Napakamot siya sa ulo niya. "Gano'n ba ka-halata?"


"Oo. Manhid lang talaga 'yung isa," pag-tukoy ko kay Isabella.


Natahimik kami nang biglang sumulpot si Isabella. "Ano'ng pinag-uusapan niyo?" tanong niya habang kumakain ng bread pan. Naupo siya sa tabi ni Rivier.


"Ah, wala!" si Rivier agad ang tumanggi. "Kumain ka na."


"Kayo, ah. May tinatago ba kayo sa'kin?" suspetiya ni Isabella. "Akala ko ba, no secrets."


"Hoy, excuse me. Wala naman akong tinatago," I explained. "Si Rivier nga 'tong may tinatago. Matagal na niyang tinatago-"


Naputol ang sinasabi ko dahil napatayo si Rivier at sinubuan ako ng kanin sa bunganga kaya napainom ako kaagad ng tubig. "Bastos ka talaga, Rivier!"


"Ano ba iyan?" Isabella pouted. "Ano secret niyo? Sabihin niyo na sa akin."


"May matagal na kasi akong tinatago, e..." Rivier started. Napalunok ako. Dito talaga siya aamin? Sa harapan ko?! "Ito, oh. Ito ang tinatago ko." Nag-labas si Rivier ng toy spider sa bulsa niya at binato sa harapan ni Isabella kaya napatili siya at napatakbo palabas ng canteen. Takot na takot kasi sa spiders si Isabella.


Humagalpak kami ng tawa ni Rivier. Gago talaga 'to.


Binatukan ko si Rivier. "Lagot ka kay Isabella pagbalik niyan. Torpe ka talaga."


Lumipas ang ilang araw, halos practice para sa prom ang inaatupag namin dahil kaka-tapos lang din ng exams.


"Baka hindi ako mag-prom." Napatingin kami ni Rivier kay Isabella.


Naunang mag-reklamo si Rivier. "Huh? Bakit naman?" 


"Wala naman kaming pera para bumili ng gown," she explained. "Dagdag bayarin lang. Hindi ko pa nga sinasabi kina mama't-papa na may prom kami dahil baka mangutang pa sila."


"Edi, ako na bahala sa gown mo! Ako na rin ang make-up," I convinced her. "May extra na gown naman ako, e," dagdag ko pa. Wala naman talaga akong extra na gown, sinabi ko lang iyon para sumama si Isabella, para hindi niya isipin na pabigat siya.


"Seryoso?" Lumiwanag ang mga mata niya.


"Oo naman, ikaw pa ba!" maligayang sambit ko. "Basta sasama ka, ha."


Siguro sasabihin ko na lang kay mama na mag-renta ng isa pang gown, para kay Isabella.


Dumaan ang prom, pero hindi pa rin naka-amin si Rivier kahit ano pang plano namin. Tinulungan ko na nga siya, pero wala pa rin. Naisayaw niya si Isabella pero itong torpe na 'to, hindi nakapag-salita dahil sa kilig. Nahiya raw siya bigla.


"Sabi ko naman sa'yo, e. Iiwas sa'kin si Isabella, maramdaman lang niya na may aamin sa kaniya. Paano pa kaya kapag tuluyan ko nang nasabi na gusto ko siya? Edi mas lalayo siya sa'kin." Rivier avoided his gaze. "Hindi na lang muna ako aamin. Sayang rin ang friendship."


"Sayang ang friendship?" I asked, confused. "Noong nagka-gusto ka sa kaniya, naisip mo ba iyan? Na sayang ang friendship? Hindi naman, 'di ba. Kasi hindi mo naman ma-kokontrol ang feelings mo lalo na't palagi mo siyang kasama."


Natahimik si Rivier dahil sa tanong ko.


"Paano kung gusto ka rin pala niya?" I asked him for him to realize something. "Kung hindi ka 'man niya gusto, at least nasabi mo, at least may nawalang tinik sa puso mo. At least, may rason ka na para mag-move on. Alam mo, hindi mo sigurado kung ano'ng mangyayari bukas, samakalawa, at sa mga susunod pang mga araw. Take that risk." Totoo naman, 'di ba? Bukas, gigising ka, paano kung wala na ang taong mahal mo nang hindi mo nasasabi sa kaniya ang nais mong sabihin? You'll live with that regret forever.


Third year high school na kami ngayon at mabilis lang lumipas ang isang taon, 4th year high school na kami. Nahiwalay ng section si Rivier, pero alam mo naman, does everything for love kaya nagagawan pa rin ng paraan na makulit kami ni Isabella.


"Nasaan si Isabella at Venice?" Nakita ko si Rivier na nag-tatanong sa President ng klase namin na nasa may pintuan ng classroom namin ngayon.


"Ayun sila, oh." Napapikit ako dahil tinuro kami kaagad ng President kaya nagka-titigan kami ni Rivier. Ang baho ng mukha, bakit naman walang jumpscare warning?


"Panget mo, nasaan si Isabella?" he mouthed.


"Ayan oh, nakatulog." Tinuro ko si Isabella na kasalukuyang naka-bow down sa armchair niya. Break time ngayon kaya naninibago ako bakit tulog si Isabella. Dito na lang ako sa classroom kumain para samahan siya.


Nag-tanggal ng itim na jacket si Rivier at nilagay iyon kay Isabella. 


"Corny," reklamo ko.


"Ingay mo, Venice," he defended.


Napatingin kami kay Isabella dahil gising na siya ngayon at kinukuskos ang mga mata niya. "Bakit pa kayo nandito?"


Ginulo ko ang buhok ni Isabella at binato ang jacket ni Rivier pabalik sa kaniya. "Bakit? Kailan ka ba namin iniwan, ha? Walang iwanan, 'di ba?"


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trailing Deep Waters (University Royalties #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ