47

226 23 6
                                    

Amanda's Pov

Pinagmamasdan ko lamang sila ni Yzabel sa ngayon na masayang nagba bonding ni Cole , Naaawa ako gayung alam ko na ang kalalabasan nito.

Dahil sa pagmamatigas ni Yzabel ay maaaring mawala sa kanya ang lahat na siyang ikinakatakot ko gayung maling kinalaban nito ang Alberto na main source ng investment nila Tito at ang nagpapalaganap ng business nila internationally at kapag wala ang tulong nila ay kusang babagsak ang kompanya na matagal nang iniingat ingatan nila Tito at Tita at pati na din nila Dad.

"I know na you'll support Yzabel with this Amanda but let me tell you lang na yang kasiyahan niya ay magdudulot ng hindi maganda sa ating pamilya" pagpapaliwanag sa akin ni Dad gayung kasama ko siya na pinagmamasdan si Yzabel.

It's been a while since nakita ko siyang ganyan kasaya kasama ang taong minamahal niya nang tunay , Mabait si Yzabel at sobrang party girl ngunit biglang lumiwanag ang awra niya nung nakilala niya si Cole.

Yung tipong parang tumino siya ngunit yung ugali niya ay baluktot pa din naman pero kaya nang pagtiisan iyun.

"I know dad , It's Cole decision na din kung ano nga ba ang mas angat sa kanya. Kung pipiliin niya nga ba ang ikakabuti ni Yzabel or ang pansariling kasiyahan niya lamang na makasama si Yzabel" turan ko , I know naman na yung offer na ibinigay kay Cole gayung narinig ko sila na nag uusap kanina nung akmang papasok sana ako ng condo nila sapagkat may naiwanan ako.

"Do you think na kaya niyang iwanan si Yzabel para lamang maging masaya on the other hand si Zab?" Tanong naman ni Daddy at napabuntong hininga na lamang ako , For sure na she'll let go of Yzabel gayung hindi makasarili si Cole.

At kung ako din ang nasa puder niya? Mas pipiliin kong masaktan para lamang mabuo yung pamilyang nasira dahil sa akin din mismo.

"I'm scared that yz will be hurt after this , but alam ko namang kakayanin niya itong biggest heartbreak niya" wika ko na lamang , Sa inaakto ni Cole ay malamang sa malamang inihahanda niya na yung sarili niya na iwanan si Yzabel.

"Be there for her Amanda. I wanted to help them also pero pag nalaman ito ni bayaw ay natitiyak kong mananagot ako" saad naman ni Daddy , naiintindihan ko naman yung pinupunto niya sa ngayon gayung ibang iba ang ugali ni Tito kumpara kay Mom.

"I think wala na tayong magagawa roon daddy , it's between the two of them if they'll keep fighting until the end" malungkot na saad ko gayung kahit anong gawin ko ay wala akong maitutulong kay yzabel.

Maybe being there for the meantime when the time comes na iwanan siya ni Cole ay makatulong sa kanya kahit papaano.

Yzabel's Pov

Tapos na kami maglandian ay este magbasaan ni Cole sa beach kung kaya'y naisipan naming magbihis na muna at kumaing muli , medyo sumigla na din siya kumpara kanina.

I don't know kung ano man ang iniisip niya gayung kahit subukan kong kamustahin siya ay hindi ko naman malaman laman ang takbo ng isipan niya sapagkat lagi niyang sinasabi na okay lamang siya.

"Let's go na? I have something na ipapakita sa iyo kaya we need to go na yzabel" wika naman nito at tsaka tumayo na at lumapit siya sa akin.

Mag gagabi naman na kung kaya'y hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"San tayo pupunta ngayon?" Takang tanong ko naman ngunit nginitian niya lamang ako saka hinila na ako palabas ng lugar kung saan kami kumakain.

Naglakad lakad lang kami hanggang sa dumating kami sa sasakyan na siyang pinagbuksan siya , it was my car ano kayang binabalak niyang gawin ah?

"You will know kapag nandun na tayo kaya , spend your time with me for now. Cause tomorrow I don't know if I'll be there for you "  wika nito , kagaya kanina ay parang may binubulong siya sa panghuli na hindi ko naman marinig.

"Okay as long as you're with me kahit saan man tayo pumunta ay handa akong tahakin iyun" masayang sabi ko naman at tsaka hinalikan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking mga kamay sa ngayon.

Napangiti naman siya at binawian ako ng isang matagal na halik sa may noohan.

"I love you!" Wika nito sa akin , nakakapanibago din yung panay niyang sabi sa akin na mahal niya ako which is hindi naman na dapat bago pero parang may kakaiba lang kasi ako na nararamdaman eh.

I don't want to overthink gayung sawa na ako roon pero kinakabahan talaga ako sa ikinikilos niya sa ngayon.

Nabalik naman ako sa wisyo nang biglaang magsalita ito habang nakapout pa na ikinacute niyang tignan.

"Nasaan ang I love you ko yzabel? Hindi mo na ba ako mahal? Aminin mo aminim mo?!" Pag iinarte nito sa akin habang patuloy sa pag act na para bang batang inagawan ng lolipop

"Hindi sinasabi ang I love you kundi dapat ipinaparamdam sa taong mahal mo yun Cole" saad ko sa kanya at minamanmanan ang kanyang magiging reaksyon at hindi naman na ako nagtaka gayung naging seryoso siya kaagad.

"Uhm I guess you're right. But still I wanted you to say it sa harap ko since baka ito na yung  last time na maririnig ko iyan " wika niyang ulit na ikinakunot ng noohan ko gayung nag mumurmur na naman siya ng bagay na hindi ko na naman naririnig.

"Can you stop murmuring on something lang ah? Tell me if ano yun directly" singhal ko naman sa kanya ngunit napailing naman siya sa akin at tsaka binigyan na lamang ako ng isang mahigpit na yakap , yung yakap na kala mo pang huli na niyang gagawin.

"Wala , kuntento na ako sayo yzabel. Ikaw ang tinatangi ko at ang taong nagpapasaya sa akin. Gusto kita , gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda. So wait for me until the right time comes for the both of us " kung alam mo din Cole na wala din akong ibang hinangad kundi ang mahalin nang ganto kung kaya'y hindi ko man masabi sa buong mundo na mahal na mahal kita ay saksi naman ang panginoon sa itaas kung gaano ko hiniling na maging tayo hanggang sa huli.

"Then let's make it happen Cole?! Marry me , kahit bukas pa yan ay papayag ako. Just to make sure lang na we'll end up together na talaga" paladesisyon kong wika na siyang ikinangiti niya na lamang ng mapait at hindi na siya umimik pa dahil roon.

"Cole?!" Tawag ko sa kanya at may mumunting luha na talaga sa aking mga mata not until nung hinila niya ako papalapit sa kanya at tsaka isiniil ng halik.

Halik na mararamdaman kong may lungkot at may halong pagmamahal , mixed kumbaga ngunit mas napi feel ko yung pintig ng puso niya na kay bilis.

My Secret Lover Where stories live. Discover now