Paglabas ko ng Campus ay pumara nako tricycle para ihatid ako sa paradahan ng jeep. Medyo mabilis lang ang byahe kaya nakarating ako agad. Sumakay ako sa Jeep papuntang San Juaquin.

Pagpasok ko sa Jeep, umupo ako sa dulo para mabilis akong makalabas. Naghihintay yung driver Hanggang sa mapuno ng pasahero yung Jeep.

May pumasok na matangkad na babae,maputi at maganda. Naka uniform pa siya at naka ponytail. Umupo Siya sa tabi ko. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya ako. Nahiya ako bigla kaya ngumiti ako pabalik.

"Hi! Sa Imperial Academy ka nag aaral? " Tanong niya sakin nang nakangiti.

"Uh..yeah..Ikaw saan ka nag-aaral?" Tanong ko din sa kanya.

"Sa San Juaquin Senior High School.."

"Huh? Bat ka nandito kung ganun? Doon pa sa San Juaquin school niyo Diba?.." Nalito ako sa sinabi niya. Hindi ko Kasi alam ang uniform ng mga student sa San Juaquin.

"Galing kasi ako sa School niyo, pununtahan ko Yung kaibigan ng pinsan ko para kausapin.." explain niya sa akin.

"Oh..I see.." maikling sagot ko.

"By the way, I'm Nile.." sabi niya at naglahad ng kamay. "And you are?"

"Gabb, I'm Gabb.." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Medyo matagal ang byahe kaya nag-usap muna kami ni Nile.

Nang makababa na ay sumakay Naman ako sa Tricycle para ihatid ako sa village namin.

I start cleaning myself when I went home. Payapang nag-iisip habang nakahiga sa kama. I will stay away from her starting tomorrow. Sububukan ko.

COLEEN'S POV:

"Bat wala si ate Gabb?" Tanong ko kanila ate Brei nang makita silang nag tatawanan sa Cafeteria Kasama sila Laney, Amy at Jaydee.

"Ah..ehh.. Hindi daw Siya makakasabay ngayon mag lunch Kasi may gagawin pa daw siya." Sabi ni ate Brei hindi maibaling ang tingin sa akin.

Umupo nalang ako sa gilid at sinabayan silang kumain. Medyo nanibago nga lang kasi hindi ako sanay na hindi Kasama ni ate Brei si Gabb. Masyado sigurong importante yung ginagawa ni Ate Gabb kaya hindi siya makakasabay kumain.

Natapos na ang lunch at bumalik na kami sa kanya-kanya naming room. Boring magturo yung teacher namin kaya inantok ako. Nakatulog ako kaagad pagkauwi ko sa Bahay.

Kinabukasan, ganun parin. Hindi ulit nakasabay si Ate Gabb kumain. May importante pa daw siyang gagawin Sabi ni Ate Brei. As expected, umupo ulit ako sa tabi nila at nagsimula na rin kumain. Mamaya may lakad kami ni Josh dahil inimbita niya akong manood ng basketball nila. Syempre hindi ako tatanggi haha.

Naging Masaya ang araw na toh lalo na't nanalo sa basketball ang Team nila Josh. Nagyaya silang kumain para narin i-celebrate ang pagkapanalo nila. Niyaya ako ni Josh na sumama kaya sumama na din ako.

"Uyy! Josh si Coleen Yan Diba? Girlfriend mo na? Swerte naman nakabingwit ng maganda!" Sabi ni Pablo, Teammate ni Josh.

"Hindi ko pa sya girlfriend.." sagot naman ni Josh kay Pablo.

"Pa? Hindi pa?..pero malapit na?" Birong Sabi ni Pablo. Nagtawanan silang lahat at umiling- iling naman si Josh habang tumatawa. Nakitawa nalang ako. Medyo nahihiya pa sa mga kagrupo niya.

Dumaan ang mga Araw at hindi parin sumasabay si Ate Gabb sa amin mag lunch. Hindi ko rin Siya nakikita o nakaka salubong man lang.

Hindi parin ba niya tapos yung importante niyang ginagawa? Mahigit Isang linggo na ah..

Kasabay ko ngayon sila ate Brei, Amy, Jaydee at Laney sa Cafeteria kumain. Nagtatawanan sila habang kumakain.
Kinalabit ni Ate Brei si Amy at may sinabi.

"Dalhan mo si Gabb ng pagkain after natin mag lunch. Hindi pa kumakain yun." Sabi ni ate Brei. Medyo mahina ang pagkakasabi niya pero sapat para marinig ko.

Saktong tapos na ako kumain kaya nag volunteer ako na ako nalang ang mag bigay ng pagkain. "Ako nalang ate Brei. Tutal, tapos naman na ako kumain."

"Ah-eh hindi pwede! I m-mean... si Amy nalang.." natatarantang Sabi ni Ate Brei.

Kumunot ang noo ko. Nalito kung bakit ayaw ni Ate Brei na ako ang maghatid ng pagkain."Hindi pa tapos kumain si Amy ate... tsaka baka gutom na yun si Ate Gabb kaya ako nalang magdadala para makain niya na.."

"Kasi ano...uhmm.. hindi pa-ahh baka busog pa yun.." hindi mapakaling sabi ni ate Brei.

Naguluhan ako sa sinabi ni Ate Brei. Busog pa pero Sabi niya hindi pa kumakain Pati sila Laney, Amy at Jaydee ay naguluhan din.

"Hindi Naman big deal kung si Coleen ang magbibigay ate Brei.." Ani ni Laney.

"Kaya nga... Tsaka di pa tapos kumain si Amy. Kay Coleen mo nalang ipadala para makain ni Gabb nang mainit pa" Sabi Naman ni Jaydee.

"Hindi nga pwede!" Sabi ni ate Brei. Nagulat kami sa sinabi niya at pati Siya ay nagulat din. " Kasi nga ano... Sabi sakin ni Gabb si Amy na daw magdala.."

"Bakit hindi pwedeng ako Ate?" Tanong ko kay ate Brei.

"Hindi sa hindi ka pwede...c-classmate Kasi ni Amy si Gabb kaya siya napag utusan.." Sabi ni ate Brei at parang kinakabahan. Mas lalo akong ginanahang puntahan si Ate Gabb para ibigay sa kanya yung lunch niya. Parang may Mali talaga sa kinikilos ng dalawa at tsaka Bakit hindi pwedeng ako magdala? Ate Gabbobi talaga...

"Ahh..ganun?.." Sabi ko at mabilisang kinuha yung pagkaing nasa lamesa na ibibigay nila kay Ate Gabb. "Ako na magbibigay ha?!"

"HOY COLEEN! ang kulit mo talagang Bata ka!" sigaw ni Ate Brei. Medyo malayo nako sa kanila dahil sa mabilis kong takbo.

Bahala nang ma-appendix basta hindi nila ako mahabol.

Agad akong nakapunta sa room nila ate Gabb at Wala ni isang tao pagka silip ko.

"Mukhang Wala Dito si ate Gabb.." bulong ko sa sarili.

Napagdesisyunan kong pumasok sa loob at Iwan nalang sa upuan ni Ate Gabb ang Pagkain niya. Agad kong hinanap ang bag ni Ate Gabb sa harapan, at gitna ngunit wala. Nang mapunta na ako sa likuran ay may Nakita akong babaeng nakatungo sa armchair mukhang natutulog.

This must be ate Gabb..

Lumapit pa ako ng kaunti para mamukhaan siya. Nakilala ko ang bag niya pagkalapit ko.

Bakit natutulog toh? Pagtulog ba yung importante niyang ginagawa tuwing lunch?

Lumapit ako at umupo sa katabi niyang upuan. Nilapag ko sa armchair yung pagkaing niya. "Ate Gabb? Ate Gabb gising na..." Malumanay na Sabi ko at dahan-dahan siyang niyugyog.

Tumagilid ang kanyang ulo kaya nakaharap na sya sa akin ngayon. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya ako, bigla siyang nagulat.

"Coleen! b-bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ni Ate Gabb.

"Ibibigay ko Sayo to..." Sabi ko sabay lahad ng pagkain sa kanya.

"A-ahh..Si Amy? San Siya? Bakit hindi sya yung nagdala?" Tanong ni Ate Gabb. Bakit ba big deal sa kanya kung sino magdadala ng pagkain?

"Hindi pa sya tapos kumain.." maikling Sabi ko.

"Ahh ganun? Si Jaydee o di kaya si Laney, bakit hindi nalang sila yung nagdala?" Tanong ulit ni Ate Gabb.

Sa puntong iyon nasagot ang mga katanungan na kanina pa gumugulo sa utak ko. Huminga ako ng malalim at Seryosong tumingin sa kanya.

"Ate Gabb iniwasan mo ba ko? Nilalayuan? Bakit ok sayo kapag sila yung magdadala ng pagkain pero pag ako hindi?" Tanong ko kay ate Gabb na ikinagulat niya.

♦♦♦♦♦

Hi guyz! Ito na yung Chapter 2. Sorry kung late update. May Moving up ceremony preparation Kasi kami hehe. Sana magustuhan niyo yung Chapter 2 <3

•BIGZSOSEXY•

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now