Unang Kabanata

43 2 0
                                    

The Diary

Ang buhay ay parang libro.

Ano mang gawin nating pagcover dito.... masisira at masisira parin ito.

Gaano man natin dahan-dahanin ang bawat pagbukas ng pahina nito.... mapupunit pa rin ito.

Pero alam mo kung ano ang maganda rito?

Ito ay ang mga istorya sa loob nito... at ang mga aral sa bawat pahina nito.

Gaano mang pag-iingat ang i-apply natin dito, alam nating mawawala ito pagdating ng panahon. Pero ang mga aral nito.... mananatili sa isip at puso ng mga nakabasa nito.

Huminto na ako sa pagsusulat at sinarado na ang Diary ko nung narinig ko ang bell. Hudyat na malapit nang magsimula ang Flag Ceremony. Ang mga tao sa bench ay nagsitayuan na. Ang iba naman ay nagsialisan na. 

Inayos ko na ang mga gamit ko. Tumayo na ako at nilagay sa braso ang mga libro ko kasama ang Diary ko. Mabilis akong naglakad. Hindi pwedeng malate ako sa Flag Ceremony! 

Sa sobrang bilis nang paglalakad ko, hindi agad ako nakahinto nang may lalaking humarang sa dinadaanan ko.

Ang ending, nagsalpukan kaming dalawa. Kaya lang mas worst yung nangyari sa akin. Paano, natumba lang naman ako at tumama ang pwet ko sa sahig. Samantalang yung lalaki parang wala lang nangyari. Oh diba, ANG SAYA!

Handa na sana akong singhalan yung walang hiyang lalaking bumangga sa akin kaya lang natigilan ako nang bigla siyang nagsalita "I'm sorry Miss." At inilahad niya yung kamay niya sa harap ko.

Holy Shit! That voice!

Inangat ko ang mukha ko at agad nagningning ang mga mata ko nang makumpirmang siya nga yung nakabunggo ko.

Shit! Yung Ultimate Crush ko.

Agad kong inabot ang kamay niya para makatayo. Pachoosy pa ba ako, ayan na yung kamay ng crush ko oh. 

Paghawak ko sa kamay niya... Emeged ang lambot. Major turn on!

Nang makatayo na ako ay pinagpagan ko yung uniform ko especially dun sa may pwet na part. Siya naman ay pinagpupulot yung mga libro kong nagkalat sa sahig. Nung nakuha na niya ang mga libro kong nalaglag ay agad niya itong inabot sa akin.

"Uhmmm I'm so sorry again for what happened." Then he gave me an apologetic smile. What the?   Langhiya! Bat ang gwapo niya? Lord God, bat ang gwapo ng nilalang na 'to?

"No-no okay lang. Sorry din nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin." Naku! Kung hindi lang kita crush kanina pa sana kita nasigawan. Pasalamat ka! 

"Sige una na ako ah!" Pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko na siya. Gusto ko mang manatili pa pero baka tuluyan na talaga akong  malate sa Flag Ceremony. Ayokong maglinis ng Campus 'no. Hindi bagay sa kagandahan ko ang maghawak ng walis o kaya ng mop. Mahihiya sa akin ang mga Janitor pag ganun.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla siyang magsalita.

"Oh wait! Sayo 'tong..... Diary?" 

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nanliliit ang mga mata at medyo natatawa.

Pinamulahan ako ng mukha. Siguro iniisip niya na old fashioned ako. Mabilis kong kinuha ang Diary ko mula sa kamay niya.

"Hi-hindi 'to Diary 'no. Planner 'to." Aishhh bat nauutal ako?

"Oh? Akala ko Diary." Ngumiti siya sa akin, ngiting nang-aasar.

"Hindi nga 'to Diary, Planner 'to" Napalakas tuloy yung boses ko. Aishhh baka naturn-off na siya sa akin.

"Chill! Hahahaha Planner na kung planner. Pero mukha talaga siyang Diary!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon