Chapter 45 - START OF THE HELL MONTH

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dito!" napatingin naman ako banda sa likod ng puso. Asus. Si Cloud lang pala.

"Oh napano ka? Bakit para kang nagtatago dyan?"

"Kailan kasi nating mag-usap ng patago."

"At dito mo talaga naisipan? Sa likod ng puno?"

"Oo, bakit? Okay naman ha."

"Sige sabi mo eh. Oh anung paguusapan natin?"

"Gusto ko sanang magpatulong."

"Magpatulong saan? Tulungan mo ko na matulungan si Cherry na mapalapit sa kanya si Sky."

"Ano?! Teka nga, diba gusto mo yun? E bakit ipagtutulukan mo ngayon sa kambal mo?"

"Humingi siya ng tulong sa akin. Hindi ko siya matanggihan."

"Kaya tutulungan mo siya sa halip na dapat ay sarili mo ang tinutulungan mo?"

"Ayoko siyang nakikita na nasasaktan." napatingin naman ako sa kanya.

*Sigh*

Ang lungkot ng itsura niya. Ganyan ba talaga pag nagmamahal? Mas gugustuhin na maging masaya ang taong mahal kaysa sa sarili nila?

"Oo na sige na tutulungan na kita."

"Totoo? Salamat Jesx!" sabay yakap niya sa akin

"At kailangan pa talagang manyakap?"

"Haha pasyensya na. Masaya lang ako."

"Halata nga. Oh siya akyat na tayo sa room."

"Sabay na tayo."

"Hindi, magpaiwan ka dyan."

"Haha joker ka talaga." sabay akbay niya naman sa akin ngayon. Pero ayos lag, ewan ko ba pero hindi naman ako naiinis sa lalaking to. Mas matino siya at hamak na may puso kaysa sa kambal niyang si Sky.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nasa loob ng mga room nila. Nasa loob na nga ng mga room nakukuha pang magsitingin dito, nagkaklase niyan sila.

"Wow! Nakaakbay talaga?" pagloloko ni Lhei sa amin ni Cloud

"Aba bro! Close kayo?" tanong naman ni Eli kay Cloud

"Oo bro, close na kami nitong si Jesx. Diba si Jesx?" nakangiti pa niyang sabi

"Oo naman." nginitian ko rin siya. Kulit din nito eh. Haha

*BLAG*

"Oh napano ka Sky?" tanong ni Yvo pero hindi siya pinansin nito. Bigla kasi siyang tumayo at natumba ng malakas ang upuan niya.

"Tabi nga dyan! Harang-harang kayo!" sigaw ni Sky ng makalapit sa amin at oo dumaan siya sa gitna namin ni Cloud

"Problema nun?" tanong ni Cloud

"Lakas talaga ng topak ng kambal mo."

"Mainit nanaman ulo niya."

"Lagi naman eh. Bakit kaya hindi mo itry na bigyan ng konting kabaitan yan?"

"Mabait naman yan, moody lang."

"Baka menopause na."

"Baka nga." tsaka kami sabay napatawa ni Cloud. Masaya palang kasama ang isang to. Hahaha

Maya-maya lang inexcuse kami sa klase ng Principal kasi may study lessons kaming mga Moronsx para sa darating na competition.

Gaya ng dati, quiz bee nanaman. 7 members per group. Saktong sakto nga kami eh. Kung bakit seven? Seven din kasi ang mga subjects na included sa quiz bee.

Nakakapagod na ang mga ganito dahil nakakatuyo ng utak.

Naglunch lang kami saglit tapos balik nanaman sa pag-aaral.

*RIIIIIIINNGGGGGGGGGG* yan ang pinakahihintay namin!

"Okay, tomorrow naman ulit." sabi ng teacher namin

"Okay po Ma'am. Good day." tapos umalis na kami

"Hanggang bago competition ganito tayo?" tanong ni Micah

"Oo, hindi ka na nasanay."

"Ako rin yata di na masasanay." sabi naman ni Lhei

"Wednesday na bukas." sabi naman bigla ni Aliss

"Aish!" sabay-sabay naming nasabi. Bakit? Bukas na kasi kami magiistalk ulit sa mga gangsters na yun. Ayaw man naming mapagod noh? AYAW! Tss.

Paglabas namin ng school, ayun at naghihintay pala labas si Nick, naghihintay din si Cliff, ganun din si Lei, at pati si Dustin? Aba at kasama nila to.

Napansin nila kami agad at nagsilapitan na sa mga kanina nilang hihintay. So ganun? Sa kanila lang may naghihintay?

"Nakakayamot dito!" sabi ni Daryll

"Korak!" pagsang-ayon naman ni Aliss

Sa akin naman ayos lang kahit walang naghihintay. Ang mahalaga walang istorbo, nakakapagod na kaya ang mga pinagkakaabalahan namin ngayon. Ayokong may dumagdag pa sa mga pinakakaabalahan ko.

"Jesx!"

"Wala naman tumatawag sa akin diba?"

"Meron. Wag kang bingi dyan." sabi ni Aliss

"Sino?"

"Ayan oh." sabay turo ni Daryll kay Cloud

"Jesx!"

"Oh napano ka?"

"Bukas ha. Tulungan mo ko. Ito number ko." sabay abot niya sa akin ng papel na may number niya

Naku naman! Kakasabi ko lang na ayaw ko ng pandadag sa pinagkakaabalahan ko eh. Aish! Kung bakit kasi pumayag pa ako. >_< 

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon