"Hasmin."

"Nice name, Hasmin. Bagay sayo."

"Yeah, maganda nga. But now, hindi na siya maganda sa pandinig ko."

"May I know why?"

"My father gave that name to me. And I hate it now. Ayokong maalala ang mga bagay na may kaugnayan sa kanya." bakas sa tinig niya ang pait.

Nginitian lang siya nito.

"Can I take your order, Hasmin?"

"Lason?"

Umiling lang ito.

"Meron kaming specialty na kape dito. It's called Cafe Mi Amor. You should try it."

Tumango lang siya dito.

"Anything. Please add some chocolate cake."

Gusto niyang matikman ang poborito niyang desert bago siya mawala sa mundo.

Mapait siyang napangiti, buo na ang desisyon niyang magpakamatay. Pwede siyang maglaslas o di kaya ay mag-over dose sa sleeping pills.

"Pwede bang makahingi ng paper and pen?" request niya kay Charlie bago ito tumalikod.

"Sure, Hasmin."

Habang naghihintay ng order ay iginala niya ang paningin sa mga tao sa cafe. Puros magkasintahan ang mga iyon. Meron din naman na nag-iisa lang at halatang nagpapalipas ng oras.

Napukaw ang atensyon niya sa isang maliit na lalagyan na nakapatong sa mesa niya. May nakalabel doon na "Daily Thoughts About Love".

Walang pagdadalawang-isip na kumuha siya sa loob nun. Saka binasa ang nabunot niya.

"Sometimes people choose to leave not because of selfish reasons, but because they just know that things will get worse If they stay."

Nagsalubong ang kilay niya pagkabasa niya sa papel. Inis na nilukot niya ito at tinapon na lang basta.

Kalokohan! Iniwan sila ni Arnold hindi para mapabuti sila kundi para masira lang ang buhay nilang mag-ina. Napakaselfish na tao ito.

"Hey, that's littering. Alam mo bang pwede kang kasuhan ng may-ari ng cafe sa ginawa mo?"

Napatingin siya sa lalaking bigla na lang nagsalita mula sa harapan niya. Pinulot nito ang papel na tinapon niya at inilahad sa harap niya.

Tinignan lang niya iyon na para bang wala siyang pakialam.

"Bakit? Ikaw ba ang owner ng cafe na ito?"

"Hindi. Pero concerned lang ako sa environment natin. Alam mo bang marami ang maaapektuhan sa isang kalat na tinatapon mo? Pwedeng magbara ito sa estero, it will cause floods."

Kinunutan niya ito ng noo. Nasisiraan na siguro ang lalaking ito. Isang maliit na papel, pwedeng magcause ng floods? Sira nga talaga.

"Can I ask you something?"

"Yeah?" sagot nito.

"Anong work mo?"

Noong una ay parang naweirduhan ito sa tanong niya ngunit maya-maya ay sumagot naman ito.

"I'm a chef. Why?"

"If I were you, magluluto nalang ako."

Kasabay ng pagsabi niya ay hindi na niya ito pinansin o tinapunan ng tingin pa. Masyado itong nakakabulahaw sa pag-iisa niya. Biruin mo, sa isang kapirasong papel na tinapon niya para na siyang isang kriminal sa paningin nito.

Pero sa totoo lang, kung wala siyang pinagdadaanan ngayon sa buhay niya tiyak na magugustuhan niya ang lalaking ito. Yun kasi ang mga type niya sa isang guy, may pakialam sa environment. Active siya sa isang organisasyon sa university nila na nangangalaga at nagpoprotekta sa natural environment ng bansa. Marami din silang dinadayong lugar para magsagawa ng seminar at ipagbigay alam sa mga tao kung gaano kahalaga ang mga puno sa kalikasan. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat dahil sa kasakiman ng ama niya.

Saving Hasmin's HeartWhere stories live. Discover now