"oo ate. Mahapdi parin pero kaya pa naman. Marunong kaba gumamot nito ate?" nagtatakang tanong nito na nagpakagat sa'kin sa aking labi. "uhh... Alalahanin ko lang kung paano ginaling ni mama ang paso ko six years ago." sambit ko na nagpangiwi sa kapatid ko, "e? Six years ago? Edi, five kapa n'on ate. Maaalala mo pa kaya?" nagtatakang tanong nito, "tiwala lang" sambit ko.

"basta ang unang ginawa ni mama n'on ay kumuha siya ng tubig, hinntayin mo'ko ah? Kukuha muna akong maligamgam na tubig" pagpapa-alam ko at agad naman itong tumango. Nagsimula na akong maglakad patungo sa bathroom namin dito sa loob ng silid namin at kumuha ng maligamgam na tubig galing sa gripo at dinalhan ko narin ng malinis na bimpo bago lumabas roon.

"heto na!" ani ko at inilagay sa gilid ng foam iyon, "ang kasunod naman ay.. hmm? Ano nga bang sunod na ginawa ni mama n'on?" ani ko at tumingin pa sa taas para makapag-isip. "ahh! Kumuha si mama ng colgate na white!" ani ko at tumakbo pabalik sa kusina para kumuha ng colgate at pinarteran ko narin ng sabon dahil bigla kong naalala na may kinuha ring sabon si mama nun.

"heto na lahat!" ani ko at iniwagayway ang colgate at sabon na dala ko. "ate bakit may dala kang sabon?" nagtatakang tanong ng kapatid ko, "nalala ko kasi na may kinuha ring sabon si mama n'on" nakangiting sagot ko, "simulan na natin." ani ko at inihiwalay ang isang maliit na planggana na nakadikit roon sa plangganang may tubig. Inilagay ko iyon sa ilalim ng braso na may paso ni hedy, "riyan sa ibabaw ng planggana mo lang ilagay ang braso mo ha? Para pag punasan ko na ng tubig ay riyan tutulo ang tubig, Intindi mo?" mahinhin kong tanong sa kapatid ko.

"opo ate!" hyper na sagot nito habang nakangiti kaya nadamay tuloy ang mga labi ko.
"mabuti hedy" ani ko at isinawsaw na ang bimpo roon sa plangganang may tubig bago pinatuyo at ipahid sa braso ni hedy na may paso.

"magreklamo ka ah, pagnasasaktan ka" sambit ko, "opo ate" sagot ulit nito.

Patuloy kong ipinapahid sa pasong banda ng braso ni hedy ang basang bimpo at nilunod ko ito ulit sa tubig dahil tuyo na tsaka ko ito piniga sa ibabaw ng paso before rubbing the soap on the damage area afterwards.

After cleaning her wound, I immediately put a colgate on it. Base on what I've remember back then nung napaso rin ako, ganito ginagawa ni mama ih.

"tada!! Tapos na! Let's just maybe wait hanggang sa matuyo ang colgate hedy. And we're done!" anunsiyo ko sa kanya, "yey!" masayang sambit nito.

"ate, pwede ka ng magdoctor" dagdag na ani nito but I just gave her a genuine smile. "I am glad to hear that from you hedy. But I will take baking soon, para ma i-continue ko ang naitigil ni mama" nakangiting ani ko.

"okay po ate. It's up to you lang naman ih" sinuklian nito ang aking ngiti.

Agad akong tumayo at niligpit lahat ng ginamit namin, lalong lalo na ang emergency kit. Hindi ko 'to ibabalik sa basement 'no. I will just kept it and hid it at the same time.

Knock* knock* knock*

"hoy kayong dalawa! May tirang ulam pa doon! Pwede niyo pa iyong kainin. Huwag kayong magsayang ng pagkain, tsaka maghugas narin kayo!" sigaw ng boses babae sa labas ng pinto ng kwarto namin. Probably si tita.

"o-opo" I stuttered.

"oh siya, aalis na kami ng tito niyo! Kayo na ang bahala aa bahay at maglinis narin kayo. Pero kapag may mawalang gamit dito ay lagot kayo sa'kin!" patuloy na sigaw nito sa labas ng pinto.

But none of the two of us even dared to answer tita.

Tahimik lang ang paligid. Maya maya pa ay nakarinig kami ng yapak ng mga paa palayo sa pintuan hanggang sa hindi na namin ito marinig. And the next sound we heard ay ang pagsara ng pintuan.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now