"I talked to Mr. Revusco a while ago, he's gracious."

"Really?"

"Hm-mm," kinuha ko ang cocktail drink para sana inumin ngunit mabilis na kinuha niya iyon sa akin.

"You shouldn't drink that! Kailan ka pa natutong uminom?" Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko saka yumuko.

I'm twenty one years old and still, sunod-sunuran pa rin ako sa kanila. I want to be an independent person but they didn't want me to be an independent. Gusto nila sila palagi ang kumukontrol sa buhay ko.

Umalis muna saglit si mommy at iniwan ako mag isa. Busy din si daddy sa pakikipag usap sa ibang businessman kaya naman loner ako rito. Bawal pa namang maglabas ng cellphone dahil 'yun ang usapan namin ni mommy. Siguro kung kasama ko ngayon si Jai ay hindi ako mabo-bored dito.

I gasped when someone talk behind me. I wasn't sure if he's talking to me but I think he is. I did not bother to look back at him. Itinuloy ko nalang ang pag inom ng lemon juice kahit labag sa atay ko. Isinusuka ko kasi ang lemon juice.

"Gab," a fammiliar tone said. Muli, ay hindi ako nag abalang lingunin ang pinanggalingan ng boses dahil alam ko na kung kaninong boses ang nagmamay-ari nito. Umalis nalang ako at inantay si mommy sa labas dahil malapit naman na kaming umalis.

Pagkauwi namin sa mansion ay agaran akong nagpalit ng damit. Iniisip ko kung anong hitsura nung panganay na anak ni Mr. Revusco. Is he handsome? Pero kahit na gwapo pa 'yon, attitude pa rin ang mas mahalaga kaysa sa looks.

Looks is important. But attitude is more important. Baliwala lang 'yang kapogian mo kung basura lang din 'yang ugali mo.

Busy ako ngayon kakagawa ng plates. Malapit na kasi kaming grumaduate, syempre, hindi porque malapit na grumaduate eh mag chill-chill nalang ako sa tabi.

Nagpaalam ako kay Jai para dumiretso sa lawfirm ni kuya Dave, pinsan ko. Ubos na kasi yung pera ko kaya mamumuraot muna ako sa kaniya. Ayaw ko kasing humingi kay mommy at daddy, iisipin nanaman nila na bumibili nanaman ako ng mga bagay na walang kwenta.

Nagstay muna ako sa labas ng office ni kuya bago ako maabutan ng secretary niya. Pinapasok niya ako sa loob ng office ni kuya.

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makitang may lalaking nakaupo sa swivel chair ni kuya. Nakaharap ito patalikod habang prenteng nakasandal sa upuan at may kausap sa phone. Nakatingin din ito sa magandang view ng buong city.

"Oh, yes, yes. About that, cancel mo muna kasi alam ko naman talagang gwapo ako at hot, pero hindi ako pumapatol sa bata. Gago, hindi ako child abuse." Napangiwi pa ako ng marinig ang mura niya. Hindi ko alam, pero kumukulo agad ang dugo ko sa kaniya. Napakahangin niya naman.

"Ewan ko d'yan kay papa. Ipagkakasundo ba naman daw ako sa bata," narinig ko pa ang tawa niya. Okay, inaamin ko na ang baritone ng boses niya at swabe siya tumawa, pero still, ang hangin niya pa rin.

"Siya nalang magpakasal, sabihin mo kay papa. Okay na ako kay Meghan, my loves," natatawa pa siyang pumihit paharap.

"Oo nga eh, bata pa kasi--- bata!" Nanlaki ang mata niya ng tumingin siya sa akin. He is looking at me like I'm a fucking ghost. Do I look like a ghost? Duh, sobrang ganda ko kaya!

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Pre, saglit lang. May batang naliligaw na nakapasok sa office ni Dave." Pinatay niya ang tawag at ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang cellphone bago tumingin sa akin.

Revusco Brothers #1: Playful DestinyWhere stories live. Discover now