gubat sa montevarde -1

1 1 0
                                    

Bakit Kailangang Lusobin ang Gubat Monteverde!❗❗❗

Binalot na ng takot ang isipan ng mga tao sa aming baryo. Halos gabi-gabi na lang kasing may nawawala o hindi naman kaya ay may mga kaluskos sa itaas ng bubong.

Ngunit sa kabila nang lahat, nanatiling matatag si lola at hindi nagpakita ng kaduwagan. Kahit kitang-kita ko sa kan'yang mga mata ang labis na takot, ay hindi n'ya ito pinahalata.

"Ano ba Franklin!"sigaw ni lola sa akin, na nakatago sa ilalim ng kama. Kahit ako man din ay parang mababaliw na sa mabibilis na pangyayari. Patuloy pa rin ang pagkatok ng pinto. Patuloy pa rin sila sa pagbutas ng bubong!

"L-Lola natatakot ako!"sigaw ko habang tinatago ang sarili sa dalawa kong palad. Pinili ko nalang pumikit dahil ayaw kong masilayan ang kanilang mga mukha. Mga mukha na nanggagalaiti sa gigil at gutom sa laman.

Hindi sila mga ordinaryong nilalang at kahit kailan, hindi sila matatawag na nilalang.

Paano kung lumaban ako? Makakaya ko ba? Paano kung mamatay ako? Hindi ko kayang mawala sa mundong ito.

Mga tanong ng kahinaan ang bumabalot sa aking munting isipan. Hindi ko maiwasan ang panginginig habang naririnig ang kan'yang bulong. Alam kong kanina pa s'ya nakahiga sa ilalim ng aking kama kaya mas pinili kong pumikit.

Nakasuot ng bestida na puti na may bahid ng dugo. Siguro ay galing sa kan'yang sarili o sa mga nakaraang biktima. Babae ang kan'yang an'yo pero hindi ko gugustuhing makita ang demonyo n'yang mukha.

"Franklin"bulong ng boses babae sa aking gilid. Masyado nang malakas ang kan'yang boses kaya malapit na s'ya sa aking tainga. Ramdam ko ang malamig n'yang hininga na tumatama sa aking tainga.

"Tatayo ka ba d'yan o ako ang hihila sayo!"sigaw ni lola.

"H-Hilahin mo nalang ako lola"

"Aba, lintik kang bata ka!"sigaw ni lola. Nakaramdam ako ng malakas na pagpalo ng sinturon.

"Aray!"sigaw ko sabay dilat. Kabado pa akong dumilat pero wala na ang babaeng 'yon kaya naman mabilis akong gumapang palabas.

"TAO PO"wika ng isang boses lalaki sa labas. Sobrang lalim ng boses n'ya at hindi kapani-paniwala. Pero nakangiting lumapit si lola sa pinto at para bang may inaabangan s'ya.

Baka nakontrol na si lola ng mga aswang sa labas. Nakakaduda kasi biglaang nawala ang mga kalabog sa bobong.

"lola saan ka papunta?"gulat kong wika sabay kalabit sa kan'yang balikat.

"pake mo ba?"inis n'yang sagot sabay bukas ng pinto. Kabado ko lang tinitigan ang pinto habang bumubukas ito. Unti-unti kong nakikita ang imahe ng isang lalaki.

"l-lolo!"sigaw ko dahil sa aking nakita. Hindi ako nakaramdam ng saya bagkos ay takot ang kumapit sa akin. Matagal nang nawawala si lolo at inisip na namin na s'ya ay patay na.

Pinagmasdan ko ang kan'yang hitsura at biglaan akong nagtaka. Kung ano ang kan'yang hitsura noong s'ya ay umalis, ay s'ya pa ring hitsura n'ya ngayon.

"Nestor, my labs"wika ni lola sabay yakap kay lolo.

Sa totoo lang nahihiya na akong tawagin s'yang lolo dahil mas bata pa s'yang titignan kompara sa akin na sobrang itim dahil sa trabaho.

"lumayo ka lola! aswang yan!"sigaw ko na ikinatawa naman ni lolo.

"Hahaha! Kagaya ba nila?"sagot ni lolo sabay angat ng dalawang ulo. Ulo ng babae at lalaki pero mapuputla.

"Aswang ka nga!"sigaw ko bago inilabas ang itak.

"sampalin kita d'yab Franklin!"sambit ni lola habang tinataas ang tungkod. Balak n'ya itong ihampas sa akin pero pinigilan s'ya ni lolo Nestor.

Inabot ko ang isang upuan kay lolo pero duda pa rin ako sa kan'ya. Kakaiba talaga ang mga nangyayari sa baryo at ngayon, sa sarili naming tahanan.

"salamat apo"seryosong wika ni Lolo. Aba naging seryoso ata ang kan'yang mukha. Ano kayang problema ni lolo

"Masyado na silang Malakas"seryosong sambit ni lolo. Napakamot nalang ako sabay upo sa kama. Wala akong naintindihan sa sinabi ni lolo kaya humiga nalang ako.

"Anong plano mo?"seryosong tanong ni lola.

"Kailangan nating tipunin ang buong baryo"sambit ni lolo. Huminga s'ya nang malalim bago nagpatuloy. "Kailangan nating gawin 'to"

"P-Pero Nestor, masyado silang malakas"

"A-Alam ko. Kaya nga ako pumunta dito...Hindi na kinaya ng taga Ekigan ang lakas nila"

"Ano po ang Ekigan lolo?"sabat ko sa kanilang usapan.

"Ah...Ano kasi 'yun apo-"

"pake mo ba? Chismoso ka talagang bata ka!"sambit ni lola. Hindi n'ya man lang pinagpatuloy si Lolo. Napaksalbahi at sungit talaga nitong si lola. Iwan ko ba bakit nagustuhan s'ya ni lolo e ang pangit ng ugali.

"Kailangan nating kumilos! Kailangan nating lusobin ang gubat"wika ni lolo habang naka-kamao.

"Gubat Monteverde?"tanong ni lola.

"Lolo"wika ni Christian. Nakakagulat, may bago na naman s'yang salita na natutunan.

Ngunit hindi ko inasahan ang reaksyon ni lolo nang makita si Chirstian. Nanlaki ang kan'yang mata at biglaan s'yang napabalikwas. Tinuro n'ya si Christian na nakatungangang nakatitig sa kan'ya.

Nanginginig ang buo n'yang katawan habang si Christian naman, diretso lang ang lakad sa kan'ya. Ngumiti si Christian nang napakalaki at akmang yayakapin na si lolo.

Pero...

Pero biglang nilabas ni lolo ang kan'yang itak at inihampas ito sa leeg ni Christian. Hindi ko maiwasang mapasigaw habang gumugulong ang pugot na ulo ni Christian sa sahig.

"Demonyo!"sigaw ni lolo habang nakatingin sa katawan ni Christian.

Ngunit, napatigil ako sa pagsigaw nang mapansin na nakatayo pa rin ang katawan ni Christian. Wala na ang kan'yang ulo pero nakatayo pa rin ang katawan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gubat ng montevardeWhere stories live. Discover now