Simula

185 9 2
                                        

Simula



Pipikit, sisinghap at muling kukunin ang basong may lamang whiskey sa harap ko.


The lights of the club and the music from the DJ was all over the place. Bago ko pa mainom ang natitirang inumin ay may humablot na sa palapulsuhan ko.


"Ano ba?!" My eyes were sleepy yet his aura and his presence sent shivers down my spine. Parang tumigil ang musika, parang ang spotlight ay sa amin lang dalawa. Para akong mas nahihilo ngayong kaharap ko na siya.


"Anong ginagawa mo, Siri?" His words were too painful to hear. I am absolutely crazy now that I am in front of him, crying.


Mas lalo akong nanlumo nang higitin niya ako sa kaniyang mga bisig. Everything felt like home in his arms. Sigurado na ako, nababaliw nan ga talaga ako. Lumuluha ako habang ngumingiti nang malanghap muli ang pamilyar niyang amoy.


It's been two months since I left my job in his office. Ang makita siyang muli sa harap ko ay parang isang panaginip.


My life is a mess right now. I have a lot of things to fix. Now that he is doing this to me, I felt like I am back to square one. Ano na nga ang move on? Damn it.


My body immediatlely pushed Vince. Nakita ko ang confusion at ang pag-igting ng kaniyang panga sa ginawa ko. Tumayo ako kahit na umiikot na ang paningin ko. Kinuha ko ang purse ko at nag-iwan ng bill sa bar counter. Before I even stepped out, he gripped my arms again.


"Siri." Kalmadong tawag niya ngunit hindi ko siya nililingon.


"Uuwi na ako..." Singhap ko. Hindi ako sigurado kung naririnig niya ba dahil sa lakas ng trance music. So much for going in this club. Parang tumaob ang sikmura ko nang may dumaang nagvavape sa harap ko. Dali dali akong humakbang palabas ng club at batid ko na ang bawat hakbang ko ay kasunod ko siya sa likod ko.



The evening fresh air hugged me when I reached the exit of the place. Bago pa ako makababa ng hagdanan ay humarang na si Vince.


"Siri," He called me again. I bit my lip, trying to hide my tears but of course he can see it. He can always see the pain in me, the sadness and the brokenness of my soul.


"Bibigyan kita ng isang minuto, M-Mayor—"


"Siri, why are you doing this?"


His sentence shattered my heart to million pieces. Ang kasagutan sa tanong niya ay parang hangin na hindi ko makita. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita. Hindi ko alam anong ginagawa niya, bakit siya nandito? Bakit nandito pa rin siya kahit na alam niya sa sarili niyang sinaktan ko lang siya? He shouldn't be here. He doesn't belong here. Wala na siyang dapat pakealam sa akin.


Pinalis ko ang luhang tumutulo sa mata ko at hinarap si Vince kahit na nanghihina na ang tuhod ko. His eyes were full of anger? I don't know how to describe his emotions right now. Kung galit siya ay bakit siya nandito?

Serendipity (DonBelle Fanfic Story)Stories to obsess over. Discover now