Chapter 7: Stay

Beginne am Anfang
                                    

"Ma'am! Pinapababa na po kayo ni sir senator!"

Napabuntong-hininga ako at luminga para hanapin iyong towel na sinasabi ng lalaki!

"Ma'am! Nandyan ho ba kayo?"

Inihilamos ko ang kamay sa mukha at umirap sa hangin. "Teyka!"

Tngina naman kasi, bakit dito pa ako dinala!

Inis na inis akong tumayo at inihakbang ang paa ko sa floor tile pagkatapos kong tumayo mula sa bath tub. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang maihakbang ko ang aking paa ay awtomatikong bumagsak ang pwet kasama na ang likuran ko sa floor tiles.

Kusa akong napapikit at ang tunog nang katawan kong nadulas sa floor ay lumikha.

"Ma'am, Hala! Sir senator! Si ma'am!" Sigaw ng marahil ay kasambahay sa labas ng pinto.

Napaungol ako at napaigik nang sinubukan kong tumayo. Para akong maiiyak sa sakit niyon.

Maya-maya lang ay narinig kong baritonong boses sa labas ng banyo.

"Anong nangyayari rito?!"

Sa kabila ng sakit at sa narinig ko ay nagawa kong iikot ang aking mata.

Kung hindi niya ako dinala dito sakanya, hindi mangyayari sa akin ito.

I heard a few knocks after.

"Open this damn door and let me in, Dammit!"

"Sandali! Huwag!" Sigaw ko naman mula sa loob at sinusubukang tumayo pero nang tumayo ako ay kusang bumagsak ang aking katawan at huli nang mapakapit ako sa bath tub dahil hindi na iyon abot ng kamay ko.

"Ah!" Sigaw ko at napapikit nang tumama ang pang-upo ko ulit doon sa sahig at huli na ang lahat na kuhanin ko ang bathrobe ilang hakbang nalang mula sa akin dahil bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Finn na gulat na gulat na nakatingin sa akin o sabihin na nating sa katawan ko.

Umawang ang labi ko at ganoon din siya, tinakpan ko ang dapat matakpan at doon siya umiwas ng tingin. Kumurap-kurap pa.

Narinig ko rin ang bulong niyang: "tngina" saka lumapit doon para kuhanin ang roba at nakaiwas ang tingin nang makalapit sa akin at saka ipinasuot sa akin ang roba bago marahan akong pinatayo.

"Ahhh- kaya ko na—" bago pa ako makahakbang palabas ng banyo ay kinarga niya ako sa pangkasal na pamamaraan. Napasinghap ako pero kumapit narin sa batok niya at napapikit nang makita ang galit na galit niyang mukha.

Sa akin ba sya galit? Kasi ang clumsy ko? Kasi parang mukhang gustong sirain nong pwet ko iyong floor tiles niya?

Inihiga niya ako sa kama ng dahan-dahan at saka tumayo. "How do you feel?"

"I slipped two times, so my back and ass are—" kiming sagot ko

"K." Pinutol niya ang sasabihin ko.

Umingos ako. "Medyo may pagkasuplado," Bulong ko.

"I heard that." He said to me, not showing any emotions.

I just rolled my eyes. "Whatever..."

Pinanood ko siyang tahimik na nagtitipa sa cellphone niya bago iyon itinapat sa teynga niya.

"Hello Doc. Krizza," sabi niya saka ako tiningnan. Wow, first name basis. Tatawagan niya ba ang babae niya, at sa harapan ko pa? Nakakairita, ang boses nagbago. Halos kanina ay parang halos bubuga ng apoy tapos ngayon ang chaka! Kalmado tapos iyong parang nanliligaw.

Nangunot ang noo ko nang dilim nalang ang tinitingnan ko. "Ano ba!" Singhal ko at inalis ang kamay ng Senator sa mukha ko. "Nang-iinis ka ba?"

"I should be the one to ask you that." Sabi niya at tumalikod na may ginagawa sa mesa niya.

The Billionaire's Fiance (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt