"Bukas 'yan!"

Bumukas ang pinto at pumasok si Jerome. He is carrying two plastic of jollibee.

Kunin mo sa bag ko yung wallet ko. "Ikaw na mag bayad." Tumango siya at nilapag ang bitbit sa lamesa sa gilid ng kama.

Bitbit na niya ang pera at alanganing humarap sa akin. "Ate..."

"Bakit?" Umayos ako ng upo at inabot ang pag kain.

Dahil na busy ang dalawang bata sa pagkain nila ay tumayo ako para kausapin ng maayos si Jerome.

"Bakit?" Pag uulit ko ng tanong.

"Si Kuya Vioxx nasa labas at sigaw ng sigaw. Tinatawag ka." Umirap ako sa kaniya at umiling.

"Hayaan mo siya sa labas. Manigas siya do'n! Lalabasin ko siya kamo kapag pumuti na ang uwak!" Mariin na bulong ko sa kaniya.

"Eh, Ate... Ikaw ang tinatawag niya pero iba ang lumabas..." Kumamot siya sa batok niya.

"Sino?"

"Si Lolo at Tito Gimuel yung lumabas. Ngayon inaawat na sila ni Lola at ni Mama." Kumunot ang noo at agad na sumilip sa terrace.

I saw Lolo punch Vioxx straight in his face.

"Papa!" Sigaw ni Mama at akmang lalapit pero tinuro siya ni Lolo at umiling kaya naman napaatras ito.

"Huwag niyo 'kong pipigilan!" Sigaw ni Lolo. Bigla ay kinabahan ako para sa kaniya. Matanda na siya kaya bawal na sa kaniya ang ma stress.

"Ikaw na muna ang bahala sa mga bata, Jerome!" Mabilis na tumakbo ako papalabas.

"Kinausap kita diba?! Nakiusap ako sa'yo na huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko dahil madami na siyang napag daanan! Pero hijo de puta! Sinaktan mo siya!" Sumuntok ulit si Lolo kaya naman mabilis na tumakbo ako palapit sa kaniya at hinawakan siya sa damit.

"Lo, tama na po 'yan! Pumasok na po tayo sa loob! Masama sa'yo ang magalit ng sobra." Bulong ko sa kaniya at niyakap siya sa likod.

"Nanahimik na ang apo ko ngayon pero nandyan ka na naman! Sinaktan mo na naman siya! Alam ko! Dahil sa'yo umalis siya ng dalawang taon! Hinding hindi kita mapapatawad hanggang mamatay ako kapag umalis ulit ang apo ko ngayon!" Mariin na sabi ni Lolo. Nag tuluan ang luha ko at humigpit ang yakap kay Lolo.

"Please, Lo. Tama na po. Halika na, pasok na sa loob." Tinanggal ni Lolo ang nakapulupot kong braso sa kaniya.

Tinignan ko si Vioxx at nakita na dumudugo ang gilid ng labi nito habang nakayuko. Ngumiwi ako. Paniguradong nasaktan iyan sa suntok ni Lolo! Dati kayang sundalo 'yan! Kahit na matanda 'yan ay malakas pa din.

"Pumasok na tayo sa loob." Sabi ni Tito Gimuel.

"Kat, please... Talk to me. Please, Kat. Wala lang 'yung kanina. Nagulat din ako kaya hindi ko siya natulak agad. Please, Kat. Maniwala ka naman sa'kin!"

Tumalikod na kami kay Vioxx at pumasok na sa gate.

Pag pasok sa loob ng gate ay piningot ni Lola ang tenga ni Lolo at Tito Gimuel.

"Kayo! Mga basagulero kayo! Dapat kinausap niyo na lang ng maayos yung bata!" Inis na sabi nito.

"Naka isang suntok lang naman ako, Ma! The rest si Papa na ang sumuntok. Taga cheer na lang ako sa gilid."

"Heh! Ikaw talaga! Ang tanda tanda mo na isip bata ka pa din! Tatlo na anak mo ang immature mo! Pinipigil mo pa kami sa paglapit kay Macky! Hindi ko tuloy maawat!"

"Tara na, Ma. Kumalma ka, ang puso mo." Umiling lang ako sa kanila at nauna na sa pag pasok sa loob upang balikan ang dalawang anak ko.

"Hoy! Inubos mo na 'yan! Para sa dalawa 'yan!" Sabi ko kay Jerome na nilalantakan ang legs ng manok.

Castellan Series 3: Katelyn Joy CastellanWhere stories live. Discover now