"yes, you can. I don't need your approval."

"But..Ms. Minty"

"no buts, kailangan kita do'n" nasilayan ko ang pagkagulat niya na humarap sa 'kin, may sinabi ba 'kong masama? or nakakagulat?

i heard her sigh at napatayo sa pwesto niya saka nagpaalam na

anong nangyari ro'n?

Napatingin ako sa ibabaw ng desk nang maka receive ako ng message mula kay aeri.

She's asking kung ano raw ba ang nangyari sa naging date ko with that girl, kahapon niya pa ako kinukulit pero ang sagot ko lang naman sakaniya is 'nothing happened'

buti nalang tinapos ko agad ang pakikipag-usap sa babaeng 'yon, her name is cherry but i don't like her. Mukhang gusto lang ako nun dahil alam niyang may-ari ako ng isang sikat na kompanya.

While wala pang ginagawa at nakatunganga sa office ko ay bigla ko namang naalala ang napag-usapan namin nila aeri these past few days, it was about my sexuality. Pati tuloy ako nagdududa na sa sarili ko, in my entire life ay never pa akong na-attract sa guy because i never been into normal school before, all girls school ang pinasukan ko dati and i admit na may naging crush ako dati doon na isa sa mga classmate ko. She's so clever kasi at siya pa ang president sa student council kaya humanga talaga ako sakaniya but that was before.

I don't remember her name, either.

Mabilis na lumipas ang oras at napansin kong mula kanina pa ay hindi na bumalik pa si Katrina sa opisina ko, it's not like i want her to be here but she usually eyeing me at matagal pa kung magstay sa loob ng opisina ko.

I decided na pumunta ng book store since wala naman akong ginagawa at balak kong bumili ng ilang sets ng books. May favorite writer kasi ako and kanina lang nagnotify sa 'kin na may bago siyang update.

I love reading and i love books!

Mabilis akong nakababa sa first floor ng building at wala akong nakitang bakas o presence ni Katrina, wala rin siya sa pwesto niya. Where did she go?

Ilang beses pa akong tumingin sa paligid at nasampal nalang ng mahina ang pisngi ko, nababaliw na ba 'ko?

why am i looking for her? gosh!

Sa pagkairita ko ay nagmadali nalang akong lumabas at tumungo sa parking lot saka mabilis na pinaandar 'yung kotse.

where the hell did she go?

Kanina ko pa 'yan tinatanong sa sarili ko and i feel like a dumbass dahil gusto ko mang alisin siya sa isip ko ay hindi ko magawa! I hate it!

"God, focus Minty Gayle! She's nothing to mind with." para na akong sirang palaka na paulit ulit na sinasabi 'yan sa sarili ko, maybe i get used sa presence niya. In almost two months she's with me everytime and wherever i am.

I calmed myself a bit when i entered book store, maraming tao ang nakita kong namimili ngayon ng mga libro and sa kabilang side naman ay kung saan pwede kang magbasa but i never experience na dito magbasa dahil masyadong maraming destruction.

Dumiretso agad ako sa station hall ng mga novel books, napadpad ang mga mata ko sa itaas at nakita ko agad ang hinahanap kong libro 'Meant to be' by emily, i will make time to read this, definitely.

Umikot pa ako sa loob ng book store to find some book na mukhang interesting basahin, hindi naman sa addicted sa books but sampung libro na ang tangan ko ngayon. Nakaramdam agad ako ng pangangalay kaya mabilis ko itong dinala sa counter.

Habang naghihintay na maibalot lahat nang 'yon ay hindi ko maiwasang luminga linga muna, sakto namang natigil ang paningin ko sa isang babae and she's wearing her thick eyeglasses habang nakaupo sa isang sulok and reading silently. I smiled a bit habang nakatingin sakaniya, she's always here and i already knew what that means.

Her Unwanted SecretaryWhere stories live. Discover now