bakit maraming puno sa labas

3 0 0
                                    

Bakit Maraming Puno sa Labas❗

Pagkatapos ng mga pangyayari sa gubat, naging tahimik naman ang lahat sa loob ng ilang araw. Pinasara na ang bundok at ang dalawa ko namang kasama ay kinulong. Laking pasalamat ko talaga na hindi ako nadamay.

Akala ko talaga tuloy-tuloy na ang kapayapaan sa bayan ngunit nagbago ang lahat dahil sa isa na namang pangyayari.

Isang umaga, nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto at boses.
"Nawawala si Christian!"bungad na sigaw ni lola. Tumango lang ako at pumikit para matulog pabalik. Alas kwatro pa nang umaga at ganito agad ang bubungad sa akin? Ano bang klasing buhay to.

Pagod ako galing sa trabaho kaya ayaw ko munang gumising.

"Ano ka ba! gumising ka nga d'yan Franklin!"sigaw ulit ni lola. Hindi na s'ya nakatiis at pinaghahampas na ako ng tungkod.

Pero mas nangibabaw pa ang aking antok kesa sa mga sigaw at palo n'ya.

"Bumangon kana. kita mong nawawala na ang kapatid mo!"dagdag n'ya.

Mabilis akong tumayo nang maintindihan ng ang sitwasyon. Nawawala si Christian!

"Bakit ngayon mo lang sinabi lola"nakapikit ko pang tanong. Tuluyan na akong nagising nang paluin n'ya ako sa ulo.

"Kailan pa lola!"sigaw ko sabay tayo. Bumaba ako ng kama na gawa sa kawayan at naglakad patungo sa pintuan, ngunit nang papalapit na ako sa pinto ay pinalo ulit ako ni lola

"Aray kopo!"sigaw ko habang hinihimas ang aking binti. Gawa sa sanga ng bayabas ang tungkod ni lola kaya masakit talaga.

"Pasaway ka talagang bata ka"wika n'ya na ikinagulat ko. Biglaan n'yang sinara ang pinto.

"Nand'yan sila sa labas"wika ni lola habang pinipilit isara ang bintana.

"s-sino? "gulat kong tanong. Hindi sumagot si lola kaya ako nalang ang sumilip sa may siwang. Sinilip ko ang labas at agad naman akong napaatras. Mahirap paniwalaan ang aking nakita kaya sinampal-sampal ko ang aking mukha.

"Pasaway ka talaga. Bakit ka sumilip!"sigaw ni lola sabay hampas ulit sa akin.

"L-Lola!"

"B-BAKIT MARAMING PUNO SA LABAS!"

"Diba sabi ko nand'yan na sila?"pabulong ni lola. Agad nanlaki ang aking mga mata nang maintindihan ang sinasabi no lola.

"I-Ibig sabihin..."

"Oo nagsimula na sila...kumilos na ang mga aswang"sagot n'ya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

bakit maraming puno sa labasWhere stories live. Discover now