Paano ko kaya ito sisimulan?
Wala namn yata itong kabuluhan ngunit gustong subukan.
Mahal ko siya pero may mahal na syang iba.
Nangangarap na ika'y maging akin pero may iba kanang kapiling.
Seryuso to walang halong biro at kaadikan.
Kahit may kaduwagan, katorpehan at katukmolan.
Mahal kita kahit sino ka man.
Sana lang 'di mabilaukan at tuluyang malunod ng sariling katangahan.
Paano ba kita makukuha, kung may iba kanang mahal?
Masama ba'ng pangarapin na sana ako na lang?
Pasensya ka na kung palagi kitang kinukulit.
Gusto ko lang naman mahalin mo rin ako kahit saglit.
Mahirap bang mahalin yung kagaya ko?
Seryuso naman ako at hindi g@go.
Ititigil ko na lang ang pangugulit ko sayo,
para maging masaya na kayo.
Kahit nasasaktan ako, lalayo na lang ako para wala ng gulo.
Malabo at walang pag-asa na mapasaakin ka dahil may nagmamay-ari na sa'yo.
Napapaisip ako! Kailangan ko pa bang sirain yung pinagsamahan nyo?
Pero, parang ang sama ko namang tao kung gagawin ko.
Subalit marupok ako.
Gustong-gusto kong maging sayo, kaso hanggang pangarap lang pala ito.
Hindi na lang ako masyadong aasa para hindi masaktan ng sobra.
Bakit, kailangan ko pa bang maghanap ng kapareha, kung nandyan naman ang aking pamilya?
Hindi ba ako mabubuhay ng walang jowa?
Maghahanap pa ba ako kung alam ko naman sa dulo na masasaktan lang ako.
Binubuo ng pag-ibig ang tao.
Pag-ibig din ang wawasak sa ating puso.
Bakit ko pa sinisiksik ang sarili ko, kung sa dulo ako ang masasaktan ng todo?
Idagdag pa natin na ako'y talo.
Magpapakabitter na lang ba ako?
O mag pretend na okay lang ako kahit 'di naman totoo.
Ayoko na! Ayoko ng mag-isip.
Pero ang pag-ibig na yan, kahit kailan hindi yata ako magawang tantanan.
Gusto kong subukan,
pero natatakot akong umpisahan.
Baka kasi sa rejection lang ang patutunguhan.
Gusto ko ang nararamdaman kaso baka may katapusan.
Dahil takot akong masaktan.
Umaasa ako na mamahalin mo rin ako.
Kahit na may mahal kana at hindi yun ako.
Magpapakamartir na
lang ba ako?
O sadyang marupok lang talaga ako pagdating sayo.
Maghihintay lang ba ako ng tamang tao na dadating sa buhay ko?
Nag-aalinlangan ako, baka sa kahihintay ko, mapag-iwanan lang din ako.
Mahirap palang maghanap ng tamang tao na mamahalin ka ng todo-todo at hindi ka iiwan hanggang dulo.
Susuko na lang kaya ako para matahimik na buhay ko.
Mahirap umasa dahil masasaktan ka lang ng sobra,
kaya fictional character nalang mahalin mo para maging masaya ka.
Wag ka din maging kampante dahil kawawa ka lang din sa huling banda,
kasi fictional character din ay paasa.
Mahirap makahanap ng tao na bubuo ng nawasak mong puso, kaya 'wag ng i-try pa para hindi mawasak ang puso ng sobra.
Parang ma out of place ka sa mga barkada mo dahil may lovelife sila, ikaw nganga.
Binebenta ka na lang nila para may lovelife ka.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Yung may dumating na sayong tamang tao pero kinuha pa sayo.
Bakit pa ako maghahanap nang taong mamahalin at aalagaan ako, kung nandyan naman yung pamilya at kaibigan ko na nasasandalan ko kapag may problema ako?
Magfofocus na lang ako sa acads ko para makatapos at mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya ko.
Kung may dadating na tao sa buhay ko, gusto kong sya na talaga ang makakasama ko hanggang dulo.
THE END
Sana po nagustuhan niyo:)
ESTÁS LEYENDO
MAHIRAP ANGKININ ANG HINDI AKIN
PoesíaSana po ay magustuhan nyo 'tong ginawa kong tula:)
