"Skier, who's that?" Sigaw ko mula sa kusina ng marinig ko ang yabag ng paa.

"Your friend.. I guess?" Hindi sigurado niyang sigaw pabalik.

"Psh!" Napatigil ako sa pagkilos ng marinig ang pamilyar na tinig at maamoy ang pamilyar na amoy.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at napaawang ang labi ko sa nakita. What.. w-why? Why is he here?

"Daren.." nakatulala parin ako sa kanya. Hindi parin makapaniwala na andito siya. Nang matauhan saka ko siya tinanong. "A-Anong ginagawa mo dito?" Paanong nalaman niya ang unit ko?

I saw him taken aback by my question. As if he, himself, don't know why he's here. "Um.. makikain, pwede ba? I smelled something delicious from outside and it got me hungry. I.. can't cook and I'm now hungry." Umiwas siya ng tingin. Napatingin ako kay Skier na nakatingin din sakin na may pagtataka.

Siguro may kakilala lang siyang nakatira dito kaya napadpad siya dito. "Uh.. um.. s-sige. Upo ka.." Nailang ako bigla. "Skier, come here." Mahinahong tawag ko kay Skier. Nakita ko kung pano tumaas ang kilay ni Daren at pagdilim ng mukha niya pagkatawag ko kay Skier. Iniwas ko agad ang tingin ko.

Nang makaupo kaming tatlo, walang ni isa ang nagsalita. Ang awkward ng atmosphere..

"Um.. Skier, this is Daren. Daren si Skier, he's myㅡ" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumango lang si Daren. Tiningnan ko nalang si Skier at nginitian. "Eat up." I told him.

Gosh! Parang kanina lang iniisip ko siya tapos ngayon, nasa harapan ko na. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya, na parang walang nangyari. Bigla nalang siyang lumitaw.

"Hey Daren, are you a friend of her?" Tanong bigla ni Skier at tinuro ako.

Tumingin muna saglit sakin si Daren saka nag-shrug. "Skier, eat more so you can take a rest." Sabi ko nalang.

Kahit awkward ang paligid, sinubukan ko paring lunukin lahat ng kinain ko dahil gutom na gutom ako. Kung noong walang hiya ko siyang hinaharap, ngayon di ko na magawang tumingin ng matagal sa kanya. Nagmamadali akong kumain para makatakas na dito sa kusina kaya napahinto nalang ako nang maramdamang nabulunan ako.

Umubo-ubo ako habang bahagyang sinuntok ang dibdib ko. Nagulat nalang ako ng maglapag bigla si Daren ng tubig sa harapan ko na agad ko namang ininom.

"Don't eat too fast." Simpleng sabi niya habang nakatingin sa plato niya.
Napabuga ako ng hangin ng mahimasmasan.

"You okay?" Nag-alalang tanong ni Skier.

"I'm okay.." nginitian ko lang si Skier para di na siya mag-alala.

Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa wakas nauna akong natapos. Iniwan ko muna sila at umupo nalang sa sofa sa living at in-on ang tv para hindi ko maramdaman ang tensyon.

Dahil wala namang magandang palabas, napunta ako sa cartoon network. Buti nalang talaga ang paborito kong Taffy ang palabas kaya naman naaliw ako.

"HAHAHA! Wais mo talaga, Taffy!" Sabi ko pa habang tumatawa. Pano ba naman kasi, naisahan lang naman niya ang amo niyang matanda at ang kaaway niya.

Napatigil nalang ako ng magring ang cellphone ko. Sinagot ko agad yun ng makitang si Pomela ang tumatawag.

"Hey!" Masayang bati ko.

["Hi, girl. Waaa! Miss na kita!"] Napangiwi at nailayo ko agad ang speaker sa tenga ko dahil sa pagkakasigaw niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now