Chapter 34 - Mending Broken Hearts

116 9 13
                                    

Chapter 34 - Mending Broken Hearts

*Reader discretion is advised. Some content may not be suitable for younger readers.*

It has been 9 years simula ng magkahiwalay kami. It's funny how the time has been so long pero heto ako at naaalala pa din siya. I guess there's still a part of him in me. Kung sa bagay hindi ko naman basta maaalis siya sa buhay ko. Siya ang ex-husband ko at ang ama ng anak ko.

"Rika tara na! Gusto ko na umuwi. Alam mo namang di ko kayang makipagsabayan sa inyo sa pag-inom. Lagot ako sa jowa ko pag nalaman na naman non na uminom ako." pagrereklamo ni Angel, isa sa mga workmates ko.

"Naol may jowa na nagagalit! Kami parents lang hahaha" biro ni Keira na tinawanan naman ng team.

Nakasanayan na naming mga magkakatrabaho na mag-team dinner kapag nakatapos kami ng isang mabigat na project. But our way to relieve our stress is to go eat out on restobars. Syempre adult life, need ng alak at yosi ng iba.

I only drink pero I don't get so wasted unlike dati. I don't smoke. Sila lang. Kaya naman pag mag-smoke sila, pinapalabas ko. I don't want to be a second hand smoker di yun good sa health.

This has been my life after he left me. I finished my college and worked after graduation. Nagdesisyon akong magtrabaho sa isang company na hindi related sa family ko o sa family niya.

I want to be independent. I want to live a different life. A new life far from the way I lived before. I want to earn money on my own. I want to be busy so I don't have to think about all the things that happened and that I don't have to think about him and why he left.

Lumayo na din ako sa amin at tumuloy na lang sa isang condo. Hindi naman high end na condo, average lang. Yung afford ng isang regular worker. So far maganda naman ang pasweldo sakin ng company kaya nasusustain ko ang pamumuhay kong ito.

Nung nagdecide akong mamuhay mag-isa, pinayagan naman ako ng mga magulang ko dahil sa sitwasyon ko noon. They were too kind na ako na yung nahihiyang bumalik sa bahay. Ilang years na din akong di umuuwi. I only contact them through phone and video calls. Nauunawaan naman nila kung bakit ganito ako kaya naman thankful ako na napakamaunawain nila sakin. Once I'm fully okay, siguro babalik din ako sa bahay.

Yung bahay namin ni Corona, iniwan ko na at ibinilin na kay Tito. I just don't want to do anything about his stuffs. Sa kaniya yon kaya iniwan ko na. Iniwan ko na lahat ng mga bagay na nagpapaalala sakin about sa kaniya.

Honestly, it took me a while to move on sa bahay na yon. Napakadami kasi naming alaala doon. Pero ganoon talaga, pag wala na yung tao don, wala ng dahilan para magstay pa.

Mukhang nakamove on na din naman yung tao kaya kailangang magmove on na din ako.

Nung una nga ang paranoid ko pa, lagi kong inoopen ang phone ko to check if may tawag ba siya or text or chat man lang. I'm still clinging to that small hope na baka magbago ang isip niya at maalala ako or kung hindi man ako ay kahit yung anak na lang namin.

Pero hindi nangyari ang alin man sa mga pantasya ko. I have to accept that he no longer cares. Na kaya niyang magmove on ng ganoon na lang. Na kaya niyang kalimutan ang lahat na para bang walang nangyari. Mabuti pa sina Vandal at Lizzy, nagagawa akong kamustahin paminsan minsan. Masaya naman ako para sa dalawang yon na engaged na at balak ng magpakasal ngayong buwan.
Bahagya nga akong nabigla dahil bigla na lang silang nangumusta at nangumbida sa kasal nila. I guess nangangapa din naman sila kung iinvite ba nila ko o hindi. But I'm totally fine naman kaya sabi ko aattend ako. Ayaw ko namang maging KJ dahil importanteng araw yun sa kanila. I just hope na hindi ko makikita si Corona doon.
Well, alam kong imposible pero for sure nandoon siya. Long time partners na ng mga Vista ang family nila Lizzy kaya I doubt that he won't be there.

My Husband is a 7th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon