56

276 36 3
                                    

Zab's Pov

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas gayung nag aagaw buhay si Yzabel ngayon dito sa Makati Medical Hospital at sobrang natatakot ako gayung baka may hindi magandang mangyari.

Samot saring komento na ang aking naririnig mula sa aking isipan at hindi talaga iyon nakakatulong sa akin.

"Alam mo namang lasing siya bakit mo pa siya hinayaang magdrive Amanda?!" Sigaw naman ni Daddy kay Amanda gayung sila ang magkasama nung mga oras na naaksidente si Yzabel.

Bale nakasunod siya sa sinasakyang sasakyan ni Yzabel gayung pupuntahan dapat nito si Cole upang pigilang umalis at iwanan siya sa pilipinas.

"T-tito I-im s-sorry" naiiyak na sambit nito habang patuloy ang pagpatak ng kanyang luha sa mga mata , ako naman ay napapapunas na lamang at tsaka lumapit na sa kinaroroonan nila.

"Anong magagawa ng sorry mo Amanda?! Kung may mangyaring masama kay Yzabel?! Huh ano?!" Sumbat niyang muli at napapahagulgol na lamang si Amanda sa labis na pag iyak nito.

"Hon tama na , hindi naman kasalanan ni Amanda ang nangyari kay yzabel eh kaya wag mo siyang sisisihin sa nangyari , walang may gustong may mangyaring hindi maganda sa kanya" pagsingit sa usapan ni Mom na namumula na ang mata dahil sa pagiyak at napili na lamang na hawakan si Daddy sa may bandang beywang para hindi na makalapit pa kay Amanda.

"Kayo dad!! Kayo ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan , kung hinayaan niyo lang sana siyang maging masaya at hindi inuna yang kapakanan ng kumpanya edi sana masaya siya at hindi nakahilata dyan?!" Sumbat ko gayung punong puno na din naman ako sa kanila , naaawa na ako kay Yzabel simula nung maiwanan siya sa puder nila Lolo at Lola at pati hanggang ngayon ay kailangan niya pa ding mag suffer at ang mas masakit pa ay sa kamay pa ng kanyang sariling magulang.

"Hindi masama ang alalahanin ang magiging future niya Zabrina?! Anong magagawa ng pagmamahal sa nagaganap ngayon? Sa tingin mo ba mabubuhay kayo kung walang pera? Trust me hindi!" Galit na galit niyang wika pabalik sa akin na ikinahawak ko na lamang sa aking bandang noohan habang patuloy na nagpupunas ng aking luha.

"Future nga ba namin ang pinag uusapan dito Dad? Buong buhay namin parang kayo na lamang ang nagdedesisyon sa buhay namin , Hindi ba puwedeng mag take a break din kami? At piliin yung nais naming tahakin sa taong pinakamamahal namin?" Naiiyak na sabi ko sa kanya , gayung hindi naman sana mangyayari ito kung sinuportahan niya lamang si yzabel sa nais nito.

Minsan lang hiniling ni Yzabel na maging masaya at ang nakakalungkot lang sapagkat hanggang ngayon ay hindi niya pa din makamtan ang ninanais niyang kasiyahan.

"Bakit Zab? Sinuportahan naman namin ang pagbubuntis mo? Pinilit naming hadlangan yung media na maaaring makaalam at sumira sa career mo?!" Panunumbat niyang muli sa akin na ikinailing ko na lamang dahil I can't believe na ibi bring up pa nila yung sa akin.

"Ayun nga Dad eh? Nagpapasalamat ako sa ginawa niyong iyun ngunit hindi na ako natutuwa na si Yzabel ang dinidikdik niyo sa lahat , Minsan ba tinanong niyo siya kung okay lang siya? Ni minsan ba tinanong niyo siya kung masaya pa ba siya? Hindi Dad kasi ang tutuusin niyan sarili niyo lamang ang iniisip niyo?!" Napahawak na lamang ako sa may bandang pisngean ko nang biglang makatanggap ako ng isang napakalakas na sampal mula sa kanya.

"Wala kang karapatan na sumbatan ako Zabrina sapagkat ginawa ko ang lahat para lang sa inyong dalawa! Nagmakaawa pa ako dati na tulungan tayo ng mga Alberto at ano? Ito lang ang isusukli niyo sa lahat ng sakripisyong ginawa ko?" Medyo naluluhang sabi niya at si Mom naman ay panay ang awat sa kanya upang hindi na niya ako muling mapagbuhatan ng kamay.

My Secret Lover Where stories live. Discover now