ROOSEVELT

8 1 0
                                    

Disyembre 1941

"Bagay kaya ito saakin yung bulaklak?" habang tinitignan ko ang sarili sa salamin na pangitingiti. Galing ang bulaklak sa hardin. Iisang piraso ng gumamela lang ang nakuha ko dahil heto lang ang pinaka-malaki roon. 

Umuulan ngayong araw. Nabalita na ngayon ay dumating na ang mga hapon dito sa Pilipinas. Handa na kami. Inihanda na kami ng gobyerno sa mga anumang pwedeng mangyari.  Hindi ko alam ang gagawin kung mangyaring lumusob ang mga hapon dito sa puso ng lungsod ng Maynila. Walang nakakaalam sa mga hakbang nila at mas lalong walang nakakaalam kung kailan mapapasok ang Maynila. 

Ako si Cecilia. Isang anak ng taga-ayos ng relo malapit sa intramuros ang gawaan. Ang Maynila ngayon ay napaka-tahimik, nabigla siguro ang mga tao sa nangyaring pag-pasok na ng hapon dito saaming lupang tinubuan. Malaki talaga ang tyansa na pasukin ang bansang ito dahil isa kaming Commonwealth ng Estados Unidos, matapos na matalo sa gera laban sa mga Pilipino. 

Patuloy pa rin ang pag-bagsak ng malakas na ulan at sinabayan ito ng mga kulog at kidlat. May iilang kalase ang dumaraan ngayon na kahit ang mga kabayo ay nababasa na. Ano bang pake ko dahil hindi naman ako yung nag-aalaga ng kabayo.

"Cecilia!" sigaw na naririnig ko sa labas. Ilang beses ko muna hindi pinansin baka kasi naiisip ko lang. May bato na pumasok sa bahay namin. Tipikal na bahay lang hetong tinutuluyan namin pamana pa ng aking lolo sa aking itay nung namatay sila ng lola sa aksidente. Tuloy pa rin ang buhos ng ulan at naiwan ko rin pa lang bukas ang capiz kaya nagkaroon ng kaunting basa sa sahig. 

"Cecilia!" alam ko na kung sino yung tumatawag saakin. Agad-agad naman ang sumulip at mas kinabahan dahil malakas ang buhos ng ulan.

"Wilfredo! bakit ka narito? Ang lakas ng ulan ngayon!" sigaw ko galing sa itaas ng bahay namin. Si itay ay wala, siguro nandon lang sa pinagtatrabahuhan n'yasa pagawaan ng relo. 

"Gusto lang kita makita," sabay ngiti ni Wilfredo saakin. Hindi kami pinagbabawalan ng magulang ko na dalawin ako ni Wilfredo. Kilalang-kilala nila si Willy kung tawagin ko. Pinaakyat ko s'ya sa bahay upang mag-palit ng damit. 

"Halika, Willy," agad ko binuksan ang pinto para pumasok si Willy rito sa bahay. 

"Ikaw talaga, ang pasaway mo. Nakita mo ng umuulan, pumunta ka pa rito," habang nakapamewang ako sakanya pero hindi ko rin naman s'ya natiis.  Malayo-layo rin kasi ang bahay ni Willy mag-mula rito saamin. Nag-alala ako baka mamaya ay mag-kasakit naman s'ya. 

"Mag-palit ka na!" sigaw ko sakanya pero napansin ko na nakatago pa rin ang isang kamay n'ya sa likod. 

Hindi pa rin s'ya nag-palit at mas lalong hindi n'ya ako sinunod. 

"Bakit?" simangot ko sakanya pero ngayon ay nakangiti pa rin s'ya. 

"Bulaklak para sa iyo," inabot n'ya saakin ang isang rosas na basang-basa.  Natuwa ako dahil pumunta at sumulong s'ya sa ulan para dalawin at bigyan ako ng bulaklak parang kanina lang kasi na ako mismo ang nag-bigay sa sarili ko ng bulaklak at ngayon nabigyan ako ng minamahal ko. 

"Tsk!" pinipigilan ko ngumiti pero halata na yata saakin na namumula ako.  Nakatayo pa rin s'ya sa harap ko at basang-basa, hinalikan n'ya ako bigla na s'yang ikinagulat ko. 

Pinalo ko s'ya pero hindi malakas. Palong lambing lang. 

"Ikaw talaga, baka dumating si itay!" nainis ako pero sa loob-loob ko gusto ko pa pero kailangan mahinhin lang. 

"Mag-bihis ka na," ilang ulit ko na sinasabi sakanya.

Pumasok s'ya sa kwarto ko. Bukas ang siwang ng pinto. Nakita ko s'ya na nag-hubad ng pantaas na damit. Natulala ako. Hindi ako nakakilos. Hanggang sa nagising ako sa pagkatulala sakanya. Kumatok ako dahil meron akong damit na dala, damit ni itay na kasya naman sakanya. 

"Nakita mo?" tanong n'ya saakin. Tumawa s'ya bigla. Kinuha n'ya yung palad ko at nilagay n'ya sa dibdib n'ya. Namula ako. Niyakap ko s'ya. 

Mas matangkad s'ya saakin. Hanggang balikat lang n'ya ako. Hinatak n'ya ako sa kwarto ko at nahiga kami. Umuulan pa rin. Nakatingin kami sa kisame na may disenyo ng paruparo. Malamig. Maingay ang buhos ng ulan. Bumubuhos nang bumubuhos ang ulan. Hinalikan n'ya ako. Hindi ako nakakilos. Hinalikan n'ya pa rin ako. Humalik na rin ako. Hinawakan n'ya ang mga kamay ko. Tinignan n'ya sa mga mata at pumiglas s'ya sakanyang mga halik at tinanong n'ya ako, 

"Maari ba?" 

Hindi ako sumagot pero tumango ako. 

Bumuhos ang pag-ibig ng araw na 'yon kasabay ang pag-buhos ng ulan. 

Nakahiga kami ni Willy. Wala na ang ulan. Tumila na pero nakarinig kami ng sigaw sa labas na, 

"BUKSAN N'YO ANG RADYO! BUKSAN N'YO ANG RADYO" 

"Buksan ang radyo?" tanong ko kay Willy.

Kinuha n'ya sa sala ang radyo namin at ipinasok sa kwarto. 

Narinig kami ng isang Amerikanong nag-sasalita. Si Franklin D. Roosevelt pala. 

"Yesterday the Japanese Government also launched an attack against Malaya. Last night Japanese forces attacked Hong Kong: Last night Japanese forces attacked Guam. Last night Japanese forces attacked the Philippine Islands. Last night the Japanese attacked Wake Island. And this morning the Japanese attacked Midway Island.

Japan has, therefore, undertaken a surprise offensive extending throughout the Pacific area. The facts of yesterday and today speak for themselves. The people of the United States have already formed their opinions and well understand the implications to the very life and safety of our Nation.

As Commander in Chief of the Army and Navy I have directed that all measures be taken for our defense.

But always will our whole Nation remember the character of the onslaught against us.

No matter how long it may take us to overcome this premeditated invasion, the American people in their righteous might will win through to absolute victory.

I believe that I interpret the will of the Congress and of the people when I assert that we will not only defend ourselves to the uttermost but will make it very certain that this form of treachery shall never again endanger us.

Hostilities exist. There is no blinking at the fact that our people, our territory, and our interests are in grave danger.

With confidence in our armed forces with the unbounding determination of our people we will gain the inevitable triumph so help us God.

I ask that the Congress declare that since the unprovoked and dastardly attack by Japan on Sunday, December 7, 1941, a state of war has existed between the United States and the Japanese Empire" 

Nagkatitigan kami ni Willy. 

Three Generation Story: Bullet in the HeartWhere stories live. Discover now