Chapter 15

20.2K 733 400
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagpunta sa bayan ng San Lorenzo sina Marilyn at Levi para bumili ng damit na susuotin nila sa magaganap na wedding ceremony ng kaibigan ni Levi sa susunod na linggo.

Isang simpleng sky blue dress na above the knee ang napiling damit ni Marilyn samantalang sky blue polo shirt na may white stripes at white jeans naman ang napili ni Levi.

Hindi na rin nakipagtalo pa si Marilyn nang si Levi na mismo ang nagbayad ng napili niyang damit na nagkakahalaga nang mahigit isang libong piso.

Nakaramdam sila ng pagkagutom kaya nagtungo sila sa isang fast food restaurant para doon kumain.

Kumpara sa mga fast food restaurants sa Maynila ay mas maliit ang mga establishments sa bayan ng San Lorenzo. Expected na iyon dahil nasa probinsya sila at hindi gaanong moderno dito.

Pinaupo siya ni Levi sa isang bakanteng table at ito na ang umorder ng kakainin nila. Habang abala pa si Levi sa pag-order ay nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng fast food restaurant kung nasaan sila.

May nahagip ang mga mata ni Marilyn at nabigla siya nang makita si Trevan na may kasamang isang matangkad na lalake. Pumasok ang mga ito sa loob ng fast food restaurant at kaagad siyang napansin nang dalawa.

Masama ang tingin sa kanya ni Trevan habang ang kasama naman nitong lalake ay nakatingin nang may pagkamangha sa kanya. Umupo ang mga ito sa bakanteng table na malapit lang rin sa table nila ni Levi.

Umalis ang matangkad na lalakeng kasama ni Trevan at ito yata ang oorder ng pagkain nila kaya silang dalawa nalang ni Trevan ang naiwan.

Hindi nagsasalita si Trevan ngunit masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Marahil ay natatakot na itong lapitan siya dahil sa ginawa ni Exodus dito.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Levi dala ang tray ng pagkain na inorder nito. Napahinto pa ito nang makita si Trevan sa kabilang table.

"May ginawa bang masama sa'yo 'yang lalakeng 'yan habang umo-order ako?" tanong ni Levi nang inilagay na nito ang tray ng pagkain sa lamesa.

Umiling si Marilyn. "No. He's not bothering me."

"Mabuti naman. Ang sarap tusukin ng mata, e. Ang sama ng tingin niya sa atin." sabi ni Levi habang nakatingin ito kay Trevan na masama nga ang tingin sa kanila.

"Don't mind him. Let's eat na." pag-anyaya nalang ni Marilyn at inabutan niya ng hamburger si Levi na ngumiti sa ginawa niya.

Hindi na nila pinansin pa si Trevan at kumain nalang sila habang nag-uusap para sa kasal na dadaluhan nila next week.

Nakabalik na rin ang lalakeng kasama ni Trevan dala ang inorder nitong mga pagkain at mukhang kilala pa nga ni Levi iyong lalake pero hindi nagpapansinan ang mga ito. Baka may alam siguro iyong lalake sa ginawa ni Exodus kay Trevan noon.

"Magbabanyo muna ako, Marilyn." paalam ni Levi nang bigla itong tumayo at sumama ang timpla ng mukha habang may binabasa ito sa hawak na cellphone.

"Sure." sagot ni Marilyn.

Ngumiti naman sa kanya si Levi at umalis na rin ito.

"Nililigawan ka ba ni Levi?"

Medyo nagulat pa si Marilyn nang tanungin siya ng lalakeng kasama ni Trevan.

"Ah, no. He's only my friend." sagot naman ni Marilyn sa lalake.

"Nabalitaan ko 'yung ginawa ni Professor Exodus kay Trevan. Pasensya ka na sa pinsan ko at talagang gwapong-gwapo lang talaga siya sa sarili niya." nakangising saad ng lalake na sinamaan naman ng tingin ni Trevan.

Marilyn and the Seven MonroeOnde histórias criam vida. Descubra agora