang pag-uusap nila.

"Wala pa nga akong ginagawa. Ang atat mo naman . . ."

"Where are you?"

"Good question, Lourdes. Nasa secret room kami ng kompanya niyo kaya kung gusto mong iligtas ang anak mo ay dalhin mo pati ang asawa mo kapalit ng anak mo. At huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis. Kundi ay sasabog ang bungo ng anak mo, Lourdes."

"Huwag, Jessica maawa ka sa anak ko. Ako ang may kasalanan sa pagkawala ng kapatid mo kaya—"

"Huwag na puro kuda! Pumunta na kayo ni Don Miguel, m1aghihintay ako."

Tapos tinapon na niya ang cellphone sa sahig. Nakita ko pang nabasag ito.

"Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo Mochel!"

Dahan-dahan siyang lumingon at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Na para bang naluluha at parang—si Jessica.

"Mahal, tulungan mo ako," tumulo na ang luha nito.

Kumunot ang noo ko, hindi ko n maintindihan ang nangyayari.

"Jessica? Pero, paa—no?"

Dahan-dahan siyang ngumisi na parang sinasapian ng demonyo. At tumawa na parang walang hanggan. Baliw na ang babaeng ito! Pero naguguluhan ako, si Mochel ba talaga ang kaharap ko ang asawa ko?

"Sino ka bang talaga!?" sigaw ko.

Lumapit siya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan niya pa ang baba ko na may pwersa. Nakipagtagisan ako ng titig sa kaniya. Hindi siya ang asawa ko, hindi ko makita sa kaniyang ang maamo nitong mga mata. Pero nasaan na ang asawa ko?

"Ako ang asawa mo, mahal!" Pagkatapos ay tumawa ulit siya sa harapan ko.

"Hindi ikaw ang asawa ko!"

Binitawan niya ako at tumayo. Tumalikod siya sa akin at kinuha ang baril at hawak-hawak ulit niya ang baril ko habang pinaglalaruan niya lang ito.

"Paano kong sabihin ko sa iyong wala na ang asawa mo, Xander?"

"Hindi totoo iyan!" kahit posible naman ang sinasabi niya.

Ayoko maniwala! Kung totoo man ay baka mababaliw na ako. Hindi ko kayang mawala si Yca sa akin.

"Simula ng umalis si Couhrel ay kinalimutan na niya ako . . . Pati si daddy iniwan lang ako sa nanay ko at hindi binigyan ng mana! Alam mo bang kung bakit kailangan kong kumapit sa matanda mong tatay? Dahil sa pera niya, pero biglang uminsert kayo ng mommy mo. Tapos ngayon inasawa mo pa ang kakambal ko" tumawa siya, "Ang lakas naman ng amats mo, boy!"

Nahinto si Mochel sa pagsasalita dahil biglang tumunog na ang pintuan. Kaagad niyang tinutok ang baril sa pintuan at saka iniluwa sina mommy at daddy. Hindi pa yata nangangalahati ang oras ay dumating na sila.

"Wow, at last we are here to be united!"

Awang-awa ang mga mata ng mommy habang tinitingnan akong nakagapos. Habang ang amain ko naman ay blanko ang mukha parang wal siyang pakialam sa nangyayari.

"My son are you okay?" sabin ni mommy.

Pahakbang na sana ang mommy ko papunta sa akin ng biglang pinutok ni Mochel ang baril sa may binti nito. Kaya bumagsak ito sa may sahig at kaagad naman napaupo ang amain ko patungo sa asawa niyang natumba. Bumilog lang ang mata ko sa ginawa ni Mochel. Halang na talaga ang kaluluwa niya.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Onde histórias criam vida. Descubra agora