Sa mundong ginagalawan ng lahat, iisa lang ang sigurado, iyon ay ang pag babago.
"Listen, your daughter marry my son and I'll lift your family from poverty"
Isang katahimikan ang namuo sa pagitan ni Nanay at ni Doña Ciera. Mag kasiklop lang ang kamay ko habang nakikinig sa kanila. Panay ang kagat ko sa labi ko at halos dumugo na iyon sa diin ng pag kagat ko
"Sinabi kona sa iyo Doña Ciera, hindi nabibili ng pera ang dignidad ng anak ko, ng pamilya ko" matigas na sabi ni Nanay at hinila ang kamay ko
"Eto ang huling beses na maririnig ko iyan sa inyo, dahil hindi kona papalagpasin pa ang nga susunod" galit na sabi ni Nanay at hinatak ako palabas ng mansion mga Flores
"Well you must think about it Eva!" Pahabol ni Doña Ceira bago kami makalabas ng kanilang malawak na mansyon
Isa ang mga Flores sa mayamang pamilya dito sa Baler. Marami silang pag aari at isa na don ang pinag tatrabahuhan kong resort.
"Ilang beses ko bang kailangan ulitin sa iyo Rin na umalis kana doon sa Casa de Flores para tigilan kana ng hibang nyang anak" singhal ni nanay sa akin ng makapasok kame ng bahay
"Ano nanaman nangyare?" Si kuya na kalalabas lang ng kwarto
"Iyang Ciera na iyan, binubulag nanaman ako sa pera! Anong akala nya papayag ako na pakasalan ng anak ko ang hibang nyang anak? Kanila na ang pera nila!"
"Nay, ma hihighblood nanaman kayo nyan" sabi ko at hinawakan ang braso ni Nanay. Yumakap ako sa kanya at hinalikan sya sa pisnge
"Hayaan nyo Nay, kapag nakapasok ako dun sa resort ng mga Valente matatahimik na tayo" ngiting sabi ko
Kumpara sa mga Flores, mas makapangyarihan ang mga Valente, sila lang naman ang nag mamay ari ng malalaking ari-arian dito sa Baler. Kasama na itong lupang tinatayuan ng mga bahay namin. Pinapagamit nila ito sa amin kapalit ang pag aani at pag aalaga ng kanilang mga baka at kambing, mayron ding mga kalabaw at mga manukan. Sa lawak ng lupain nila marami rin silang planta at mga taniman ng prutas. Halos sila ang nag mamay ari ng kalhati ng lupa ng Baler dahil sa dami ng kanilang ari-ari-an. Mas mataas din silang mag pa sahod kaya mas kailangan kong pag butihan para makapasok ako roon. Sasapat na siguro ang kinikita ko para kay kuya at kay Nanay
"Kailan kaba kasi makakatapos Verin, ng madala mona sa Manila iyang kapatid mo " si Nanay habang nag hahayin sa hapag. Nag ka tinginan lang kame ni Kuya
Si kuya ay kasalukuyang nag aaral ng architecture, at ako naman ang nag tatrabaho para sa kanya. Ilang beses nyang gustong tumigil para ako ang pag aralin pero hindi ako pumapayag. Kumpara sa akin mas matalino ang kuya, mas talentado at mas maalam sa maraming bagay kaya naman mas pinili kong mag trabaho kesa sya ang patigilin sa pag aaral. Mananahi si Nanay at si tatay ay matagal ng Hindi umuuwi kaya kaming tatlo nalang ang nag tutulungan. Bata palang kame nong iniwan nya kame kay nanay. Matagal na din kaming walang balita sa kanya. At mas okey na din yon kaysa sa palagi nyang sinasaktan si Nanay. I can do everything for them. Kahit walang matira sakin. Basta okay si nanay at si kuya. I'm fine with it
Sa mga sumunod na araw nag patuloy ako sa pag tatrabaho sa mga Flores, at kagaya ng palaging nangyayare, halos bumuntot sa akin si George, ang anak ni Doña Ciera
"Why can't u like me, Rin?" Aniya habang nag pupunas ako ng bintana
"Nag tatrabaho ako George" sabi ko ng hindi siya tinitingnan
Kung tutuusin ay gwapo si George. Maganda ang pangangatawan at edukado pa. Mayaman at makarisma kaya hindi ko maintindihan bakit ako ng kanyang nagustuhan. Halos mag kandarapa sa kanya ang ilang babae sa nayon
