"Kailangan mong mag panggap sa loob ng eskwelahang iyan upang makakuha tayo ng mga impormasyon tungkol sa magiging hakbang ng kalaban"
"Ngunit---"
"Ang mismong magulang mo ang nagpasya kaya wala ka nang magagawa pa" putol saakin ng isang tagapangalaga sa kaharian namin.
"Paano kung hindi ko magawa ang gusto niyo?" tanong ko at tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ka nararapat maging reyna kung ganun" hindi ako nakaramdaman ng panlulumo sa sinabi niya sapagkat wala naman akong balak na maging reyna sa lugar namin.
Mas mataas na pwesto ang nararapat saakin.
Tumingin ako sa napakalaking gate na nasa harapan namin. Nakaukit sa pinakatoktok kung anong lugar ang pinuntahan namin.
Silveria Academy
"Tandaan mo, sa oras na makapasok ka sa eskwelahang iyan ay aasahan ka na namin ng mga impormasyon. Kailangan mong hanapin ang mga importanteng impormasyon sa loob ng limang buwan dahil kapag sumapit ang araw na hinihintay ng kalaban..." tumingin ako muli kay Quatro.
"Tayo ang kawawa, tayo ang maglalaho"
"Kunin mo ang loob nila upang makuha mo ang impormasyon at ang bato na pag mamay ari natin"
"Wag kang matakot, isa kang prinsesa. Anak ka ng hari at reyna. Iparamdam mo sa kanila na hindi dapat sila makampante sapagkat nandito pa tayo" bulong saakin.
"Nandito pa tayo, paghandaan nila ang muli nating pagbalik. Kung kinalimutan nila tayo, Wawasakin natin sila"
Sa oras na iyun ay parang bula na nawala ang takot ko. Napalitan iyun ng pagkagiliw.
Natalo kami noon at hindi ko hahayaan na maulit iyun.
Handa na kami sa labanan, impormansyon nalang ang kailangan galing sa magiging kakampi o kalaban namin.
Lalo na ang bato ng Aqua.
