S2C27

206 38 4
                                    

Yzabel's Pov

Narito lamang ako sa may bandang office ko gayung wala naman akong ibang gagawin kundi ang tumunganga dito kesa naman sa condo ko , hindi naman na kasing saya dun hindi katulad nung dati na laging naroon si Cole.

Hays kelan ko kaya makikita ang kapreng yun? I miss her scent and body on mine.

Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila at silipin man lang , alam kong nagmumukha akong desperada ngayon ngunit wala na akong ibang ititira pa sa sarili ko ngayon , sugal na kung sugal.

"Y-yz-za-ab-be-el?!" Pagtawag ni Amanda na may halong asar sa akin , simula nung nalaman niyang buhay ako ay halos hindi niya na ako tantanan , yung tipong kahit saan ako naroon ay naryan din siya.

"Wala ako sa mood peppa pig kaya tigil tigilan mo ako sa pang aasar mo? Wala ka bang trabaho ah? Wag mo sabihing nag quit kana sa pagiging idol para lamang silipin ako araw araw sa office" saad ko gayung sa DYJ naman siya nagtatrabaho ngunit lagi siyang nakatambay dito sa Moonlight Corporation na para bang parte siya ng kumpanya namin.

"Kung iyong nanaisin na umalis ako sa grupo ay aking gagawin Yzabel?! Ackk I miss you barbidor!" Wika niya sa akin saka hinalikan pa ako sa pisnge na siyang dahilan upang mapasigaw ako gayung ang lakas ng tama talaga niya.

"Damn it! Kadiri ka amanda!" Nandidiring wika ko saka inilalayo ang kanyang mukha sa akin.

"Wow makakadiri ka sa akin wagas?! Ikaw nga diniligan tapos bigla nalang iniwan! Boom emotional damage!!!" Madiing sambit niya na dahilan upang mamula ako gayung hindi ko inexpect na sasabihin niya iyun , dali dali naman ako kumuha ng unan na nasa may gilidan ko at isa isa kong ibinato iyun sa kanya.

"Ang baboy mo peppa pig! Walang hiya ka talagang depunggol ka?!" Singhal ko sa kanya habang siya naman ay panay lang ang tawa , trip na trip niya talaga ako gayung lagi niya akong hina highblood sa tuwing magkasama kami.

"Kapag nakita ko si Cole , kakanta ako Yzabel. Tas ang kakantahin ko ay binhi tapos sasabihin kong dedicated para sayo" saad niyang muli saka panay tawa ang impakta habang nagkukuwento.

"Hindi kana nadiligan!" Dagdag niya pa na sanhi upang mas lalong uminit ang ulo ko at napatayo upang habulin siya na mabilis na nakalabas sa aking office.

"Aackkk! Ang baboy mo Amanda!!!" Sigaw ko na nag echo pa talaga sa buong building gayung inis na inis ako kay Amanda.

"Oh ping okay ka lang ba? Dinaig mo pa yung mga sikat na singer sa pag high pitch mo ngayon ah? Sino ba kalaban mo?" Tanong naman sa akin ni Lyza na ngayon ay napapataas ang kilay habang may dala dalang folder.

"Si Amanda , nang aasar na naman pong?! Saan punta mo? Dami mong dalang folder ah?" Tanong ko rito habang nakahawak sa may noohan ko dahil sa inis na nadarama ko kay Amanda sa ngayon.

"Ah sa may meeting room since magkakaroon ng evaluation sa bagong investor natin , nasabi ni Lara na naroroon din daw si Cole sa ngayon gayung pipirmahan niya yung contract ni Mr. Chan na maaaring lumipat sa ating kumpanya" mahabang aniya niya na ikinagulat ko gayung may chance na magkita kami ngayon ni Cole.

"Sure ba? Pwede ba akong sumama roon ah? Like business meeting naman yun kaya may karapatan ako na magpunta roon tama ba?" Tanong ko sa kanya gayung miss na miss ko na yung bebe ko at hindi na ako makapag antay na masilayan siya.

"Hmm it depends on you ping gayung si Lara naman ang magsi sealed ng deal kay Mr. Chan. Pwede ka naman maging evaluator kagaya ko" saad niya pabalik sa akin na ikinangiti ko nang malawak.

"Saglit lang Pong ah? Wait mo ko gayung magpapalit lang ako ng blazer at magsusuot ako noong takong ko" pagpapaantay ko sa kanya saka dali daling pumasok sa may office ko nang sa ganun ay makapagbihis na ako at masuot yung takong ko , naglagay na din ako ng light make up gayung nag fade na yung make up ko kaninang umaga.

Pagkatapos nun ay dali dali na akong lumabas at napatawa na lamang ako nang mahina nang makita ang nakabusangot na mukha ni Lyza.

"Ang tagal ah? Hindi naman halatang patok na patok ang pangseseduced mo dyan sa Fiance mo?!" Singhal naman nito sa akin na sanhi upang mapahawak na lamang ako sa may bandang balikat niya.

"Sorry na ping?! Babawi ako sayo sa sunod kapag naalala na ako ni Cole?! Walwal tayo ulit sa condo mo" wika ko na ikinabuntong hininga niya na lamang.

"Basta mag ingat ingat kung sakali Yzabel ah? You know naman na kahit anong mangyari ay kasal na si Cole kay Jamie kaya nais ko lamang ipaalala sa iyo iyun" mahabang sabi niya na tinanguan ko na lamang gayung alam ko naman ang nais niyang sabihin sa akin sa ngayon.

"Alam ko naman yun , hmm tara na!" Aya ko sa kanya saka naglakad na kami patungong meeting room.

Nang makarating kami sa may meeting room ay nakita ko naman si kent , sobrang unexpected gayung hindi ko akalaing makikita ko siya.

A little info lang sapagkat si Kent ay isa sa naging ex ko dati kaya alam niyo na?

"Nice to meet you yzabel?! Ang ganda mo pa din talaga ano? Walang kupas!" Bati niya sa akin at nauna naman nang pumasok si Pong sa loob gayung kailangan ni Lara yung nilalaman ng folder na dala niya.

"Nice to meet you din?! Anong ginagawa mo rito ah? May errands ka sa kumpanya ko?" Tanong ko naman sa kanya at tsaka napatingin sa loob ng meeting room gayung glass lang ito at makikita mo yung tao sa loob.

Saktong pagtingin ko at paghahanap ko kay cole sa loob ay nakatingin din pala siya sa akin na ikinaiwas ko kaagad gayung pabebe dapat ako aba.

Sa gandang kong ito? Deserve ko naman maging pakipot at pabebe duh?!

"What a small world?! I'm investing my whole assets here Yzabel. Since this company was recommended by my cousins and as well as my dad" aniya niya pa saka hinawakan ang bandang uluhan ko , hobby niya na talaga yung ganyan since dati pa.

"Oh really?! I'm glad to know that! You look great din kent?! Kamusta lovelife natin ah?!" Tanong ko sa kanya at hinawakan pa ang bandang balikat niya gayung may nakatinging mata sa may looban at nahahalata ko ang selos na nadarama nito.

Hays cole walang pinagbago yung mga traits mo noon sadyang nakalimutan mo lang na nag eexist ako sa mundo mo.

"Ito iniintay ka? Haha I'm kidding. Single pa din ako yzabel , masyado akong naging stick to one sayo kaya kay hirap pumasok muli sa isang relasyon" mahabang saad niya pa sa akin na ikinangiti ko nang mapait , okay naman si kent sadyang hindi lang nag work yung relasyon naming dalawa.

"Ikaw ba? May asawa kana?" Tanong nito sa akin na ikinatawa ko na lamang gayung meron na sana kaso nga lang hindi kang pinalad ni tadhana.

"Fiance meron" maikling tugon ko na ikinagulat niya gayung halata yun sa mga mata niya.

"Oh really?! Congratulations yzabel?! I'm happy for you!!" Masayang sambit niya at saka nagulat ako nung biglaang niyakap niya ako na hindi ko naman na kinontra gayung nais kong inisin si Cole lalo.

Tignan lang natin kung saan aabutin ang selos mo ngayon Andrei Cole Somera.

My Secret Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon