S2C32

198 38 2
                                    

Jaydee's Pov

Nakamasid lang ako sa malayuan sa mismong doktor ni Mom ko nalaman na may brain tumor siya at medyo hindi maganda ang pwesto ng tumor na yun sa utak niya kung kaya'y medyo delikado ang magiging operasyon niya kung sakali.

"Ayaw mo pumasok?" Tanong naman ni Amanda sa may gilid ko pero napailing na lamang ako , sapat na siguro na malaman ko ang kalagayan niya.

"Nope hindi na , hmm tara na. I'll treat you into lunch nalang Amanda for taking your time" sambit ko sa kanya at hindi naman na siya sumagot pa sa akin sa halip ay hinawakan niya lamang yung kamay ko.

"I'm here lang always for you kaya wag mong isipin na nakakaabala ka sa akin gayung hindi Jaydee" wika niya sa akin na ikinangiti ko na lamang ng mapait , hindi ko kayang makita ang babaeng ito sa piling ng iba.

"Thank you Amanda" maikling tugon ko saka naglakad na nga patungong parking lot , hinigpitan ko na lamang yung pagkakahawak niya sa akin gayung ayoko din naman na bitawan ang mga kamay niya na kusang humawak sa mga kamay ko.

Nakakapanghina na makita si Mom na ganun gayung kahit papaano ay naging mabuti naman siyang ina sa amin at lalo na sa akin , maybe marami rami lang yung mga times na naging masama siya na magulang gayung naging sunod sunuran din siya sa Lolo namin but overall I'm still thankful na dahil sa kanya ay nag eexist ako sa mundong ito.

"San mo gustong kumain Amanda? I'll take you there" tanong ko sa kanya nung makarating na kami sa may sasakyan ko.

"Ikaw bahala jaydee" tugon niya sa akin na ikinatango ko na lamang.  Dalhin ko na lang siya sa Condo ko para ipagluto ng lutong bahay since ganun naman ang gusto niya.

Yzabel's Pov

Nakamasid lamang ako sa may labasan , madilim ang paligid at tanging hangin lang ang nagpaparamdam sa akin na hindi ako mag isa sa ngayon.

Wala kasi si Lyza gayung umuwi siya ng kanyang bahay habang sila Lara sa kabilang bahay ay tulog naman na.

Napataas na lamang ako ng aking uluhan at pinagmasdan ang kalangitan , ala una na ng madaling araw ngunit heto ako , hindi pinapatulog ng aking konsensya.

Two times na na may nangyari sa amin ni Cole at nagmumukha akong kabet sa lagay na to , well ito naman talaga ang balak ko ngunit hindi ko na alam sa ngayon.

Kung tama pa ba to? Or kailangan ko nang itigil. Nagsisimula pa lang ako pero parang ang sama sama ko na sa parteng ako naman ang minahal niya sa dulo ngunit bumalik siya sa nauna.

"Linus Miguel Somera , 6 years old. Nag aaral sa West State International School" Biglaang sumagi sa isipan ko gayung sinabi ni Lyza iyun sa akin , ipinakilala niya yung anak ni Cole sa akin.

"Gabing gabi na? Bakit nandito ka pa sa labas yzabel? Malamig na rito" Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa aking narinig gayung ako lang naman mag isa dito sa bahay ko.

"Anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok ah? Kanina ka pa ba dyan?" Sunod sunod na tanong ko sa babaeng nakangisi lang na may hawak na dalawang beer.

Napaturo naman siya sa akin sa may bandang hagdan na mukhang inakyat niya patungong second floor at maging sa gate ko.

"Nagising lamang ako nung mauhaw ako at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kita sa may bintana namin , You doesn't look well kaya I hope na this beer will make you better yzabel" sambit ni Lara at iniabot na sa akin yung isang beer na hawak niya na kaagad ko namang kinuha gayung sino ba naman ako para tumanggi sa grasya diba?

"Is there any problem?" Dagdag niya pa at napailing na lamang ako bago ko ininom yung alak na nasa can.

"Nag ooverthink lang ako ng mga bagay bagay Lara but I'm good naman as of the moment" pagpapalusot ko sa kanya , well I'm not okay with this state , never akong naging kabit and hindi naging top priority.

I always wanted na ako ang unahin bago yung iba at naninibago ako sa set up namin , she keeps messaging me and I kinda feel na parang nanunumbalik yung Cole na minahal ko.

"You can lie but your eyes can't yzabel , Ano aatras kana ba? Matagal tagal mo itong hinintay yzabel" sambit niya naman sa akin saka napaupo sa may upuan dito sa may labasan since tambayan ko din ito.

"I saw her son" maikling tugon ko na ikinatingin niya sa akin.

"Hmm miggy? She looks like Cole pati ugali niya namana niya kay Cole" dagdag niya sa sinabi ko ngayon ngayon lang.

"6 years old lamang siya , Makakaya ko kayang sirain yung buong pamilya na hinahangad niya?" Malungkot na aniya ko saka nilagok at inubos na yung laman ng alak sa may can.

"Ikaw naman dapat ang naging ina ng anak ni Cole kaya nga lang madaming humadlang sa inyo yzabel. It's on Cole na kung sino nga ba ang pipiliin niya" seryosong wika niya sa akin which is tama nga naman , It's cole who will decide.

"So sa tingin mo pipiliin niya na ako this time? Natatakot ako sa magiging dulo ng storyang ito Lara , what if katulad lang kami ninyo ni Ate Z? Pinagtagpo lang ngunit hindi para sa Isa't isa" nangangambang aniya ko gayung what if hindi naman talaga kami para sa Isa't isa ngunit pinipilit lang namin? Yung tipong umiikot pa din yung mundo ko sa kanya pero yung sa kanya sa iba na.

"Kayo ang mismo ang gagawa ng way Yzabel para maging kayo talaga sa dulo , Yung sa amin ni Zab ginusto namin pareho and see? Masaya na kami ngayon sa kani kaniyang pamilya namin" mahabang saad niya pa saka muling uminom nung alak na hawak hawak niya habang tagaktak ang pawis niya dahil sa ginawa niya kanina.

"But never ka ba nagkaroon ng regrets na sana hindi mo nalang ginawa yung ginawa mo dati Lara?" Curious kong tanong muli sa kanya at napangiti na lamang siya nang mapait.

"I have syempre , hindi maiiwasan yun Yzabel but it is what it is. Nangyari na kung kaya'y ang magagawa ko na lamang sa ngayon ay to live on my own" mapait na wika niya sa akin na ikinatango ko na lamang , for sure masaya sana sila ni Ate Zab kung binigyan lang siya ng chance pa ni Ate Zab dati para mabuo silang pamilya.

"It's getting late na sobra Yz , dito na ako sa may hagdan bababa ah? Matulog kana din gayung maaga pa tayo bukas for the meeting ng mga clients natin" mahabang wika niya sa akin saka napatango na lamang akong muli at palihim na napangiti gayung naloloka ako kay Lara , bumaba ba naman ng hagdan na ipinuwesto niya at nanginginig pa at nagalaw yung mismong hagdan kung kaya'y nangangamba ako na baka mahulog siya or what.

Medyo may tama na kasi siya at pulang pula kaagad ang kanyang pisnge gayung isang can lang naman ng beer yung ininom naming dalawa.

"Mag iingat ka dyan Lara baka mahulog ka , lagot ka talaga kay brei niyan pag nagkataon" natatawang sambit ko na ikinatawa niya na lamang ng mahina , pinagmamasdan ko lamang siya hanggang sa makababa na siya sa wakas at muling umakyat na sa kanilang bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako saka napiling pumasok na lamang sa loob ng bahay upang humiga at magpahinga na gayung napagod din naman ako ngayong araw.

Akmang pipikit naman na ako gayung para matulog nang biglaang may mag notif naman sa phone ko na sanhi upang kuhanin ko pa iyun sa may gilid ng bed table ko.

Ang kaninang malungkot at nakabusangot kong mukha ay mabilis na napalitan ng ngiti gayung may message sa akin ngayon si Cole.

"I miss you Love , Can I see a glimpse of you bukas? I wanna hug you tightly" sabi niya sa kanyang message sa akin na mabilis na nagparupok sa akin.

Anong kabit kabit?! Willing ako maging secret lover kung sa kapreng ito lang naman.

Wala nang atrasan yzabel , kunin mo ang dapat naman sa iyo.

My Secret Lover Where stories live. Discover now