S2C28

311 50 14
                                    

Cole's Pov

Mas lalong umiinit ang dugo ko hindi lang sa dahil sa binack out nitong ni Mr. Chan yung investment nila sa amin at parang nilalandi niya pa si Yzabel sa harapan ko , Alam ko naman na wala akong karapatan na maging ganito eh.

Kaso kusa kong nararamdaman itong selos to the point na baka makapatay pa ako ng isang taong maharot at nagpapaharot din.

"Hindi kana nadiligan?!" Pakantang sabi nang bagong dating na si Amanda at napahawak na lamang siya sa kanyang bibig nang makita niya na nag mi meeting na sa loob.

Napaatras siya at tsaka mabilis na nilisan ang room habang patawa tawa , nakakatuwa din ang babaeng yun kaya hindi na ako magtataka kung sila ni Jaydee ang magkatuluyan gayung pareho silang dalawa na sobrang jolly.

"Buang ka talaga Amanda" mahinang bulong ni Lyza sa may gilid , narinig ko kasi ang pangalan niya at nakita ko din sa Chart ng mga Staff and Officers na isa din pala siyang Chief Executive Officer kagaya nila Lara at Yzabel.

"So here's the contract , you can sign it up na Cole then you may go na gayung may iba pa kaming pag uusapan" abot naman ni Lara sa akin nung contract namin ni Mr. Kent Chan na napapangisi ngisi pa , baka mawala yang ngiti mo kapag sinapak kitang unggoy ka.

"Cole?! Sign it up!" Pag uulit ni Lara at napatingin naman sa akin si Yzabel , ano kayang trip ng babaeng ito ah? Sinasadya niya talagang gawin to ano?

Kumuha na ako ng ballpen ko sa may bulsa at napatingin sa contract at madiing pinirmahan iyun , parang agreement yun na hindi nag ibang company si Mr. Chan habang naka in contract sa amin.

Parang invalidation yung pinirmahan ko which means he is no longer part of our Company ganun.

"I'm done!" May inis na wika ko habang patuloy na pinagmamasdan sila Yzabel na hinahawi hawi pa ang buhok nito ni Mr. Chan.

Baka maging si Jackie Chan ka talagang unggoy ka pag sinipa kita papuntang bintana , patawa tawa ka pa dyan akala mo naka jackpot ka gayung hindi mo naman pagmamay ari yang katabi mo.

Bakit pagmamay ari mo ba? Singit naman ng utak kong kinulang sa aruga gayung pati ako ay kinokontra.

"You may leave na , Thank you for coming. Ms. Yen kindly assist my sister patungong exit ng company , sa elevator na kayo dumaan" walang emosyong sabi ni Lara saka patuloy sa pag iexplain sa kanyang mga staff and investors na narito sa meeting.

"Wait?! Can Ms. Yzabel do it? Since wala naman siyang ginagawa dito and besides it is  the responsibility of Ceo to accompany a business owners like me sa mismong kumpanya niyo" maotoridad kong sabi , hindi naman pwedeng lumabas ako at hayaan ko siya na landi landiin ng lalaking yan? Baka nakakalimutan niya na sumasakit pa yung tahi ko dahil sa pagkakasaksak ko nakaraan sa baguio.

"Then go on? Leb? Go and take her sa exit" medyo mahinahong sambit ni Lara at napaturo na lamang si Yzabel sa kanyang sarili bago tumayo sa kanyang kinauupuan.

"W-why me?!" Nauutal na sambit nito pabalik kay Lara , ay bakit ka nauutal? Siguro natatakot ka sa maaari kong gawin ano? You'll see kung paano nga ba magselos at magalit ang isang katulad ko.

"It's because nirequest ng kapatid ko kaya do it already , tama naman siya tumatambay ka lang dito kaya go on and chill sa labas" turan muli ni Lara at ngayon ay nakangiti na siya na tila bay nakakaloko.

"Why are you scared ba?" Tanong ko naman sa kanya na dahilan upang mapatingin siya sa akin na tila bay kinakabahan sa ngayon.

"Why would I?!" Paninindigan niya saka nauna nang maglakad palabas na ikinangiti ko na lamang ng palihim.

Nakasunod na ako sa kanya na nagmamadaling maglakad sa hallway at napapangiti na lamang ako gayung hanga talaga ako sa attitude ng babaeng ito.

Mapapansin ko na red flags nga siya kagaya nung sinabi niya at kinuwento niya sa akin pero buti nagtiis yung fiance niya sa kanya ano?

Speaking of fiance , like me she is cheating din sa taong iyun. So it's a fair match gayung pareho naming ginusto to.

Malapit na siya sa may exit kung kaya'y dali dali akong tumakbo at hinila siya papasok sa isang kwarto na alam kong walang tao gayung vacant daw yun sabi ni Amanda kanina nung nakasalubong ko siya habang pakanta kanta nang hindi kana nadiligan.

"Hey what are you doing?!" Reklamo niya ngunit agad ko namang nilock yung pintuan nang sa ganun ay macorner ko na siya.

"Are you literally doing it just because na it would make me jealous ah?!" Diretsahang saad ko sa kanya at unti unti na akong lumapit papunta sa kinaroroonan niya ngayon.

Siya naman ay paatras nang paatras kung kaya'y napapangiti na lamang ako gayung alam kong kinakabahan na siya sa maaari kong gawin sa kanya.

"Why would I do that? At isa pa we don't have any relationship kaya stop acting like this!" Singhal niya naman sa akin at akmang aalis na ngunit pinigilan ko siya.

"Everything was a mistake?! Yung nangyari sa baguio ay nagawa lamang natin dahil sa lasing tayong dalawa" saad niyang muli na ikinakirot kaunti ng aking puso pero hindi ako naniniwala na nadala lang kami sa alak kung kaya'y nagawa namin yun.

I know that she's lying sapagkat gumagalaw ang gilidan ng kanyang tenga , mapagmasid akong tao that's why mabilis akong maka catch up at makahuli ng tao kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.

"That's right?! We are not in a relationship but I want you to be mine , only mine yzabel?!" seryosong wika ko saka hinawakan ang dalawang balikat niya at isiniil siya ng halik , noong una ay itinutulak tulak niya pa ako ngunit noong itinaas ko na siya papuntang table na narito ay tumugon na din siya sa mga halik na ibinibigay ko.

I don't know , ang presensya niya ang nagbibigay buhay sa puso't kaluluwa ko and hindi ko kayang iresist yung nararamdaman kong ito.

I'm tempted lagi kapag siya ang kaharap ko and I kinda enjoy every moments na magkasama kami at nagmi make love , hindi ko naranasan tong lahat kay Jamie that's why kahit mali itong ginagawa ko ay hindi ko kayang itigil.

She has a spot on my heart , not just on my heart but on my whole soul. She's making me do something na hindi ko naman nagagawa dati , It isn't right but if loving her was a mistake? Then I don't want to be the right person anymore.

I want more sins if it comes to her.









A/N: Happy 14K Reads and 1.9k Votes!

My Secret Lover Where stories live. Discover now