OVERNIGHT

20 2 0
                                    

OVERNIGHT

Narito kami ngayon sa kwarto ng kaibigan ko dahil mag oovernight kami sa kanila, tatlo kami dito sa kwarto habang nag kekwentuhan, pinatay namin ang ilaw para mas komportable kaming nag sasaya.

Pinabukas ni Lea, ang may ari ng bahay, ang flashlight ng cellphone niya sa'kin dahil hahanapin niya raw ang charger, tinatamad daw itong eturn on ang switch ng ilaw sa kwarto niya.

Hanggang sa nahanap niya na at pinatay ko na ang flashlight ng cellphone ko, bigla nalang nag yaya si Kira na pumuntang kusina dahil nagugutom daw siya, napapansin naming hindi siya mapakali at namumutla kaya sumunod na kami sa kaniya sa kusina.

Pero hindi siya sa kusina dumeretso kundi sa kwarto ni tita, ang mama ni Lea kaya nagtaka kami ni Lea. kumatok si Kira sa pinto ng kwarto ng mama ni Lea at ito'y lumabas din, nag tataka kung bakit ganun ang inaasta ni Kira.

"Bat ba tayo dito kay mama pumunta? Kala ko nagugutom ka?" Nag tatakang tanong ni Lea.

"M-may babae, n-nung binuksan mo ang flashlight Sam may n-nakita akong b-babae, naka silip sa cabinet habang nakangiti sa atin, at mukha ni tita ang nakita ko."

Beyrownn

Random short storyOnde histórias criam vida. Descubra agora