PROLOGUE

1 0 0
                                        

"Hoy! Gago nandyan na yung may'ari!" Sigaw ng isang binatilyong lalaki dahil kumukuha sila ng manga ng walang paalam.

Agad na nag'si babaan sa puno ang isang dalaga at dalawa pang binatilyo at tumakbo nong makitang papalapit na nga ang may'ari ng puno.

Tumigil sila sa isang damuhan kung'saan wala masyadong tao at baka o kambing lamang ang makikita mo.

"Gagi gulat ako dun ah!" Sigaw ni Jefferson habang binibilang ang manga'ng nakuha nya.

"HAHAHAHA! buti hindi tayo nakita ni kalbo." Saad naman ni Janine, at sabay silang nag'tawanan na parang wala ng bukas.

Habang nanatiling tahimik si Duke sa isang tabi habang inaayos ang manga'ng nakuha nila.

Agad syang tinignan ng mga kaibigan dahil bihira itong maging tahimik, kung'kayat nagtataka sila kung bakit parang ang'lungkot nito ngayon.

Sinagi ni Alfred ang balikat ng kaibigan. "Tangina pre, may regla ka ata ngayon?" Pag'bibiro ng kaibigan.

Nag'tawanan sila ngunit agad ding napawi noong mapansin na hindi man'lang nag'bago ang ekspresyon ng kanilang kaibigan.

"Hoy! Gago 'to may problema ba?" Seryosong tanong ni Jefferson sakanya.

"May problema tol." Nakayukong saad ni Duke, ayaw ipakita ang kanyang muka sa mga kaibigan.

"Anong problema?" Singit naman ni Janine.

"Kasi... " Hindi na naituloy ni Duke ang kanyang sasabihin sapagkat napangunahan na ito ng pag'tulo ng kanyang luha.

"Tangina pre tinatakot mo naman kami eh, wag ka ngang umiyak dyan ha! Bakla kaba?" Seryosong tanong ni Alfred.

"Pre tanggap ka namin kahit bakla ka, kung gusto mo magpaka'bakla na'din kami ni Pred para 'beshie goals!'" pilit na pag'papatawa ni Jefferson.

"Gago hindi ako bakla no!" Natatawang sabi ni Duke.

"Eh ano nga kasi yon?" Inis na tanong ni Janine, naiinip na.

Bumuntong hininga si Duke at tumingin sakanila ng may'lungkot sakanyang mga mata.

"Lilipat na kami.." saad nya na parang hirap pa noong sabihin nya ang salitang iyon.

"Anong lilipat? Panong lilipat?" Nagugulohang tanong ni Janine.

"Doon na ako mag'aaral sa Maynila." Saad ni Duke habang nag'pupunas ng luha.

"Ha?! Bakit?" Takang tanong ni Alfred.

"Ewan ko, angganda na nga ng buhay dito naisipan pa'ng lumipat, nakakagago amputa!" Inis na saad ni Duke.

"Marami ba'ng chix doon?" Tanong naman ni Janine na agad nakakuha ng pitik sa noo.

"Puro ka chix, ano ka? Dalagang tarantado?" Natatawang sabi ni Alfred.

"Gago masakit ah!" Inis na sabi ni Janine at binigyan ng matalim na tingin si Alfred.

"'Kelan alis nyo?" Tanong ni Jefferson.

"Sa sabado na." Saad naman ni Duke habang nakatingin kay Janine na sinasakal na ngayon ang kaibigang si Alfred.

"Ha? Byernes na bukas ah, ibig'sabihin dalawang araw ka nalang dito?" Saad ni Jefferson.

"Hmm.. " maikling tugon naman ni Duke

Mag'didilim na nong maisipan nilang umuwi, labis paring nalulungkot ang binatilyo dahil sa kanilang nalalapit na pag'alis.

Naka'higa lamang ito sakanyang malambot na kama, galing sa isang mayamang pamilya si Duke, at nag'papasalamat sya dahil ganon ang buhay nya, ngunit mistula syang bilango ng kanyang mga magulang dahil kontrolado nila ang desisyon na dapat ay sakanilang anak.

The Dream of RealityStories to obsess over. Discover now