Prologue: Part 2

En başından başla
                                    

Okay na sana ih, okay na sana kung hindi lang siya natisod at nahulog ang dala niya

"ahhh!!" sigaw ng kapatid ko.

Agad ko siyang nilapitan para hipu-in ang parte ng balat niya na napaso dahil sa pagkahulog ng kaldero.

"puta ka!/ Puking ina!" sabay na sigaw ni tita at tito dahil sa nangyari.

Umiiyak na ang kapatid ko dahil sa hapdi ng paso niya. Pinilit ko siyang patahanin pero hindi talaga siya tumatahan. Masyado ba talagang masakit? Anong gagawin ko? Wala naman akong alam tungkol dito.

"tita, anong gagawin ko sa paso ng kapatid ko?" nag-alalang tanong ko. "hayaan mo lang 'yang paso niya! Aba'y dapat lang 'yan sa kapatid mo! Ang lampa ba naman, natapon tuloy ang pagkain! Ilagay mo dito ang kanin at pumunta na kayo sa itaas. Nakakabad trip ang mukha niyong magkapatid!" sigaw ni tito kaya kaagad kong kinuha ang ang mga basahan na ginamit ni hedy at ako ang naglagay ng kaldero sa hapag bgo nilapitan ang kapatid ko.

"tumahan kana hedy, si ate ang bahala sa sugat mo. Pumunta muna tayo sa silid natin" ani ko at inalalayan ang kapatid ko sa paglalakad.

Ganyan ka ingay ang bahay na'to. Sigaw dito, sigaw doon. Noong una palang nila kaming trinato ng ganito ay naiingayan kami pero nang tumagal ay nasanay lang din. Anong magagawa namin? Bata pa rin naman kami ng kapatid ko.

"ate, ang hapdi parin" humihikbing sambit nito. Mas okay na ang hikbi kaysa sa nguwa.

"tahimik ka lang hedy, kukuhanin muna ni ate ang emergency kit." ani ko dito. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka, "emergency kit? E diba ate itinago iyon ni tito't tita para wala tayong magamit na pang-gamot?" nagtatakang tanong nito sa'kin

"Oo hedy at alam ko na ngayon kung saan nila inilagay 'yon" pagpapaliwanag ko dito, "saan ate?" kuryusong tanong niya, "sa basement nitong bahay ko nakita" pagsagot ko, "paano ka nakapunta sa basement ate? e di nga tayo pinapupunta nila tita at tito doon" sambit nito, "basta, nalaman ko lang." pagsagot ko bago tumayo.

"dito ka lang muna ah? Kukunin ko ang emergency kit ng palihim. Huwag kang mag-ingay ha, babalik ako hedy" sambit ko sa kapatid ko bago siya hinalikan sa noo at nginitian.

"sige ate, dalian mo ah? Baka maabutan ako ni tita o ni tito dito na mag-isa lang. Malalagot ako ate." takot na ani ni hedy. Kahit naman kasi minsan ay namimilosopa at sumagot-sagot siya kina tita at tito ay hindi naman maitatangi na takot parin siya sa mga ito, lalong lalo na't pag minamaltrato nila kami.

Tinanguan ko siya bago umalis at tahimik na nagtungo sa basement nitong bahay na nasa second floor lang rin.

Pagbukas ko ng isang drawer ay nakarinig kaagad ako ng ingay sa may hagdan na para bang may papa-akyat dito, buti nalang at narito sa drawer na last kong binuksan ang hinahanap kong emergency kit. Kanina pa kasi ako naghahanap.

Pagkakuha ko ng emergency kit ay marahan kong isinirado ang drawer na kinuhanan ko at tahimik na binuksan ang pintuan ng basement bago lumabas. Palapit na papalapit na ang mga yapak ng paa na aking naririnig kaya mas minadali ko ang pag lalakad ng walang ingay ang nililikha ng aking maliliit na mga paa.

Agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin at saktong pagpasok ko ang pagrating rin ng mag-asawa dito sa second floor. Wew, buti nalang nakapasok kaagad ako.

"ate, nahuli kaba?" nag-alalang tanong ng kapatid ko, "hindi naman pero muntikan na" sagot ko. "bakit ang tagal mo?" tanong ulit nito, "hinahanap ko pa kasi ang emergency kit dahil wala na ito sa unang kinalalagyan pagpasok ko. Mukhang inilipat nila." mahabang litanya ko, "masakit paba?" ako naman ngayon ang nag-alala. Natuyo na ang mga luha sa pisnge ni hedy.

Love that Last Until EternityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin