Chapter 1

1.7K 46 20
                                    

"Ano ba 'to? Paano 'tong dimension dito, Liz?" tanong ni Zoe kaya tumingin ako sa papel na tinuturo niya.


"Putahamnida." Napakamot ako sa ulo kaya tinawanan niya ako. "'Yung isometric kasi 'yung unahin mo bago 'yung dito," natatawang sagot ko habang may tinuturo sa plate niya. Grabe, nakaka-bobo na 'to.


Our prof gave us his time for us to finish our plates. Umulit ako dahil mali ang pagkakasulat ko. Imbes na Plate Title ang isusulat ko, nakulangan ng letrang L sa salitang Title ang naisulat ko kaya naging...tite.


Zoe stretched her arms and yawned. "Ang bilis ng panahon 'no? 1st year college na nga tayo."


I nodded. Ang bilis nga ng panahon. Parang kailan lang nagtatayaan pa kaming tatlo nina Naomi at Zoe sa pogs. Ngayon, tamang color-color kami ni Zoe sa mga dinrawing namin. Si Naomi naman, naduduling na sa mga numbers na sino-solve niya. Binigay na namin ni Zoe 'yung plates namin sa prof nang matapos kami. We waited for Naomi outside the room so that we could go to the cafeteria together.


"Alam niyo ba si ano..." Agad silang lumingon sa'kin nang magsalita ako. Mga tsismosa nga naman. "Wala." Tumawa ako. "Globe 'yung SIM niyo sa phone 'di ba?"




"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ng dalawa.


Tumawa ako nang mahinay. "Akalain niyo 'yon? Globe 'yung SIM niyo pero hindi kayo ang mundo ng crush niyo."


Matagal nila akong tinignan, parang hinuhusgahan ako. I bit my lower lip to stop my laugh. Dumating pa sa punto na lumalaki ang butas ng ilong ko dahil sa pagpigil ng tawa.


"Soleil Luziana Romero," Naomi called me with a resting face.


I raised my eyebrows and gave them a questioning look.


"Buti na lang maganda ka," sabi niya at umiiling-iling kaya natawa kami ni Zoe. Bumili na kami ng pagkain at umupo.


"Tignan niyo 'to, oh." Pinakita ni Zoe 'yung phone niya sa'min. "Looking for babaeng taga-UST. Isang daan na 'yung crush namin ni Naomi kaya ikaw na 'to, Liz!"


Kumunot ang noo ko. "Ba't ako?"


"Ay! No, no, no." Iniling ni Naomi ang hintuturo niya. "Meron na akong kilala para kay Liz."


Mas lalong kumunot ang noo ko. "Huh? Sino? Tsaka bakit ako—"


"Uy, uy." Mabilisan akong kinalabit ni Naomi habang nakatingin sa lalaking dumaan sa table namin. O, napano 'yon?


Siya 'yung Salutatorian namin dati, ah. Atsaka, hindi ba siya 'yung nakasama ko dati sa library noong nag-brownout? Kung siya man 'yon, napakasungit niya! Hindi ko rin alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya. Halos mabaliw ang mga babae kapag nakikita siya.


"Crush mo 'no?" asar ko kay Naomi.


"Ew! Hindi 'no." Inirapan niya ako. "Baka siya na 'yung para sa'yo. Hashtag, nasa blockmate ang true love." Tumawa sila ni Zoe.


I scratched my head and sighed. 'Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at tinuloy ang pag-kain. Pumunta kami sa Megamall nang matapos ang klase.


Return of the SunWhere stories live. Discover now