The love of moon

30 1 0
                                    

Apollo x David

*

"Ma! Ano ba?! Ang aga aga ay istorbo! Puyat ako, ma! Puyat!" Kulang nalang ay ispellingin ko pa sa harap ni mama ang salitang Inaantok at Puyat.

Kanina pa kasi niya ako inaaya mag-zumba. Eh ayaw ko nga. Kasi puyat ako.

"Wala kang bagong dress sa ZARA!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko. Parang napintig 'yung tenga ko dahil doon. Dress sa ZARA! Bumangon ako bigla.

" Ano? Napuyat ka ba kagabi, Apollo?" Sarkastikong tanong ni Mama. Agad akong umiling habang kinukuha ang tuwalyang nakasabit sa likuran ng pinto ko.

"Sinong nagsabing Puyat ako, Ma? Wala namang puyat dito 'ma eh!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Kinurot niya ako sa beywang.

Sinabayan ko pa siya sa pag suuuus niya. Si Mama talaga, alam ang weakness ko!

Uminom lang ako ng water at kinain 'yung wheat bread ni mama. Nothing beats this feeling. Mag-inang nag didiet.

Cheeks lang naman mataba sa akin eh. Swerte ko nga dahil hindi ko namana 'yang katabaan ni mama. Buti kay papa ako nagmana. halos lahat kasi ng physical characteristics ko ay kay papang gwapo ko namana.

Nabless naman sa akin ni Mama 'yung pagka-malandi niya at pagka-burara. Yung ugali niya, kuhang kuha ko na. Kaya siguro Mommy's girl ako. Kami lang naman ni mama ang nagkakakintindihan sa Pamamahay na ito.

Alas syete na siguro noong nakarating kami sa QC Memorial Circle. At as usual, ako ang nag drive.

Magaaway lang kami pareho nitong nanay ko at baka hindi niya ako ibili ng dress sa H&M kapag di ko siya pinag drive, ano.

Ayun. Dahil puno na ang buong circle ng mga taong tumatakbo at nag zuzumba'y wala na kaming spot ni mama.

Kaya doon kami sa may flock ng zumba dancers na nasa loob ng covered court. Nagbayad pa nga kami ng fifty para daw makasali sa DIH. Dancing is Highing. Siguro high 'yung gumawa nung organization, highing? Srsly?!

Anyways hindi naman ako pumunta dito para laitin 'yung organisasyon ng mga nag-zuzumba. Andito ako para sa dress ng ZARA. Na last month ko pa gustong gusto bilhin. Kaso ginto iyon  at wala akong pera eh, di ko tuloy mabili! Tsk

Nag-play 'yung kanta ni Rihanna ng S&M. Ginaya naman namin 'yung kung anong sayaw nung zumba fitness dance instructor. Ang hitad nga ng mga moves eh. Gusto ko sanang tumakas kaso may katabi akong balyena, si Tita Liz. Pinapabantayan ako! Ano ako bata?! Sabi ni Mama, tita ko na daw agad iyan. Eh hindi ko nga kilala. Sa sbrang friendly niya kung sino sino nalang iniiwan niya sa Unica Hija niya! Sana kung lalaki ito at gwapo, natuwa pa ako diba?!

Si mama kasi masyadong bida bida at doon nag sasasayaw sa harapan. I swear kaunti nalang maloloka na ako sa dance moves nitong zumba fitness instructor na ito! Napaka-sexy ng mga galaw. Natatawa na nga lang ako habang sumasayaw itong si Tita Liz eh. Yung balyena kong katabi. Kasi may part doon na uupo. Tas sa sobrang katabaan ni Tita Liz, hindi na siya makaupo! NatAtatawa talaga ako though I know I shouldnt.

Ang sama sama sama ko talaga.

Natapos 'yung spree ng kanta ni Rihanna at nag water break kami. Infairness ha, nakakapawis talaga ito! Nabuburn 'yung mga live in fats ko. Kung may bayad lang 'yung pag lilive in nila dito sa katawan ko, siguro mayaman na ako. Hehe.

Andami ko talagang pinagsasabi kahit mapayat naman ako. Pero mas gusto ko kasi yung mas mapayat. Dati kasi 45 ako. Eh ngayon 47 na ako. Syempre, chubby na ako sa tingin ko kahit hindi talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now