S2C9

190 21 6
                                    

Lara's Pov

"Love? Love? Nasaan si Rei?" Tanong naman sa akin ni brei habang nakasuot ng Bathrobe gayung kakagaling niya lamang sa banyo at naligo.

"Ah baka nasa labas lang ng bahay at nakikipaglaro kila Princess at Bryan" wika ko habang nagpopokus pa rin sa computer ko gayung may inaasikaso ako sa kumpanya namin.

My own company na binuo ko kasama ang dalawa kong naging kaibigan last 8 years ago at kasalukuyang nakasama kami sa top 3 sa successful business organization this year mapa pinas man o international.

Actually 8 years naming pinaghandaan ito but this few months lang talaga nilaunch yung first ever product namin which is consist of alcoholic drinks , chocolate made of alcohol at marami pang iba.

Pinaghirapan ko talagang maiayon ang lahat sa mga nais kong mangyari , it's been 8 years na din simula nung huli kong makita ang aking mga magulang at lalo na si Grand dad.

Marami siyang kasalanan sa akin ngunit kahit papaano ay nagpapasalamat ako na masaya na ako kasama ang anak ko at si brei.

Kung hindi dahil sa nangyari noon ay baka naging mahina pa din ako hanggang ngayon , duwag at walang patutunguhan.

"Huh? Tanghaling tapat hon" dugtong niya naman saka akmang lalabas na upang tawagin ata si Rei nang pigilan ko siya.

"Hayaan mo na siya roon na mag enjoy at isa pa I know naman na nakabantay si Leb sa labas sa kanila kasama si Lz gayung may mga hang over ang mga hinayupak na yun" seryosong wika ko , magkatabi lang naman kami ng bahay dito sa pilipinas.

I know nagtataka kayo since 8 years kong itinago sa pamilya ko na naroon kami namamalagi sa Canada but the truth is narito kami sa pinas ng buong walong taon , bale sinabi ko lang kila Gabb at Cole pati sa Daddy ni Brei na nasa Canada kami.

"So ano na yung next plan niyo Love? Bukas na yung gaganaping event sa Lakehill at paniguradong magkikita kita kayong lahat ng mga kapatid mo" wika niya sa akin habang nakatalikod at naghahanap ng damit sa may closet namin dito sa kwarto ko.

"Maybe this is the time na din para magkita kami but not as a siblings but as an competitor ng korporasyong kinabibilangan nila" walang emosyong sabi ko , bukas na magaganap ang mga pasabog na matagal naming hinintay.

"Samahan na kita bukas?" Tugon niya naman na ikinaikot ko ng aking swivel chair at napangiti na lamang ako nang bahagya gayung nakaharap pa siya sa akin habang hindi pa kompleto ang suot niyang damit at pambaba.

"I'll be honor po mahal kung sasamahan mo ako bukas at ipagpapaliban ang DREAM CONCERT ng paborito mong banda" madiin ang pagkakasabi ko gayung may concert bukas yung Boys Gen na paborito niyang PPOP artist.

At nakabili na siya ng ticket nun kasama si Rei gayung katulad ng mom niya ay die hard fan din yung batang yun , nagmana talaga sa pinagmanahan.

"You seems off kaya ipapasama ko na lamang si Rei kila Chris gayung kasama naman nila sila Bryan at Princess sa pag attend ng concert bukas" nag aalalang wika niya saka lumapit at umupo sa may lap ko habang niyayakap ako.

"Thank you Love! I badly need your existence there. You know that you're my strength everytime na pinanghihinaan ako ng loob" dagdag ko pa gayung napakaswerte ko sobra , nagpapasalamat din ako kay Zab gayung hindi ako magiging mabuting asawa kung hindi dahil sa kanya at sa mga natutunan kong aral nung magkasama pa kami.

"I'm here as always kaya lagi mong tandaan iyun" aniya niya pa na ikinangiti ko na lamang , kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at ako naman ay hinalikan siya sa may bandang noohan niya.

"I love you bweibwei ko!" Paglalambing ko sa kanya , mahal ko ang babaeng ito at hindi ako magsasawang sabihin iyun lagi at iparamdam sa kanya.

"I love you too langlang ko" nakangiting tugon niya sa akin saka hinalikan ako sa may bandang labi ko.

Gabb's Pov

Sobrang sakit ng ulohan ko yung tipong parang mabibiak na sa sobrang sakit , ack naparami na naman ako ng inom kagabi at hindi ko talaga inexpect iyun.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nagtungo na sa may kusina para tignan kung nasaan si coleen , nagugutom na din kasi ako kung kaya'y baka may niluto na siyang pagkain.

"Morning hon?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglaan siyang lumitaw sa harapan ko nung nagkukusot ako ng mga mata.

"Gosh nagulat ako! Good morning babu ko. Nakaluto kana ng breakfast natin?" Tanong ko rito at napatawa na lamang siya ng mahina sa akin.

"Tanghali na Gabbo , kaya lunch na. Hmm maupo kana sa lamesa at kanina pa kita inaantay. Aalis daw tayo ngayon para mamili ng damit gayung sasama tayo sa Event bukas sabi ni Ate Coley" mahabang wika nito sa akin na ikinagulat ko , bakit kailangan pa namin sumama roon? Mas lalo lang atang gugulo gayung magkakasagupaan ang mga magkalaban sa mga business doon bukas.

At ang masama pa ay grabe din ang inis ni Ate Cole sa nagmamay ari ng DYJ Corporation na bigla bigla na lamang sumulpot sa number 1 ranking ng successful organization this year.

"Tinawagan ka niya?" Napailing naman siya sa tanong kong iyun.

"Si Dana ang nag invite sa atin kagabi , hindi mo na nga lang maalala gayung sabog ka talaga kagabi" sambit niya habang nagsasandok na ng kanin gayung nasa may lamesa na yung ulam na niluto niya , ako naman ay kasalukuyang nagsisipilyo at naghihilamos sa ngayon habang nakikinig sa kanyang sinasabi.

"May ideya ka daw ba sa Moonlight Corporation? Natanong kasi ni Dana gayung unknown din ang owner kagaya nung DYJ and pumapangatlo sila ngayon sa ranking , humahabol sa SMC" mahabang dagdag niyang muli sa akin , pamilyar ang Moonlight Corporation sa akin gayung ang mga product nila ay more on wines and alcoholic drinks.

Hindi ko maitatanggi na bumibili ako ng product nila gayung masasarap ang alak na likha nila , One thing is for sure mukhang walwalero o walwalera yung nagmamay ari nun.

"Kagaya ng DYJ biglaan din silang sumulpot sa ranking but I think moonlight corporation ay nabuo last 5 months ago lang kung kaya'y mas baguhan pa sila" pagpapaliwanag ko sa kanya habang papunta na ako sa may bandang upuan ko.

"Their wines and other beverages are really popular sa pilipinas as well as international , Yung way din nila ng pang eengganyo sa customer is much better than the other corporations" mahabang dagdag ko pa gayung kakaiba ang marketing strategy nila , Through brochures and application na nagiging way para mapabilis ang transaction ng mga products na ididistribute.

"Their Unknown Ceo is smarter than what I've expected since nakakasabay sila sa mga malalaking company despite of the differences ng products na inaalok nila sa market" turan kong muli , hindi na din ako mapakali at nais ko na din na makilala ang nagmamay ari ng kumpanyang iyun.

Yung moonlight kasi ay pamilyar sa akin at feeling ko hindi lang basta bastang ginawang moonlight ang corporation nila kundi may mas malalim pa na reason behind it and malakas ang kutob ko na kilala ko din ang nagmamay ari nito.

"Tama ka dyan Hon , I'm excited na para bukas gayung maipapakita na din sa lahat ang may ari ng dalawang unknown corporation" aniya naman ni Coleen saka naupo na sa may upuan , napatango na lamang ako nung suminyas siya na kakain na kami ng tanghalian at hindi naman na ako nag atubleng sumubo ng pagkain gayung gutom na talaga ako kanina pa.

Kung sino man ang nagmamay ari sa kanila ay sana yung hindi malalapit kay Ate Coley gayung masasaktan siya pag nalaman niya iyun.

My Secret Lover Where stories live. Discover now