S2C19

196 27 5
                                    

Cole's Pov

Day 2

Bumangon na ako nang masilayan ko ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha at pinagmasdan ko naman si Yzabel na mahimbing pa na natutulog.

Tumayo na ako at kinuha ko ang aking cellphone sa may bulsa nang sa ganun ay makapaghanap ako ng signal at nang sa ganun ay makontak ko yung mga kaibigan ko para ma trace yung kinaroroonan namin ni Yzabel.

Naglakad lakad na ako palabas at sa may dinaraanan ng mga sasakyan ngunit nakakapagtaka lang sapagkat wala talagang ni isang sasakyan ang dumaraan dito na labis kong ikinapagtataka.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa umabot na ng isang oras sa layo na nang nilakad ko ngunit wala pa din talaga akong matanaw na kahit anumang bahay , yung tipong parang inabanduna ang lugar na ito.

Napatingin na lamang ako sa aking cellphone gayung wala pa din talagang signal at mag aalas nuwebe na ng umaga , napabuntong hininga na lamang ako saka napatakbo na lamang pabalik sa kinaroroonan ni yzabel gayung baka gising na siya at kailangan ko pang maghanap ng makakain namin sa ngayon.

Fast forward , sa wakas ay nakarating na ako sa kubo kung saan gising na nga si Yzabel kung kaya'y nilapitan ko na siya.

"Saan ka galing?" Nag aalalang tanong niya sa akin gayung ramdam ko ang sinseridad niya nung sinabi niya iyun.

"Naghanap lang ako ng mga bahay bahay dito ngunit nabigo ako gayung sa loob ng isang oras kong paghahanap ay wala akong nakita at nasagap na signal"

"Ito kainin mo na muna , maiwan na muna kita rito gayung magtutungo ako roon sa itaas upang maghanap ng makakain" wika ko at tsaka napatango naman siya sa akin , buti na lamang at may dala dala akong kahit papaano na mga pagkain sa aking bag na ipinadala din ni Dana sa akin gayung baka gutumin ako pero hindi magiging sapat yun gayung hindi namin alam kung ilaw araw kaming mamamalagi rito.

Namimiss ko na din ang tinig ni Jamie , kamusta na kaya sila ni Miggy? Paniguradong nag aalala na yun sa akin gayung never naman akong hindi tumawag sa kanya sa buong araw.

Patuloy lang ako sa paglalakad at napapahawak na lamang ako sa mga kakahuyan dito gayung paakyat ang daanan , halos mapapanganga naman ako nang makita ang isang talon dito.

Like it was made to be there talaga , naglakad na ako papalapit roon at napatingin ako sa may kabilang banda gayung may ilog din at namangha ako gayung napakadaming isda ang naroroon at masayang lumalangoy.

Napangiti ako ng malawak at dali daling tumakbo papunta sa may kubo upang sabihin kay Yzabel ang napakagandang balita at alam kong matutuwa din siya na makita itong napakagandang tanawin.

"Yzabel?! Yzabel?!" Tawag ko rito ngunit nawala ang aking ngiti nung makitang wala siya rito , saan kaya siya nagpunta?

Napakunot naman ang noohan ko at tsaka dali daling hinanap siya , magang maga ang kanyang kung kaya'y bakit niya kaya naisipang maglakad pa at magtungo sa kung saan na hindi nagsasabi.

Well paano niya pala sasabihin sa akin kung saan siya nagtungo gayung hindi niya naman ako kasama , ack may pagka tanga din ako minsan eh.

"Oh cole?! Sinong hinahanap mo" tawag naman nito na ikinalingon ko gayung akala ko may nangyari nang hindi maganda.

"Saan ka nagpunta? Sa lagay na yan nagawa mo pang ilakad yang paa mo?" Tanong ko naman sa kanya at napataas naman ang kilay niya.

My Secret Lover Where stories live. Discover now