PROLOGUE

16 0 0
                                        

May mga pag-ibig na pinapangarap. May mga pag-ibig na pinaglaban. At may mga pag-ibig na hindi kailanman dapat magsimula.

Lumaki akong naniniwala na sapat na ang pangarap at pagsisikap para maging masaya.
Na ang mataas na grado, tahimik na buhay, at sariling mundo ay sapat na kapalit ng isang bagay na kailanman ay hindi ko naranasan—isang ama.

Ako si Chiara Aviela Valdez. Isang babaeng mas piniling mag-aral kaysa magmahal, mas piniling manahimik kaysa mapansin. Hindi ko kailangan ng atensyon. Hindi ko kailangan ng romance. Iyon ang akala ko.

Until he walked into my life.

Isang ngiti na kayang guluhin ang maayos kong mundo. Isang pangalan na ayaw ko sanang matandaan. Zekeian Jace Sarmiento—isang lalaking kabaligtaran ko sa lahat ng bagay.

Sa mundong ginagalawan namin, hindi lahat ng pag-ibig ay pinapayagan. Hindi lahat ng damdamin ay pwedeng sundan. At hindi lahat ng tibok ng puso ay may karapatang ipaglaban.

Ano ang gagawin mo kapag ang taong minahal mo ay ang taong hindi mo dapat mahalin? Kapag ang pamilya mo ang unang hahadlang?
Kapag ang buong mundo ay nagsabing mali ang nararamdaman mo?

Kung ang pag-ibig ay isang kasalanan—handa ka bang magmahal pa rin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tangled in ForbiddenWhere stories live. Discover now