Chapter 2: First Day (Part 2)
Era's POV
Naandito parin ako sa kama naka tunganga lang habang naka tingin sa ceiling ng kwarto.
"So ganito lang pala gagawin ko tuwing sabado't linggo" sabi ko sa sarili at nag pout.
"Tss" rinig kong sabi ng mooding lalaki sa kabilang part ng divider.
"Ba't ba napaka moody mo?! Kanina lang bati tayo ah?!" sigaw ko sakanya, "Tss, wag ka ngang maingay kung ayaw mong matulog mag-patulog ka!" sigaw nya pabalik sakin.
Ganyan ba sya magpaantok nag susungit? Psh lang talaga Pshhhh.
Mga ilang oras rin ang nakakalipas ng naisipan kong mag hugas ng katawan, para naman may magawa ako tsaka 12:00 na din ng tanghali kaya medyo mainit na kahit naka-aircon.
"Hoy babae mamayang 12:30 bababa para kumain, kaya mo naman na siguro yun noh?" sabi nya habang naandun parin sa kabilang dulo ng divider habang ako inaayos yung mga gamit ko, "Oo kaya ko" tipid kong sagot.
"K" rinig kong sabi nya.
12:20 na ng matapos akong magayos at mag hugas ng katawan, habang nasa c.r ako narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya naman nalaman ko na umalis na si Flame ng kwarto.
Agad akong bumaba sa kwarto hanggang sa First floor at hinanap ang dining area, may nakita naman akong mga estudyante na patungo sa iisang daan kaya naman sumunod na lamang ako sa kanila para dinako mahirapang mag hanap.
Nang makarating kami sa gitna ng hallway ang daming mga estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng isang malaking pinto na hindi pa bukas.
"Anong oras na ba?"
"12:26 palang eh, tsk ang booring"
"Sabi sayo dapat di muna tayo umalis ng dorm eh"
"Eh kasi naman isasarado na yung pinto pag yung lahat na ng nakaabang eh nakapasok na"
Rinig kong sabi ng marami, kaya pala, buti nalang bumaba na ako agad.
"Uhmm hi bago ka?" nagulat na lang ako ng may biglang babae na kumalabit saakin at kinausap ako.
"Ah oo eh, ikaw?" tanong ko, "Bago lang din, malas nga eh lalaki pa naka roomate ko buti na lang may divider" sabi nya habang nakangiti, "Ako nga din eh suplado pa" sabi ko sakanya na naging dahilan ng pag tawa nya.
"Nga pala ako si Sophia, Sophia Evangelista" at tinapat nya sakin ang kaliwang kamay nya na para bang makikipag shake hands, "Era, Era Velenia" sabi ko habang nakangiti na nakipag shake hands di naman tumagal yung shake hands kasi bumitaw kami pag tapos ng tatlo shake.
"Anong special ability mo?" tanong nya, "Earth and Air" sagot ko naman sa tanong nya.
"Oh! Really?! So you're one of us?! yieeeee!" sigaw nito, tumingin naman ako sa paligid namin yung iba napatingin saamin tas yung iba dedma lang, "Uhmm.. I think so? Eh ikaw?" sabi ko.
"Water" sabi nito habang nakangiti. Mamaya maya pa bumukas na ang pinto na syang ikinatuwa ng marami saamin, "Haay sa wakas, ano tara? Sabay ka na saakin" yayanito saakin.
Pumayag nalang ako wala din naman akong makakasabay eh. "Tara dito tayo" turo niyo sa isang table for two, "Antayin mo lang ako kuwa lang ako ng pag kain tas pag tapos ko ikaw naman, baka kasi maagawan tayo ng pwesto" pagkasabi nya nun agad na syang umalis at pumunta sa usang mahabang table kung nasaan ang mga pagkain.
Tumingin tingin ako sa paligid para hanapun si Flame.
>.>
>.>
Agad ko syang nakitang mag-isa malapit sa bintana, nag silbi kasing pader yung babasagin na salamin nanagsilbi ding bintanakumbaga glassed or see through wall kung tawagin, naandung part din kami nakaupo kaya naman nakita ko sya agad mga limang table lang naman ang pagitan namin.
Bale eto yung itsura.
llllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
l_l l_l l_l l_l l_l l_l l_l
Nakatingin lang sya sa kawalan parang ang lalim ng iniisip.
Bigla namang pumasok sa isip ko ying training bukas, "Hindi kaya ikamatay ko yung training na sinasabi nilang yun?" tanong ko sa sarili, nakakatakot kasi eh kinakabahan talaga ako.
Nawala naman agad ang kaba ko ng pumasok sa isip ko yung sinabi ni Sophia.
Oh! Really?! So you're one of us?! Yieeeee!
"Kasama ko sya, at bago lang din sya sa school kaya may ka damay ako" pagpapakalma ko sa sarili.
"Oh! Era ikaw na oh! Nainip kaba sorru kung natagalan tsaka iintayin nalang kita sabay tayo kain" sabi ni Sophia, "Ah hindi naman ako nainip, pwede kana din namang kumain kung gusto mo di mo na ako kailangang intayin".
"Ah basta aantayin kita, sige na baka maubusan ka." nginitian ko na lang sya at dumiretso sa table ng mga pagkain.
Pagkatapos ng ilang oras tapis na kaming kumain ni Sophia at syempre may konting kwentuhan din, nalaman ko din na room 205 sya di na nagkakalayo yung toom namin kaya pwede kaming bumisita sa bawat kwarto ng isa't isa.
"Haay salamat naka balik din" sabi ko habang binubuksan ang pinto sa may divider.
"Wala paba yung isang yun?" simula kasi nung makakain kami diko na sya tinitignan, pinakiramdaman ko naman yung wall na humahati sa kama namin, mukhang wala pa sya.
Nahiga muna ako sa kama at tumunganga ulit.
Habang nakatunganga naman ako narinig kong bumukas ang pinto kaya agad akong napatayo ewan ko ba kung bakit basta parang may kakaiba.
Pinakiramdaman ko naman kung saan papunta si Flame kung si Flame nga yun.
Tumungtong ako sa kama para matanaw kung sino ba yung pumasok.
O_O
"Oh god" pabulong kong sabi sa sarili para di ako marining nag pumasok na may kinakalikot sa isa sa mga drawer sa study table ni Flame.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi si Flame yun.
