CHAPTER 4

13 6 1
                                    

“Ayaw!”

Disappointed ang mukha ni Vianne ng marinig yun. Alam niyang tatanggi ito pero bakit siya nasasak tan? Bakit—

“Ayuko dahil gusto ko na ikaw ang sumagot niyan!” anang binata bago hinawakan ang kamay niya. “Vianne! Mag date tayo!”

Hindi nakapaniwala ang dalaga sa binata at hindi niya mapigilang ngumiti.

Wala sa sariling tumango-tango siya bago niyakap si Addison.

“Ikaw huh! Matagal mo na pala akong gusto!” panunukso ng binata

“Alangan namang mag aya ako sayo ng date noon eh mga bata pa tayo nun!” giit niya.

“Okey lang naman ah! Pero sabagay, para naman tayong nag dedate noon! Araw araw nga tayong nandito eh!” sabay silang natawa ng maalala yun.

Halos walang araw noon na hindi siya sinusundo ni Addison sa bahay nila upang mamasyal at mag laro. Halos hindi na sila pumapasok sa eskuwela ng dahil dun. Siya palagi yung nag liligtas kay Addison kapag natetyempohan ito ng mga bumubully sa binata noon. Kahit nasa paris na sila Vianne ay hindi parin mawala ang mga alaalang yun sa isip niya. At sa tuwing inaalala niya ay napansin niyang nahuhulog na siya sa binata kahit hindi niya ito nakakasama.

“Tara, Hatid na kita! Baka hinahanap kana sa inyo.” anang binata bago siy hinawakan sa kamay.


Buong akala ni Addison ay mahiirapan siyang ayain si Vianne. Hindi niya alam na ito pa yung unang nagyaya.

“Addison, pano kaya kung mag date tayo?”

AHHHH..sigaw niya dahil sa kilig na nararamdaman. Nababalak na siya dahil kay Vianne. Hindi naman siya ganito.

Kinuha niya yung unan at pinag hahampas niya yung sa hingaan niya upang mailabas ang nararamdaman.

“Sir! Ano pong nangyari? Bakit po kayo tumitili!” bungad ng pumasok na kasambahay at tila hinihingal pa. Kung titignan ay kasing edad lang niya ito. May histura siya at maputi, kung hindi siya nakabihis ng uniform ng kasambahay ay aakalain mong siya ay amo rin. 

Hindi niya ito kilala. Bago siguro, sa pag kakaalala niya ay pito lang ang kasambahay nila.

“Bago ka ba?” kunot noong tanong niya dito.

“Ahh noong isang linggo pa po ako sir! Sa kusina po ako naka assign.” sagot nito.

“Kung sa kusina ka naka assign! Bat ka nandito?”

“May inutos lang po si maam, tapos nung marinig kong may sumigaw ay napatakbo agad ako dito!” anang kasambahay.

“Ahh.. Sige pwede ka nang lumabas!” Sambit ni Addison kayat wala itong ibang magawa kundi ang lumabas.

Bat iba yung pakiramdam ko sa kanya?

“Bahala na nga!” bulong niya bago bumalik ang ngiti sa mga labi. Naaalala na naman niya si Vianne.

Kinuha niya yung cellphone niya na nakalagay sa mini desk katabi ng kama niya.

Humingi siya ng number ni Vianne kanina ng ihatid niya ito sa kanila. Kinakabahan siyang pinindot yung botton ng call.

Ring lang ng ring ang cellphone ni Vianne sa ilang beses niya pag contact dito. Baka busy siya ngayon.

Ilang sandali ay may kumatok.

“Son! Mag usap muna tayo!” boses ng ina ang narinig niya mula sa labas ng pintuan habang kumakatok.

“Bakit po?” tanong niya bago binuksan ang pinto. Isang kutos ang bungad sa kanya ng ina.

“Ikaw'ng bata ka! Tumawag—”

“Mom! Masakit”

“—sa kin yung teacher mo kung bakit hindi ka daw pumasok!” bulyaw ng ina niya bago siya binitawan.

“Eh kasi—”

“Kasi?” tanong ng ina na nag aatay ng sagot.

“Tinamad po kasi ako eh!”

Ayun. Nakatikim nanaman siya ng kutos at palo. Sira ulo kasi talaga siya.

Tragic Series 1: Young Man In DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon