Pagkatapos namin kumain, nag diretso na ako sa kwarto ko at kinuha ko na ang gitara. Nasa labas na naman ako ng bahay nito hanggang mamayang 4 am.

Nag message na ako kina vhong na magkita kita kami dahil may gig pa ngayong gabi. Ito lang ang paraan ko para sumaya ako. Hanggat buhay ako, susulitin ko na.


Kinabukasan ng gabi ulit nagkaroon kami ng gig. Ala una na ng madaling araw, nakaka ilang songs na kami nang makita ko ang babaeng kulot na naka upo sa isang gilid at nakikinig sa amin.

Kumaway ako sa kaniya pero tipid syang ngumiti.  Wow, parang nung sinagip kita ang sungit mo sakin.

"ano ginagawa mo rito?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.

"obvious ba, nakiki nuod sa inyo."

"wine?" pag aalok ko pero agad sya umiling.




"vice, pleaseee. Hindi ka ba sasama? Birthday celebration ko." sabi niya sakin habang kinukulit ako. Nandito kami ngayon sa dagat at magkausap kami.

"Hindi ako pwede ng umaga, karylle." sabi ko na mahinahon sa kaniya.

"why?"

"I am always busy sa morning and yun lang ang oras ko matulog kaya sa gabi ako palaging malaya."

Tinitigan ko sya. Araw araw syang naka turtle neck o kaya naka jacket. Hindi ba sya naiinitan?

"Mag tatampo ako sayo."

Halos dalawang buwan pa lang kaming magkakilala pero ang dami na niyang bagay na nai-share sakin. Nung gabing sinagip ko sya, dinala din pala sya sa hospital para magamot sya.

Kung bakit? Hindi ko alam ang dahilan.

"wala naman mangyayari kung mag tatampo ka. Hindi pa rin ako makakapunta. Sa gabi lang ako pwede lumabas."

"Sige, huwag mo na ako kausapin." Tumayo na sya at nilayasan na nga ako.

If I could only tell the reason to you, Karylle.

Palagi na kaming magkasama at nahuhulog na ako.

"Sorry, I am late for about 15 minutes. Hehe. Galing ako sa hospital." sabi niya sakin habang umuupo sya sa tabi ko at tumitig sakin.

"Hindi ka naman late, actually kakadating ko lang din from hospital." sagot ko sa kaniya. Nagmamadali pa ako umuwi dahil nga baka nag hihintay na sya.

Sabay kami kumain at pansin kong inaalis niya yung cabbage and broccoli sa food niya. Halos wala na matira doon sa pagkain niya dahil pati seafood inaalis niya rin.

"Hindi mo ba gusto yung food? Mag order pa tayong iba." sabi ko pero umiling sya at ngumiti sakin.

"Nope. Actually masarap, kakainin ko yan mamaya. Eat na vicey." nag simula na siya kumain habang nakatitig ako sa kaniya.

Pero natapos kami kumain na nanatiling nakabukod ang mga yon sa plato niya.



"You know what I'm starting to like you. No, actually love you" nandito kami ngayon sa car ko, nag roroadtrip kaming dalawa. Alas dos na ng madaling araw.

"Why?"

"Mahal kita."

Wala naman eksaktong dahilan ang pagmamahal, walang eksaktong rason bakit mo minahal ang isang tao.

Kaya nga abstract ang love. Mahirap tukuyin kung ano ba talaga yun, kung bakit nararamdaman natin.

Tumingin ako sa kaniya at hininto ko ang sasakyan.

Hinalikan nya ako na agad ko namang tinugon.

"Mahal kita vice, pero hindi sapat na dahilan yun para sakin. Iiwan rin kita sa huli."



ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now