DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imaginations or used in a fictitious manner.
Enjoy reading.
...
"No."
Bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko. Tinignan lang ako nito at bumugtong hininga.
"What? I thought you felt the same way." kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Na may gusto ka saakin?" dagdag niya.
"Huh?" nagtaka ako sa kaniyang sinabi. Nonsense! paano ko siya magugustuhan?
"Lagi mo kong hinahanap after class, tapos lagi tayong magkakasama." gusto kong tumawa sa sinasabi ng lalaking ito.
"What do you mean? We're groupmates. Malamang kailangan ko ng tulong sa research, hindi lang naman ikaw nakakasama ko. I don't feel the same way, sorry." ngiti ko sakaniya at tumayo sa inuupuan ko, hindi na ako nagpaalam sakaniya. Ang awkward na kasi eh! Baka kung ano na naman sabihin nya.
"Anong nangyari madam?" nakasalubong ko si Clay. Hindi ko ba alam pero bakit ang dali-dali sa iba umamin? Pinakitaan lang ng konting atensyon, akala gusto na.
"Ewan ko teh! Ako na nga sumasalo ng part niya sa research, aamin pa siya?"
Like totoo? Hindi ko naman siya type.
"Okay naman siya ah! Oh diba gusto mo ng basketball player? Yummy!" anong sinasabi nitong kaibigan ko?
"Ang asim te! Kadiri ka." komento ko sakaniya.
"Huwag nga ako! Parang hindi ka nagkagusto sa basketball player." sus! pinaalala na naman. Kailangan talaga masakal ko na babaeng ito, kung anu-ano na nalabas sa bibig. "Na-offend ka ata?" dagdag niya.
"Gaga hindi, atsaka bakit ka ba nandito? Wala ka bang klase?" parang walang pinapasukan na klase 'to ah? Sa lahat ng kaibigan namin, siya lang ang madalas kong nakikita sa campus. Pumapasok pa ba 'to?
"Meron. Oo nga pala teh, sasama ka ba sa fieldtrip?" napairap ako. Paano ba naman, ang gastos sa fieldtrip na 'yan? Ano ba tingin nila saakin? Mayaman?
"Ayoko." napatigil siya sa paglalakad at dumiretso ng tingin saakin. "Anong ayaw mo? Wala akong kasama! Bukas na iyon." baliw ba 'to? Naglakad uli ako habang siya naman ay sinusundan ako.
"Ano ka bata na kailangan pa samahan? Atsaka ayoko, kulang allowance ko ngayong month." Ang dami kong ginagastos sa dorm, dadagdag pa 'yon? Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makadaan kami sa cafeteria. Nakapila lang kami para bumili ng food.
"Libre kita pang fieldtrip." saad ng kaibigan kong si Clay. Tumingin ako sa gawi niya. "Gaga! 2k 'yon. Ang yaman mo naman." oo nga pala, mayaman nga pala 'tong kaibigan ko. Pero, no! Pera niya iyon. Wala naman akong pake sa fieldtrip na 'yan. Pupunta kami ng museum sa makati pero need ako doon since photojournalist ako ng school namin.
"Ano iyo ate?" ay ako na pala nasa harap ni ateng cashier. "Ate may menudo kayo?" tumango ito at nagbayad ako. Umupo lang kami ni Clay sa bench sa labas ng cafeteria habang kinakain 'tong menudo na in-order ko.
"Sige na oh! Samahan mo na ako, may ibang taga school din kaya! Baka makahagip ako ng pogi at nandoon sina Rhianne. Minsan na nga lang tayo magkakasama sa sobrang busy nila." sabagay, plus points din kapag sumama ng fieldtrip sabi ni prof.
"Ang tagal mo naman Sel." iritang sinabi ni Clay saakin.
Kanina pa niya kasi ako hinihintay sa labas ng dorm ko. Sumakay na ako sa kotse para makadaan na kami ng campus. Medyo madaldal si Clay, may nakilala kasi siya sa bar kagabi. Nakalimutan niya tanungin kung ano name. Kanina pa niya bukambibig, naririndi na ako.
ESTÁS LEYENDO
Fate's Weekly Reminder
RomanceAfter a year of no contact, Sel unexpectedly crosses paths with Anthony, her old flame, during a school field trip. What should've been an ordinary academic event turns into a whirlwind of emotions and surprises as fate seems to push them back into...
